Kelra's POV
"Where were you last night, Kelra? Hinahanap ka ni Jomar sa akin." Napalingon ako kay Kasie nang banggitin niya ang pangalan ng boyfriend ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin sinasagot ang mga tawag ni Jomar dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na buntis ako. Ayoko rin namang malaman ng lahat dahil baka isumbong nila kay Sir Klaxon. Alam nilang lahat na magiging asawa niya ang Mommy ko. Gusto kong sarilihin muna ito sa ngayon, ayokong pandirian nila ako. I'm not yet ready for that.
"N-Nasa bahay. Umuwi kasi agad ako baka pagalitan ako ni Mommy kapag late akong umuwi," palusot ko sabay tingin sa harapan. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang mata namin ni Sir Klaxon. Subject niya na pala ngayon sa amin. Hindi ko napansin dahil lutang na lutang talaga ang isip ko. Hindi parin kasi kami nagbati ni Mommy, galit na galit parin siya hanggang ngayon.
"Kelra Hadjehel, stand up," tawag niya sa akin. Napasinghap naman ang katabi ko. Mukhang hindi niya inaasahan ang seryosong mukha ni Sir Klaxon ngayon. Magulo ang kanyang buhok, bukas naman ang dalawang butones ng kanyang polo. He looks miserable right now, but still hot in my eyes. Totoo namang charismatic si Sir Klaxon at hindi halatang malaki ang agwat ng edad nito sa amin pero mukha talaga siyang kaedad namin. Parang hindi tumatanda.
"Kelra..."
"Ano 'yon, Jena?" tanong ko sa katabi ko while eyeing our sir. Pinatatag ko ang sarili ko.
"You were sick right?" nag-iba ang expression ng kanyang mukha ngayon. Malamya itong nakatingin sa akin, tila nag-aalala.
Umiling ako at mas lalong pinatatag ang sarili. Hinding-hindi na ako magpapaloko sa mga salita at emosyon niya. Magiging asawa na siya ni Mommy, ayokong sirain ang relasyon nila. Kaya ko naman ang sarili ko, kaya kong buhayin ang anak ko without his help. I know I'm a mess right now, wala akong trabaho at higit sa lahat nag-aaral pa ako.
"Kelra?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig muli ang kanyang malalim na boses. "I'm still talking to you, are you listening?" this time ay ramdam na ramdam ko na ang mga matatalim na tingin ng mga kaklase ko. Especially girls. Ang sasama ng tingin nila sa akin. Wala naman akong ginagawa. I want to disappear right now so that I can breathe properly.
"I think, you are really si—"
"No! Sir! Wala po akong sakit or ano. Ayos lang po ako, medyo lutang lang po talaga ang isip ko ngayon," hestirikal ko para tumahimik na siya. Bakit ba siya nag-aalala? Hindi naman kailangan.
He sat down on his chair and sighed deeply. Sinimulan niya na ring halungkatin ang mga notebooks namin sa ibabaw ng mesa niya. Napabuntong hininga ako tsaka nagpasya na umupo muli sa upuan ko. Base sa kanyang mukha ngayon he is also confused. I don't know why, or sadyang kulang lang sa sex ang Sir namin. Ano ba 'tong iniisip ko!
"Ang putla mo, Kelra. Sigurado ka bang ayos ka lang?"
"Ayos lang talaga ako, Jena." Sagot ko. Kahit na ang totoo niyan ay kinakabahan ako.
"Halatang nag-aalala si Sir sa'yo,"
Tumayo ang mga balahibo ko roon. Lumunok ako at umiwas ng tingin sa
kanya kaya lang bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang makita ko ang madilim na aura ni Jomar mula sa labas ng classroom namin. Nakakatakot ang kanyang mukha, mukhang papatay siya ng tao.Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko nang maramdamang nanginginig ang mga 'to. Nakakatakot ngayon ang mukha ni Jomar. Sa tingin ko'y sasaktan niya na naman ako dahil hindi ko sinagot ang mga tawag niya.
Natatakot ako.
"What are you doing here, Climente?" Nabaling ang tingin ko kay sir Klaxon. Kaharap niya na ngayon si Jomar na hindi parin nagbabago ang expression ng kanyang mukha.
"I was just passing by, Sir Klaxon." Ngising sagot niya kay Klaxon.
"Anong ginagawa ni Jomar dito? Nababaliw na ba talaga siya!" gigil na sambit ni Jena dahilan nang paglingon ni sir Klaxon sa pwesto namin.
Mabilis akong yumuko at iniwasan ang kanilang mga matalim na tingin. I-I'm scared.
"Don't fool me, kid. I know you're looking for someone,"
"Ah! Yes po Sir! Actually, nag-aalala po ako sa girlfriend ko dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin po sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ko alam kung bakit kayat pumunta po ako dito, Sir,"
Umusog si Jena. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay. Kilala niya kasi si Jomar, kapitbahay niya 'to. Alam niya ding sinasaktan ako ni Jomar, na halos patayin niya na ako kapag hindi ko nabibigay ang kanyang gusto. We fvcked too, pero lahat iyon ay may proteksyon. Hindi tulad kay Sir Klaxon na wala talagang proteksyon. Dahil duon ay sigurado akong siya ang ama ng anak ko. Lagi niya din namang pinaalala sa akin na mag pills ako but damn, I forgot. Ilang araw nadin 'yung nakalipas.
"Come inside and call her. You can talk outside." Sabi ni Sir Klaxon. Inangat ko naman ang ulo ko, tuwang-tuwang pumasok si Jomar. Ni hindi niya alintana ang mga matang nakatingin sa kanya.
"I was so worried about you, Kelra. I thought you were going to break up with me," lumapit siya sa akin. "We need to talk outside, honey." Winaksi niya ang kamay ni Jena na nakahawak sa akin at akma na sanang sisigawan si Jomar nang pigilan ko siya.
"But, Kelra!"
Tumayo ako. "Let's talk."
Hinawakan ni Jomar ang kamay ko at magsisimula na sanang humakbang kaso tumayo si Sir Klaxon sa kanyang kinauupuan at hinarangan kami.
"Sir?" tawag ni Jomar kay sir. Mas lalo akong yumuko. Ayokong salubungin ang nakakamatay niyang tingin. Hindi ko kaya.
"Kelra, what's this?" malamig na tanong niya.
"Uh..."
"I'm asking you, is this your boyfriend?" matigas na tanong niya sabay tingin kay Jomar na nakayuko na ngayon. Gaya ko rin ay ayaw salubingin ang kanyang tingin. Muli na namang nanginig ang mga tuhod ko.
"O-Opo..."
"Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan sa akin? Let go of her hands," mariin niyang sinabi kay Jomar.
"What? Sir, girlfriend ko po si Kelra. Mag-uusap lang naman po kami,"
"I don't care, Climente!" this time ay gulong-gulo ako. Gusto kong umapila at pigilan sila ngunit hindi ko magawa dahil tila nagiging slow motion ang lahat. Nabibingi rin ako.
"Fvck! I'm her step father, bastard! Kapag hindi mo binitawan ang kamay niya, I will fvcking...Kill you."
***
"You don't have to do that!" kahit kinakabahan ako ay nagawa ko paring sigawan si Sir Klaxon. Nakasunod siya ngayon sa akin, mabuti nalang ay walang mga tao ngayon sa hallway.
"I'm done, we're done, Sir Klaxon. Hindi ko na uulitin ang pagkakamaling iyon!"
"We're not done yet, Kelra. Hanggat gusto ko pa walang titigil!"
Napahinto ako. Yumuko at bumati sa mga professor na nadaanan namin, ganun din naman ang ginawa niya. Pero bakas sa pagmumukha niya ang pagkairita habang sinasalubong ang kapwa professors niya. Damn it, bakit ko kasi ginawa iyon. Naloko na talaga.
"Stop following me, Sir Klaxon. Ayaw kong may iisipin ang mga tao sa ating dalawa. Boyfriend ka ni mama kaya kumilos ka naman ng maayos," sabi ko at mas lalo pang binilisan ang lakad ko ngunit hinuli niya ang kamay ko at hinila sa isang madilim na parte ng school.
"What are you doing?!"
"What's your problem, Kelra?! Hindi mo ba nagustuhan ang nangyari sa atin? Hindi ko ba ginalingan? May kulang paba? Tell me!"
Nanlaki ang mata ko. Nababaliw na talaga siya. Hindi siya pwedeng umaktong ganito. "Bitawan mo ako, Sir Klaxon. Maling-mali ito! Boyfriend ka ng mama ko at professor kita!"
"Fvck! Fvck! I don't care, Kelra. Kung gusto mo hiwalayan ko ang mama mo ay gagawin ko 'yon para sa'yo. Don't push me away, Kelra, please..." Hinaplos niya ng dahan-dahan ang mukha ko kayat napaiwas ako dahil naramdaman ko na naman ang naramdam ko nu'ng ginawa namin iyon, sex. Ayaw kong magkamali ulit. May bata na sa loob ko ngayon.
"You are crazy..."
"Hindi lang ako nababaliw, Kelra."
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!