Chapter 15

699 38 2
                                    

Nagtaka si Dawn ng hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.

"Ayos-"

"Stay," Naramdaman niya ang braso nito sa kanyang baywang ng tangkain niyang humiwalay sa pagkakayakap dito. "Minsan lang ito mangyari, lulubusin ko na."

Natawa siya sa katwiran nito.

"Tama na, masyado ng matagal." Sambit niya ng hindi pa ito humihiwalay sa kanya.

"Minsan lang 'to, Baby Indi. Huwag mo ng ipagdamot," Reklamo nito.

Pabiro niya itong hinampas sa likuran. "Baka masanay ka,"

"Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa'kin?" Malungkot nitong tanong.

Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.

"Magnus," Tawag niya sa pangalan ng binata.

"Hmm?"

"May gusto ka ba talaga sa'kin?" Lakas loob niyang tanong.

Humiwalay ito ng yakap at seryosong tumingin sa mga mata niya. Hinawakan din nito ang magkabila niyang pisngi.

"Dawn," Malambing at seryoso nitong tawag sa pangalan niya. Ito ang unang beses na tinawag siya nito sa pangalan niyang iyon. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Nakatingin lang siya rito at hinihintay ang sasabihin nito. "Wag kang assuming!"

"Aray! Peste ka, Magnus!" Sigaw niya ng pisilin nito ang dalawa niyang pisngi.

Tumatawa naman itong lumayo sa kanya.

"Huwag mo kasing isipin ang ganoong bagay, masasaktan ka lang." Pahabol nito bago tuluyang lumabas sa kanyang opisina. Alam kasi nitong hindi niya ito titigilan hanggat hindi nakakaganti.

Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Kailangan pa niyang pag-aralan ang pasikot-sikot na takbo ng company at hindi niya bibiguin ang kanyang Ama. 

...

...

...

Malalim na hininga ang pinakawalan ni Magnus ng makasakay sa elevator pababa sa ground floor ng building na pag-aari ng Silueta. 

Hinawakan niya ang tapat ng puso. Hanggang ngayon mabilis pa rin ang tibok n'on.

"Bakit mo ba ako pinapahirapan, Indi?" Sambit niya sa sarili.

Sa totoo lang, nagulat siya sa ginawa nito pero hindi siya maaaring umasa sa ganoon. Alam niya kung sino ang mahal nito at ang taong nagpapasaya rito. Kung inamin niya ang totoong nararamdaman, masasaktan ito kapag nasaktan siya dahil dito. Ayaw niyang makonsensya ito kung hindi nito matutugunan ang pagmamahal niya.

Mahal niya si Dawn. Matagal na. Hindi pa ata ito kilala ni Magnum mahal na niya ito. Sinubukan niyang ibaling sa iba ang pagmamahal niya pero bumabalik pa rin kay Dawn.

Masaya naman siya kung anong meron sila ngayon, kahit bilang kaibigan lang. Mas okay na 'yon sa kanya kesa lumayo ang loob nito. Palihim na lang niyang tutulungan ang kaibigan para muli nitong makamit ang kasiyahan sa taong mahal nito. 

Kinuha niya ang phone at tinawagan si Magnum.

"Brother!" Bati niya pagsagot nito sa kanyang tawag.

"What happened?" Seryoso nitong tanong.

Totoo siguro ang sinasabi ng iba. Nararamdaman daw ng kambal ang bawat isa kung malungkot o masaya ito.

Marrying a Rebellious Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon