Epilogue

1.1K 62 34
                                    

Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo.

Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa iisang silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa't-isa.

"You need to wake up. Excited na kami sa aming apo," Biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.

Tumingin sa pintuan si Abegail ng bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon ang pumasok pero si Romano ang iniluwa ng pinto.

"Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin," Malambing nitong sabi.

"Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa," Sagot niya.

"Hindi niya magugustuhan kong magkakasakit ka," Mahinahon nitong sabi.

"Nahuli na ba siya?" Paglilihis ni Abegail sa usapan. Gusto niyang malaman kung nahuli na si Maira. Kailangan nitong magbayad sa kasalan sa kanyang anak.

"Yeah. Na sa custody na siya ng mga pulis kasama si Alero. Napatunayan nilang may kinalaman si Alero sa pagkawala ng preno ng sasakyan ni Vander,"

"Sisiguraduhin kong magbabayad sila," Galit na sambit ni Abegail.

...

...

...

"Uy, kayong dalawa. Saan ba kayo namamasyal at nawiwili kayong matulog?" Tanong ni Magnus ng dumalaw siya kay Dawn.

Nag-volunteer siyang magbantay sa dalawa habang na sa presinto ang bantay ng mga ito upang asikasuhin ang kaso laban kina Maira at Alero.

"Baby Indi, naghihintay ka ba ng isang prinsipe? Pwedeng ako na lang, natutulog din kasi ang prinsipe mo." Malakas niyang sabi.

Ewan ba niya pero gusto niyang pagtripan ang dalawa.

Lumapit naman siya sa kinahihigaan ni Vander.

"Vander, kapag hindi ka pa gumising hahalikan ko si Baby Indi. Ikaw din, kapag nagising siya sa halik ko baka iwanan ka niya. Hindi ko na kasalanan 'yon," Sambit niya sa lalaki. "Natatakam pa naman ako sa mala-rosas niyang labi. Gusto kong malasap ang lambot n'on sa labi ko," Sambit niya habang umiikot patungo sa higaan ni Dawn. "Wala akong kaagaw ngayon sa kanya," Nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa nakapikit na mukha ni Dawn.

"D-distance yourself, Idiot!" Paos na boses ang nagpabaling sa tingin ni Magnus.

"Gising ka na?" Gulat niyang tanong kay Vander.

"B-baliw," Mabilis namang bumalik ang tingin ni Magnus ng marinig ang boses ni Dawn.

"Sh't!" Bigla niyang sabi at mabilis nagtungo sa pintuan. "Doc, gising na ang mga pasyente!" Sigaw niya. Nakalimutan niyang may emergency buzzer nga pala.

...

...

...

"Maayos na ang kalagayan niyong dalawa. Maaari na kayong lumabas sa makalawa," Nakangiting sabi ng Doktor na sumuri kay Dawn at Vander.

Isang linggo na silang nananatili sa hospital simula ng magising sila. 

"Maraming salamat, Doc." Sambit ni Abegail. 

Marrying a Rebellious Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon