GWN-Part 5

561 26 12
                                    

<Reigan's POV>

Namumuo na ang mga malalamig na butil ng pawis sa aking noo. Pinagpapawisan na rin ang pareho kong kamay. Kumakalabog ang puso ko sa kaba at nerbyos. Parang napako na ang pwet ko dito sa sofa ng magarang mansion ni Mr. Villa Rama. Hindi ko alam kung paano lalabanan ang matalas niyang tingin. Idagdag pa ang nakangiting-demonyong babae sa tabi ko at pilit na lumilingkis saakin.

"I'm asking you, young man. What happened between 'you' and my 'daughter'?" Landerford's voice is full of seriousness and authority. It gives heavy atmosphere around me.

"W-We're j-just s-sleeping, S-Sir." I nervously answered.

"SLEEPING?!!!" Halos mapatalon ako sa gulat. "You're both naked on the same bed under the same sheet. For goddamn sake, do you think I'll believe on 'SLEEPING'???" Kulang na lang umusok ang butas ng ilong at taenga ni Mr. Villa Rama. Napalunok na lamang ako ng sariling laway at tinapunan ng masamang tingin ang demonyita kong katabi. Letse!

Heira just shrugged her shoulders while hiding the evil grin that wants to show up on her fucking face.

"Nakakarami kana sa'kin bruha ka."

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng kanyang ama. "I guess... I can't do anything about this. My daughter is already old enough and your grown-up already, pareho na kayong nasa tamang edad para gumawa ng sariling desisyon sa buhay." Tila ba pagsuko ng kanyang ama. Napayuko na lamang ako. "Bahala na kayong dalawa, wala na akong pakialam. Basta huwag na huwag ko ulit maririnig na nawawala ka na naman, Heira Shaine. Maliwanag?" Tinitigan niya ang kanyang anak na babae. Ngumisi lang ito pabalik sakanya. Umiling-iling na lang ang kawawang tatay.

"Bruha. Tatay mo pagod na."

Ilang minuto na ang lumipas, nakaalis na si Mr. Landerford at naiwan kami ni Heira dito.

"Hmmm..." She suddenly murmured. "Let's go?" She smiled at me. I made a grimace reaction while moving away from her.

"Pagkatapos ng ginawa mo sa'kin magiging FC (feeling close) kana. Ano akala mo sa'kin... easy to get?? Neknek mo!" Singhal ko sa pagmumukha niya. Bungisngis lang ang natanggap kong sagot. Impakta talaga!

*Flashback*

"Why does you look so anxious?" She walked towards my direction. "Are you afraid of me?" Her deep eyes stared on mine. Hindi ko alam kung bakit parang hinihigop ako ng kanyang mga mata papalapit.

"A-Anong g-ginagawa m-mo d-dito?" Mga salitang lumabas sa aking nagkabuhol-buhol na dila.

Isang kakaibang ngiti ang binigay niya sa'kin. Nabigla ako ng lakarin niya pa ang natitirang distansiya sa pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit. Natuod ako, hindi ko alam ang gagawing reaksiyon. Kaya sa huli ay nanatili lang siyang nakayakap habang pinoproseso pa ng utak ko ang nangyayari.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon