oh bakit nag bago bigla, ang mga titig niya ay nag iba na at mas lalong lumalapit na saakin. Kung kailan ba gugustuhin kong umalis dun din naman siya mag babago. Napakahirap naman ng lalaking to handang handa na akong umalis, isang talikod niya lang saakin pagkaharap niya wala na ako.
Simula nung umuwi ako dito galing hospital di parin niya ako nilulubayan. Kahit yata yung trabaho nila manang ginagawa niya eh kagaya neto ngayon siya ang nagsasalin ng pagkain sa plato ko na dapat ako yung gumagawa para sa sarili ko.
"Dont put too much rice diet ako"
"Next time kana mag diet kailangan mong lumakas" times three nung dati kong pagkain yung nilagay niya sa plato ko. Di ko alam parang natakot akong umangal dahil baka biglang lumipad yung mga ulam at kanin mamaya.
"Kumain kana o susubuan pa kita??" sinaniban ng anghel si Dale kahit alam kong pansamantala lang to.
"May kamay ako kaya kong kumain" mabuti na lang at hinayaan niya akong kumain ng ako lang pero yung mga tinginan niya ang hindi lumagpas saakin. Kada subo ko at nguya yung mga mata niya walang ibang ginawa kungdi ang tignan ako. Nakakailang kumain pag ganon kaya medyo binilisan ko kaya ayun nabilaukan.
"The hell Cassidrelle!! eat slowly walang naghahabol sayo!!" galit na galit gustong manakit!
"Then stop looking at me na parang binabantayan mo bawat nguya ko ng pagkain dahil nakakailang!!" natigilan siya sa sinabi ko at ngumiti saakin. Babalik na sana ako ulit sa pagkain ng kinuha niya yun akala ko itatapon niya papunta saakin ng dahil sa sinabi ko pero hindi dahil lumipat siya ng pwesto sa tabi ko.
"Susubuan kita wag ka nang umangal" di na ako bata para subuan pa tsk
"Sabing may mga-----"
"Sabi ko nga wag nang umangal diba??" Bakit napakamahinahon niya magsalita?? Nakakapanibago talaga.
Sinusubuan niya ako na parang bata dahil hinihipan pa muna bago isubo saakin. Kala niya mainit yung pagkain, eh kahit nga bata di mapapaso nun eh.
Pagkatapos niya akong subuan siya naman nagpapakain sa sarili niya gamit ang kaparehang kutsara. Kagaya ng pagpapakain niya saakin ng prutas na kapag tapos na ako siya naman kaagad. Magiging maarte pa ba to sa laway ko eh ilang babae na nga natikman neto eh baka nga ako yung matakot sakanya dahil sa dinami dami ng natikman di alam kung may sakit bang nakuha.
Siya ang umubos ng pagkain ko dahil di ko na kayang ubusin at isa pa siya kaya nag lagay nun kaya siya talaga yung dapat na umubos. Nauna akong bumalik sa kwarto at kumuha ng damit para maligo na, gusto kong magpahinga ng mas maaga eh.
Nagtagal ako ng ilang minuto sa bathtub kakaisip. Di ko na alam kung anong maging desisyon ko kung nandito lang sana si shantel ang gaan na ng buhay ko pero wala eh yung dating magkasama ngayon pinagbabawalan ng magkita.
Iniisip ko lang kung hanggang kailan ba ang pagtrato na to ni dale saakin. Dahil habang tumatagal may mga nararamdaman na akong kakaiba na hindi ko masabi. At ayaw kong isipin na palabas niya lang ang pagiging mabait niya saakin. Nagtatalo ang isip ko kung aalis ba ako o hindi. Oras ba na umalis ako maibabalik ko ang kalayaang meron ako?? Kapag ba umalis ako magiging masaya ba ulit ako kagaya ng dati?? Nakakagulo at alam kong hindi ako makakapag isip kung ano nga bang gagawin ko.
Sa Cr na rin ako nag bihis dahil yun ang gusto ko. Pagkapasok ko ng kwarto namin nandun na siya at nakaupo sa kama kasama ang laptop niya. Sa sofa ako dumiretso kaya tinignan niya ako nang may nagtatanong na tingin. Pero di ko yun pinansin at inayos ang unan atsaka yung comforter para makatulog na kaagad. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng may naramdaman akong kamay sa bewang ko at ganon na lang ang pagsigaw ko ng maramdaman kong binubuhat na niya pala ako.
"Sleep with me in the bed cassidrelle kung ayaw mong makitang sira sira na ang sofa na yan bukas" dahan dahan niya akong inilapag sa kama. Mas maganda nga kung masanay siyang di ako kasama sa kama eh at ano namang rason niya para sirain ang sofa.
Tatalikod na sana ako sakanya ng iniharap niya ako sa pwesto niya at hinalikan sa noo at labi.
"Goodnight Cassidrelle....i love you.." naramdaman kong uminit ang mga pisnge ko at ang bilis ng tibok ng puso ko pero iba naman ang sinasabi ng utak ko. He doesn't love me... dahil bumabawi lang siya sa kasalanang nagawa niya.
Ang himbing nang pagkatulog ko ng magising ako ng parang may humalik sa bawat parte ng mukha ko kaya napatayo ako kaagad. Natatawa si Dale sa naging reaksiyon ko, di niya ako masisisi trauma ang hatid ng ginawa niya saakin.
"Good morning cassidrelle.... breakfast is ready" dun niya na inilapag ang pagkain na kanina pa pala sa side table. Naghilamos muna ako bago bumalik ulit sa kama para kumain na at ngayon ko lang din napansin na parang may pupuntahan siya ng dahil sa suot niya.
"uhmm i have to go na pala" Nag mamadaling sabi niya ng tignan ang relo. Paniguradong late siya sa pupuntahan niya. Mabilis kong kinain ang pagkain na ibinigay niya saakin at di ko na inalam kung may lason ba o wala.
Nakita ko na lang ang sarili ko sa walk in closet at nilalagay ang lahat ng mga damit sa maleta. Di ko alam ang ginagawa ko pero ito ang sabi ng utak ko habang ang sabi naman ng puso ko ay tanggapin ang pagbabago ni dale at manatili.
pero para saakin hindi rason ang pagbabago niya para hindi ako makaalis sa lugar na to. Impyerno ang hatid neto sakin, di ako kailan man sasaya kung mananatili ako dito.
Pasensya na....dahil huli na ang pagbabago mo.
YOU ARE READING
Twenty One Twenty Five
Teen FictionI was twenty one when my parents forced me to marry a twenty Five year old man. Maganda ang buhay ng walang asawa dahil wala kang ibang gagawin kundi ang tuparin ang mga pangarap mo. Gala kahit saan at kahit anong oras nang makakauwi pero lahat na...