ELIZABETH'S TALE
Chapter 01
"You're late, Ms. Consejo. AGAIN!"
Pambungad na bati sa akin ng manager ng pinatatrabahuan kong restaurant. Wala naman akong masabi kung hindi sorry at isang ngiti. Kung ipapaliwanag ko pa ang dahilan kung bakit ako na-late muli ngayong araw ay hahaba lang ang usapan.
"Please go to my office. I need to talk to you." Utos niya at agad na tumalikod sa akin.
Kita ko naman agad ang pagtingin ng masama sa akin ni Era ng nakaalis na ang manager. Tanging busangot ang pinakita ko sa kanya dahil alam kong ilang beses na naman akong minumura n'yan sa isip niya. Malaki talaga ang galit sa akin ng babae dahil ang alam niya ay may namamagitan sa amin ng manager ng restaurant na ito na wala naman talaga.
Pagpasok ko sa loob ng opisina ay isang tingin na naman ng masama ang natanggap ko galing kay Rhoan, ang manager ng restaurant.
Ano bang trip ng mga ito bakit ganon sila tumingin sa akin.
"Sir, I'm really sorry. Promise this will be the last time na male-late ako and pwede akong mag-overtime ngayong araw para pambawi." saad ko ng makalapit.
Narinig ko naman ang munting buntong-hiniga niya kaya alam ko ng ayos na. Nahihiya rin naman ako dahil ilang araw ng ganito ang pagpasok ko sa trabaho. Malaking tulong para sa akin ang trabaho na ito kaya madalas kapag nalelate ako ay bumabawi nalang ako sa ot.
"Okay. Siguraduhin mo lang Eli kundi mababatukan na kita." alam kong biro lang iyon pero baka mapaalis pa ako sa trabaho kaya tanging tango lang sinagot ko.
"Sino nagbabantay kay Cristoff" tanong niya sa akin ng may pagaalala sa boses.
"Pinabantay ko na muna kila Ate Dette. Yung batang 'yon, lagi nalang akong ginagalit masyadong makulit. Tapos magtatanong pa kung bakit ang sungit-sungit ko." pagsusumbong ko na parang bata.Natawa naman siya at napailing nalang bago magsalita.
"Alam mo naman na ganyan ang tatay niya kanino pa ba siya magmamana." sagot niya na ikinailing ko nalang. Dapat kasi sa akin nalang nagmana 'yon eh para naman hindi na siya maging sakit ng ulo ko.
"O sya, magtatrabaho na ako baka paglabas ko rito sabunutan na ako nung isang babae sa labas. Hindi ko pa rin gets bakit akala ng babaeng 'yon na merong tayo." Iiling-iling na saad ko at tumayo na para umalis.
"Wag mo nalang pansinin si Era at titigil din 'yon." paalala niya.
Lalabas na sana ako ng maisip kong biruin ang kaibigan.
"Bakit kasi di mo nalang subukan i-date tutal ikaw naman talaga dahilan bakit ang init ng ulo non sa'kin?" tanong ko pero isang iling lang ang isinagot niya sa akin kaya lumabas nalang ako para magsimula ng magtrabaho.
Kayayari lamang ng trabaho ko ng maramdaman kong nagvibrate ang phone sa bulsa ko. Agad kong binasa kung sino ang tumatawag at sinagot koi to ng makita kong si Edzel ito, anak ni ate Dette.
"Edzel napatawag ka?" tanong ko kaagad.
"Ate si Cristoff kasi kinukulit ako na tawagan ka may sasabihin ata." sagot niya sa kabilang linya.
"Asan siya? Pakausap nga." Yung batang 'yon talaga napakakulit. Narinig ko naman na tinawag ni Edzel ang bata.
"Hello Mama Eli? Pauwi ka na po?" tanong ng bata. Alam kong may gustong pabilhin ito dahil masyado siyang malambing ngayon.
"Oo ano ba pabibilhin mo?" tanong ko na agad.
"Ma bilhan mo akong ice cream yung 3 in 1 ha." napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Anong ice cream? Cristoff gabi na para sa ice cream bukas nalang tayo bibili non." sagot ko. Narinig ko pa ang pagdadabog niya sa kabilang linya.
"Eh sige na Ma. Ilalock ko yung pinto kapag di ka bumili ng ice cream para di ka makakatulog dito sa bahay." pananakot niya sa akin. May sasabihin pa sana ako kaso si Edzel na ang narinig ko sa kabilang linya.
"Hello ate? Nanonood na ulit si Cristoff ng tv nakabusangot." sumbong niya. Naiimagine ko ngayon ang batang makulit na nakahalukipkip habang nanonood ng tv. Napabuntong-hininga naman ako bago sumagot.
"Sige Edzel salamat sa pagbabantay ng batang 'yan ha. Pauwi na rin naman ako." Saad ko bago pinatay ang tawag.
Naghintay na ako ng jeep na pwedeng sakyan pauwi at bumili na rin ng ice cream para sa bata dahil di ako patutulugin non kapag di ko binili ang gusto niya. Manang-mana talaga sa ama, kung anong gusto siyang dapat makuha.
BINABASA MO ANG
Elizabeth's Tale
RomanceLove is not perfect. It is not about having a happily ever after with your prince. Because there's no perfect prince. Yes. There's no perfect love but as long as I'm with you, holding you and loving every inch of you I will hold on to your promise...