Chapter 3

12 0 0
                                    

"Hello Yca, can we talk?"

Kinabahan ako bigla. Ano na naman to?!

"Hello Debbie, sure. Tungkol saan ba?"

What's the deal with her? Masama yung kutob ko dito pero what if judgemental lang ako and gusto niya lang makipag friends? Omyghod ka Yca.

Umiinom lang ng iced coffee mag-isa habang tinitingnan yung mga nagttraining sa football field. Pero bigla naman dumating tong si Debbie.
She looks decent na ngayon. Of course, campus 'to. Unlike Vince's party last week.

"Yca, just wanna ask-"

"Debbie, let's go. Kanina pa kita hinahanap. We need to go somewhere."

Bigla namang dumating ang kaibigan niyang si Xia, if I am not mistaken na nasa party din ni Vince kaya familiar.

"I'm sorry Yca, let's just talk another time but I hope we can be friends, alright?"

Tumango ako at tumakbo naman sila paalis.

Omygod!! Ang pogi nung isang lalakeng nagt-training sa field. Hinawi niya ang buhok niyang nabasa na dahil sa pawis. Tumatakbo siya kasama ng mga kasama niyang players na nagt-training din sa field. Ang lakas ng dating at mas lalo siyang kapansin-pansin kapag ngumingiti.

Ang ganda naman ng view dito. Sana palaging may nagt-training.

"Sinong tinitingnan mo jan? Nakangiti ka pa ha. Sumbong kita kay Gab."

"Stfu!! Ikaw na naman bat ka nandito. Bakit di mo kasama mga tropa mo?"

"Huh? Required bang lagi kaming magkakasama pag nag-iikot? They have their own feet and they are minding their own business. Isa pa, magkakaiba kami ng sched. We still hangout most of the time though, even outside the campus."

Oo nga naman, tama naman si Vince. Si Janine nga di ko rin kasama. Kahit awkward sa iba kapag  mag-isa, sakin okay lang.

"Okaaaay, pero bat ka nga nandito?"

"Ayan, garlic bread. May nagpapabigay. Sana sumaya ka madam. And nga pala, sabi ni Felix, sama raw kayo ni Janine. Pumayag na si Janine so sama ka na rin."

Saan na naman pupunta? Andami namang adventures ng mga taong 'to pero sabagay core memory ngayong college. This is youth.

"Wait lang, saan ba muna?"

"Batangas lang. Covered na ni Felix lahat ng expenses pati sasakyan. Dala lang kayo damit and iba pang essentials. Overnight lang naman. Pito lang tayo. Kaming apat, kayong dalawa at yung Ate ni Felix."

"Grabe naman kayo. Sinama niyo pa talaga kami ni Janine jan, dapat kayo nalang magkakaibigan eh."

"Ano ka ba Yca, close na rin naman tayo and madalas nagha-hangout si Felix at Janine noh, sumama rin samin. Ikaw lang naman ang hindi. Bakit kaya?", bahagyang tumawa si Felix dahil alam naman niya kung bakit.

Umiiwas pa rin ako kay Gab. Very awkward huhu. Should have kept that sentiments within me nalang. I just want to start as friends, after all.

"Ano ka ba Iche! Nakakahiya kaya!!", giit ko.

"Kailan pala? Sana okay ang sched ko para makasama ako sainyo."

"This friday. Rest day yon for students. Sumama ka Yca, magtatampo si Gab sige ka"

"Sus! As if may pake sakin yun. Cold-blooded asshole", bulong ko pero narinig parin ata ni Vince kaya tumawa siya.

"Ang bad mo, baka nakakalimutan mo tropa ko yun. Trust me, Yca. Just don't be awkward and okay lang kahit fc ka doon. He seems quiet but he has something to say and it makes sense everytime. Naka back-up kaming tatlo, dahil boto naman kami sayo para sa kaniya. Deserve ni Gab sumaya sayo. #CarCar OTP for Caroline and Carlos"

Red Strings (Strings Series #1) Where stories live. Discover now