Chapter 82

465 39 140
                                    

Imelda POV

Bago lang ako nakauwi nang hinahanap ko si Ferdinand para tanungin ano ang nangyari kahapon pag-alis ko. Pag-uwi niya kasi ay hindi pa ako nakauwi kaya hindi na kami nag-abot. Nauna na siyang matulog at kaninang umaga naman ay mas nauna akong gumising dahil marami pa akong aasikasuhin sa labas

Kaya ngayong kakarating ko lang ay tinanong ko agad ang kaniyang secretary kung saan tumungo si Ferdinand pero sinabi lang sa akin na kanina pa ito umalis at baka babalik din ito maya-maya kaya pinagdesisyonan kong hihintayin ko nalang ito sa kwarto

Ulit akong naligo dahil galing ako sa labas

Nagbihis at naghiga higa nalang muna ako sa kama habang naghihintay at nagbabasa ng libro

Nang biglang may kumatok

"Yes?" sagot ko sabay tayo at pagbukas ng pinto

"Madam, there has been a small box delivered to you. Should I send it in?" sabi ng secretary ni Ferdinand at tumango lamang ako

Pinapasok niya ito sa loob ng kwarto pero natatakot akong buksan kaya nagpasama muna ako sa kaniya sa kwarto para sabay kaming bumukas

Nakapagtataka kasi ngayon lang ako nakatanggap ng ganito kaya hindi ko alam baka kung ano na ang laman nito

Bago pa naman namin ito buksan ay biglang napatanong ang secretary ni Ferdinand

"Madam, mukhang nag-iiba ang hugis ng iyong katawan. Lumalaki na din ang inyong balakang. Buntis ho ba kayo?" masayang pagtatanong nito

"Ahh, oo pero huwag mong sabihin sa amo mo" seryoso kong pagkasabi

"Ay bakit po?"

"Hindi ko pa nasasabi sa kaniya. Mukhang hindi nga niya napapansin na lumalaki na din iyong kinakain ko"

"Naku madam, matutuwa iyon kapag nalaman niya"

"Ewan ko rin pero eto na nga buksan na natin" sabi ko at tuluyan na naming binuksan

Pagbukas ay punong-puno ito ng mga larawan

Napatayo ako at inisa-isa ang mga litrato

Si Ferdninand to ah?

Napatingin ulit ako nang malapitan sa mga pictures nang nakita ko ang kasama nito lagi

Si Y/N

Kasama ni Ferdinand sa bahay nila at sa dagat. Kasama ang anak ni Y/N na si Andy

Bigla kong napagtanto na kapangalan ni Andy si Ferdinand

Anak ni Ferdinand ang anak ni Y/N? Anak nilang dalawa ito?

May nabuo pala talaga

Bigla akong nahilo sa aking mga nakita at nalaman. Dibdib koy sumisikip at parang nahulugan ng mundo

Totoo ba itong mga nakikita ko?

Saan ba galing itong box na ito?

Tumingin ako sa secretary at sabay kaming napadliat ang mga mata nang nakita namin lahat nang nakalapag na litrato dito

Ulit akong nahilo at dali akong ginabayan ng secretary

"Madam, are you okay? Umupo po muna kayo" sabi nito

Papalakad kami papunta sa aking kama para umupo ay may bigla akong naramdamang tumulo sa aking ibaba

Nang tiningnan ko ito ay dugo

Dugong dumadaloy sa aking mga paa. Napatingin din ang secretary dito at biglang nataranta

"Madam! Dumudugo kayo. Tulong!" sigaw nito

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon