After hanging out at the Cafeteria, we quickly went to the parking lot. Magkakasamang sumakay sila Aitana sa kotse niya habang mas piniling naman ni Zav na sumabay sa akin.
Rinig ko pa ang paulit-ulit na pagrereklamo niya na kesyo kaya nga siya sa akin sumabay dahil nasasayangan siya sa maaaksayang gasolina nang kotse niya. Ako ang naupo sa passenger seat at si Zav naman sa driver seat dahil iyon ang sabi ko at wala na siyang magagawa kundi sundin ang gusto ko.
" Alam mo ba kung nasaan ang Bullworth College?" Tanong ko sa kanya matapos makabit ang seatbelt at saka niya madaling pinaandar ang sasakyan.
Umiling ito ng dalawang beses." I've never been there.."
" Hmmm..mmm.. Iidlip lang ako sandali gisingin mo na lang ako kapag nandoon na tayo." Pipikit palang sana ako ng marinig ko ang mahinang niyang pagdadabog.
" Pinagdadabugan mo ba ako?" Angil ko sa kanya na paulit-ulit na hinahampas-hampas ang steering wheel nang kotse.
Lokong toh ah..
Hindi siya nagsalita pero sapat na ang ginawang pag-ikot ng mata nito para malaman ko ang ibig nitong ipahiwatig. Kaya naman marahas akong napabuga nang hininga at saka asar ko itong inismiran.
" Between the two of us, I should be the one who has the right to be angry, not you."
" Sino ba ang gustong sumabay sa akin papunta doon? Hindi ba't ikaw? Pasalamat ka at pumayag ako na makasabay ka." Sabay hikab ko habang ramdam ko ang unti-unting pamamasa nang gilid ng mga mata ko.
" Salamat kung ganun.." Sarkastikong sabi nito.
" Ganyan nga matuto kang magpasalamat."
" Oo na. Sino ba naman ako diba? Isa lang naman akong maganda, mabait, matulungin at maganda ulit na pinagpapasa-pasa ninyo kapag kailangan." Rinig ko sa boses niya ang kayabangan kaya naman bahagya akong napangiwi.
Ang kapal ng mukha, kumpara sa akin wala pa siya sa kalingkingan ko..
Hindi na ako magtataka kung kay Aitana niya nakuha ang pagiging mayabang niya, sa aming magbabarkada si Aitana lang naman kasi ang may ganyang ugali. Maya-maya lang ay lumiko siya nang daan pakaliwa, nakasunod pa rin kami sa sasakyan nila. Kita lang namin sila sa unahan hanggang sa madali siyang huminto sa isang tabi.
Nagtaka pa ako kung bakit pero pag-angat ng mata ko sa taas ay kita ko ang pangalan nang eskwelahan na nakaukit sa may gilid nang pader.Nakasulat ito sa malalaking letra na kulay dark green.
BULLWORTH COLLEGE
Eskwelahan ng mga bullies at mga spoiled brat na estudyante. Palagi kong naririnig ang pangalan ng school na ito pero hindi ko talaga alam kung saan ba banda ito naroroon, pero ngayon alam ko na.
" Kung ganun, nandito na pala tayo." Bulalas ko na mukhang nadinig din ni Sav dahil sa agaran nitong pagtango.
Mabagal niyang hininto ang kotse ko sa tapat nang gate kung nasaan naroroon ang guard, tuwid na tuwid ito sa pagkakatayo habang nilalarong pinapaikot-ikot sa daliri ang isang medyo may kanipisang stick.
Hindi ako bumaba o kahit na pa ang bahagyang kumilos basta lang akong nanatiling nakaupo at pinapanuod ang mga kaibigan ko na nasa labas na ng kanya-kanyang sinasakyan at animo'y nagpupulong.
BINABASA MO ANG
Facing the Past
Romance(Claiming Series #1) Walang interest si Jezreel Eevee Ramirez sa usaping pakikipagrelasyon at tanging pag-e-enjoy lang ang nais niya sa buhay, mahilig siyang pumarty-party at makihalubilo sa mga babaeng nakikitaan niya ng interes na makipaglandian...