Malamig ang simoy ng hangin. Sumapit na ang dilim.
Masigla sa kabila ng panglaw-ito ang gabi sa Dampkeel.
Makikita ang maninipis na hamog sa kalye habang nagsisilbing liwanag ang mga ginintuang ilaw mula sa mga poste.
Kahit na lumubog na ang araw, madami parin ang mga nagtatrabaho sa mga kalye't pantalan ng distrito.
Buhay din maging ang mga establishimentong pangkomersyo at kainan. Isa sa mga ito ang bagong tayong restaurant ng isang negosyanteng victorian.
[Liesper (Lvl.3 restaurant)]
Puno ang bawat lamesa sa loob. Hindi magkandamayaw ang mga waiter sa pagasikaso sa customers habang nangingibabaw ang sigawan at ningasngas ng mga kawali sa kusina.
Samyo ang halimuyak ng mga ginisang lutuin, litson, sariwang mga gulay, at matatamis na desserts.
Sa isang tabi sa kusina makikita si ginoong Licantro Vesper na kausap ang isang dwarven chef. Nakasilip sila sa pintuan kung saan tanaw ang kanilang VIP.
"Wala parin bang gustong kainin si duchess Pale?" tanong ni Licantro. Napailing naman ang dwarf na nakapatong sa mataas na upuan.
"Wala siyang gusto kahit nung personal kong inalok."
Napabuntong-hininga na lamang ang negosyante sabay lingon sa likuran. "Ipagluto niyo ng Elven chicken broth soup, peppered roast goose, tsaka Mahart salad ang duchess," anito at lingon pabalik sa dwarf.
"Georg, anong tawag doon sa alak galing sa syudad sa White swamp?" taas kilay na tanong ni Licantro Vesper.
"Gavrio?" nalilito namang tugon ng dwarf.
Ilang sandali pa, natapos ang lahat ng pagluluto. Lumabas at pumarada sina Licantro, Georg, at ang mga waiter papunta sa kinauupuan ng dalagang nagniningning sa suot nitong puti at maalon na dress.
"Magandang gabi duchess Pale," bati ni Licantro Vesper kay Natalia habang hawak ang isang itim na bote ng alak.
"Magandang gabi," tipid namang sagot ni Natalia na malayo ang tanaw sa babasaging salaming pader ng restaurant.
Bahagyang napaalis nalang ng bara sa lalamunan si Licantro Vesper bago ilapit ang bote sa martini glass ng dalaga. "Maari ba?"
Tumango, nang hindi nakatingin, si Natalia.
Anim na oras nang wala ang hari. Kailan siya dadating?
Sinabi niyang pinapunta siya ng hari kaya ganoon nalang kadaling mabasa ang dismaya sa kunot ni Natalia.
Nakakahiya.
Para bang walang pakialam sa reputasyon niya si Halleck. Pakiramdam niya mapupunit niya ang suot na bistida sa oras na umuwi siya.
"Ipinagluto ka namin ng-"
"Iwan niyo ko."
Ipagmamalaki pa sana ng dwarf na chef ang luto nila ngunit alam niyang nakuha ng mga ito, sa diin palang ng maamo niyang tono, ang gusto niyang maiparating.
Napatiklop sina Licantro at kalaunan ay iniwan siya.
"Bakit gusto niyang tawagin ko siyang Slylar? Pangalan niya ba iyon sa mundo niya?" tanong ni Natalia sa sarili nang mapagisa.
"Dalawang oras pa. Aalis na ko."
.
.
.
Kinabukasan, dinalaw niya ang barracks sa bloodmist woods kung saan niya isinagawa ang regular na pambubugbog sa mga maghahamon ng duel.
"Hindi ako susunod sa babae! Hinahamon kita!"
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Science Fiction"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...