Chapter 21

37 6 4
                                    

While I waited for three hundred and sixty-five days for my day to come, those times seemed to slip away swiftly. At sa wakas, mukhang narinig na rin ng Bathala ang panalangin ko dahil sa nagdaang mga araw ay walang unos ang dumating. Tanging normal na agos lang ang kumukonsumo sa oras ko.

''For the upcoming cooking show this November, kayo lang ang nakikita naming may potential na ipaglaban ang school. The teachers talked about it earlier and we had already picked the representative.''

Tumuwid ako ng upo at pinagmasdan ang maestra sa harap. Hawak ang ballpen at ang kapirasong papel na nasa lamesa, gumuhit ako nang kung ano ano para maibsan ang namumuong kaba sa dibdib.

With tons of competition offered to our school, this was the first time they accepted this offer from the sister school. Himala pa dahil ang nasabing 'yon ay para sa mga TVL students at ang pinaka nakakahalina sa mga estudyante, lalo na sa mga katulad ko ay ang malaking pabuya na pwedeng mapanalunan.

Once you acquire the spot, automatic may free scholarship ka na sa pinakatanyag at tinitingalang culinary school dito sa lugar namin. Nagniningning talaga ang mga mata ko kapag naiisip kong isa rin ako sa susuot ng puti nilang uniporme.

Wangis na malinis at propesyonal.

''Ma'am sino pong napili?'' Julie asked.

''Sa tingin mo, sino?'' si Eris sa tabi ko at pasimpleng kumakain ng candy. Nagkibit balikat ako at ibinalik ulit ang tingin sa harap.

Nilibot ni Ma'am ang tingin sa buong classroom at saka natigil ang paningin sa'kin. Ngumiti siya at pumapalakpak.

''Congratulations, Ms. Celestino. Majority of the teachers voted for you, we're impressed by your performance. Baking must be really your passion.''

''Sanaol beh!''

''Yun oh!''

Binalot ng kabilaang palakpakan ang classroom at may kakaunti pang hiyawan. Hindi ako nakagalaw at makailang ulit man ibuka ang bibig, sa sobrang saya ay ngiti lang ang kaya kong maibigay. 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Pao at hinampas niya ang aking braso. ''Congrats! Galingan mo, sasabunutan kita pag natalo ka. Itaas mo bandera natin!''

''Wala pa nga, ano ba...''

''Nini...'' I turned to Eris who was crumpling the papers. Nakakuyom ang kamao niya at nakapako ang tingin sakin. Ilang sandali pa, ngumiti siya. ''Congrats, ikaw napili. Galingan mo ah?''

''Susubukan ko, ba't kasi ako...'' pahina nang pahina kong sinabi.

''Ayaw mo? Para nga ikaw bida.'' Siya at naglabas ng lip tint at ipinahid sa labi.

''Hindi naman sa ganoon–'' Sabi ko at natigilan nang bigla siyang tumayo at nagpaalam na pupunta sa CR. Nagkatinginan kami ni Pao at nagtaas lang siya ng kilay.

''Bakit?''

''Wala. Restroom lang daw.''

''Ms. Celestino, the competition is weeks from now. Mag-isip ka na ng recipe at magpractice ka. Bigatin mga kalaban mo doon pero bilib at may tiwala naman kami sa'yo, pag-igihan mo hija, pagnanalo ka rito secure na college mo.''

''May time limit po ba sa mismong competition?'' tanong ko.

''Meron, pero mahaba 'yon dahil open ang judges na makita kung ano ang kayang ioffer ng students.''

Nagkatinginan kami ng kaibigan.

''Secure na raw college mo, kaya galingan mo talaga dapat. Swerte na noon 'no, sponsor ba naman 'yung school ng mayayaman.''

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon