Chapter 16

742 40 0
                                    

"Very good!" Sigaw ng photographer kay Dawn.

Proud namang nakangiti sa kanya ang Ina. Noong bata pa siya mahilig na siya nitong turuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon.

Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kanyang Ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kanyang Ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.

"Okay! Let's do this!" Sigaw ng photographer. Mukhang excited ito gagawin. "Miss Dawn, stay there!" Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa unahan. "We're taking the second shoot,"

Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kanyang Ina, ngumiti lang ito sa kanya.

"Sir, punta ka na sa gitna." Sambit ng photographer kay Vander.

Balewala naman itong tumayo at lumapit sa kanya. Bahagya pa siyang umatras dahil umiwas siyang magdikit ang kanilang katawan.

"What's happening?" Tanong niya sa mga ito.

"Pareho po kasi kayong walang partner kaya kayo na lang dalawa." Paliwanag ng crew. "Mas mabuti na rin po ito Ma'am, para tapos na natin ang shoot sa araw na ito." May punto naman ito.

"Okay," Sang-ayon niya. 

Mabuti na rin iyon para hindi siya maabala sa trabaho sa susunod.

"Closer!" Sigaw ng photographer. "Sir, pwesto ka sa likuran ni Miss Dawn. Miss Dawn, bahagya kang humilig sa balikat ni Sir," Utos nito.

Alam ni Dawn na hindi siya propesyonal na modelo pero ginawa pa rin niya iyon ng walang pagka-ilang.

"Sir, hawakan mo si Miss Dawn sa baywang."

Napakislot si Dawn ng maramdaman ang kamay ni Vander doon.

"Relax, Indiana. I'm not planning to eat you here,"

Namula si Dawn sa sinabi ni Vander. Sa sobrang lapit ng kanilang distansya, ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang tainga.

"Don't forget my promise, Misis. I'll start it soon," Nakuha nito ang kanyang atensyon. 

Bahagya siyang lumingon dito pero napaatras din siya ng sobrang lapit ng mga mukha nila. 

"W-what did you call me?" Tanong niya habang nakatingin dito. 

"Misis," Nakangiti nitong sagot. 

Nabaling ang tingin niya sa labi nito. Ang labing minsan ng lumapat sa labi niya at nag-pagulo sa kanyang sistema. 

'Sh't, Dawn! You're out of your mind!' saway niya sa sarili. 

"I'm not your wife, Vander." Mahinahon niyang sabi.

Nasasaktan din siya sa isiping iyon. Lalo na peke pala ang kanilang kasal. Minabuti niyang huwag na lang ungkatin ang bagay na 'yon sa kanyang Ama para hindi na siya masaktan pa.

"We're still married,"

"What?" Gulat niyang tanong.

Naglalaro sa mga mata nito ang kasiyahan habang nakangiti.

"Yes, Indiana. Our marriage isn't fake. You're still my wife and I am your husband,"

"How is that possible?" Naguguluhan niyang tanong.

"My father tricked me para makontrol ako. Nalaman ko na lang na valid ang kasal natin ng makausap ko si Attorney and I'm thankful of that. Please be with me again, Indiana." Nagsusumamo nitong sabi.

Marrying a Rebellious Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon