Third Person POV"Wala kayong alam sa nangyari?"
Umiling ang dalawa sa tanong ng Headmaster.
" Gumamit ng abilidad si Dylan. Hindi ko alam kung anong rason ngunit nang makarating ako sa istadyum, maayos naman ang lahat maliban sa mga estudyante na akala mo nakawala sa hawla. " Headmaster.
Nakuha naman ng Headmaster ang atensyon ni Hailey. Alam niya sa una pa lang na may naramdaman itong binibini sa prinsipe kung kaya't sinadya niya itong sabihin sa kanila.
" Akala ko po marami na ang nasaktan kasi po diba alam naman natin na walang nagpapakalma sa prinsipe. Mabuti na lamang po ay nakontrol niya ang kaniyang emosyon."
Nanatiling tahimik lamang si Hailey habang nakatingin ito sa Headmaster. Gusto pa niyang marinig ang pangalan ng prinsipe.
" Hindi ko alam kung paano bumalik sa lahat. Sa una pa lang, alam ko na ang nangyayari sa loob ng istadyum. Kada palapit kami sa istadyum, may pilit na lumalabas na enerhiya sa katawan ko." Headmaster.
"Hala ginamit niya ang Power Absorption." Gulat na saad ng babae.
Napailing na lamang ang headmaster. "Sige na, ako na bahala dito. Bumalik na kayo sa klase dahil kinabukasan, tayo ay magkakaroon ng pagtitipon na kung saan ay makikilala niyo ang iba pang miyembro." Headmaster
Napangiti sa saya ang isang babae. Yumuko muna ito bilang paggalang at hinatak na si Hailey palabas ng kuwarto.
Nang makalabas na ang dalawa, agad itong tumingin sa maestro.
" Wala na sila. " Saad nito.
Hindi siya nabigo dahil tama nga siya ng hinala na gising ang maestro.
"Totoo ba ang sinabi ng nurse? Nawalan ka ng malay ngunit gumagana pa rin ang abilidad mo?"
Tumango ng dahan-dahan ang maestro. Napaupo na lamang ito sa nalaman niya.
"Kamusta ka na? Nakabalik na ba lahat ng Essence mo?"
Umiling ang Maestro sa naging tanong nito.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon. Ang daming pangyayari na hindi ko inaasahan. Una, hindi mo na kinaya ang paglabas ng illusion sa loob ng limang oras. Pangalawa, muntik ng mapatay ni Dylan ang kaniyang kapwa mag-aaral. Pangatlo, may isang estudyante na pasado ngunit naiwanan ito sa gubat na kung saan ginanap ang pagsusulit. At ang huli, ang nangyari sa iyo na muntik mo ng ikamatay. Kapag hindi mo na kaya, dapat huminto ka na, Sr. Bendict. Kung hindi ka pa nawalan ng malay, baka patuloy pa rin lumalabas ang Essence mo. "Headmaster.
Umiling muli ang maestro ngunit hindi ito pinansin ng headmaster.
" Sige na. Magpahinga ka muna dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Babalik ako dito bukas ng umaga dahil kailangan kong tumulong sa mga dagdag kuwarto ng mga bagong estudyante at sa mga misyon na dapat na namin masimulan." Headmaster.
Paalis na sana ito nang bigla siyang hawakan ng maestro kung kaya't napahinto ito at napatingin na may pagtataka sa kaniyang mukha.
" Ano 'yon? "
Tinuro ng maestro ang kamay niya at sinubukan maglabas ng Abilidad ngunit hindi niya inaasahan ang makita sa kamay nito.
Hindi Essence ang dahilan kung bakit ito nakagamit ng Abilidad kundi ang Enerhiya mismo ng kaniyang katawan.

BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasyIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...