Ilang araw na rin akong nandito sa dagat at masasabi ko talagang unti unti ng naghihilom ang mga sugat ko. Bumabalik na ang dating kalayaan na meron at wala nang magbabawal saakin. Wala nang mananakit saakin kaya ang saya saya ko. Hinding hindi ko na ipagpapalit ang lugar na to kahit sinong lalaki pa yan ang ihaharap saakin.
Ilang araw na ring puro delata na lang yung kinakain ko kaya may na isip akong gawin. Oo matalino ako kaya may naisip ako kaso nga lang pag sa eskwela matalino pero di matino kaya paborito ako ng teacher eh. Paboritong ipatawag sa guidance.
Ngayong araw na to para naman maiba yung kakainin ko, manghuhuli ako ng isda. Oo huhulihin ko, maghahabulan kami kung kinakailangan mahuli ko lang sila. Di ko alam kung paano ba manghuli ng isda gamit lang ang kamay o kung ano pang bagay maliban sa pamingwit dahil wala ako nun.
Laking pasalamat ko at gumana yung utak ko. Naisip ko na gawing parang lambat yung damit ko. O di kaya yung mga kumot na di ko ginamit.
Di ko alam kung ano yung ginagawa ko sa mga kumot pero basta ang alam ko lang at ang laman ng utak ko ay manghuhuli ako ng isa. Pagkatapos kong itali yung dulo ng mga kumot, pumunta na kaagad ako sa mabatong parte ng dagat. Dun ako nakakita kahapon ng maraming isda eh.
Sa sobrang excited ko pagkakita ko pa lang ng isda binitawan ko na kaagad yung lambat na gawa ko at hinabol na lang, tanga lang din minsan.
Nang hindi ko mahuli gamit ang mga kamay dun ko na ginamit ang mahiwagang imbention ko. Unang try ko tinapon ko yun sa maraming isda kaya imbis na pumasok sila, lumangoy na palayo dahil natakot. Nakakainis na bakit kasi hindi na lang sila pumasok ng kusa!!! Nakakaubos ng pasensya pagdi marunong tsk.
Ilang minuto na akong nagugutom at ngayon ko lang nakuha ang tamang paggamit ng lambat. Dahan dahan lang ang pagkilos ko para may pumasok. Pero palagi akong natataranta kapag may papalapit na kaya ending try again dahil lumangoy palayo.
Sa sobrang inis na inis ko na tinalunan ko nalang ito. Umakyat ako sa bato at tumalon pero wala pa ring nahuli kaya bumalik na lang ako sa tent ko at nagbihis. Nagmumuni muni na naman habang may hawak na delata. Gusto ko ng makakain ng kanin o di kaya kahit isda man lang kaso nagtitipid ako sa gas ang mahal eh.
Pagkatapos kong kumain chineck ko yung sasakyan kung may mga pagkain pa ba akong natira at wala na nga dahil sa palagi akong gutom dahil di kanin ang kinakain ko. Yung tubig marami pa yung delata nasa lima na lang at yung mga biscuit paubos na rin kaya wala talaga akong choice kung hindi ang bumili ulit. At bibili na rin ako ng isda keysa manghuli na aabutin ako ng ilang taon kahit goldfish di mahuli huli.
Maaga aga pa naman kaya naisipan kong magligpit muna bago pumunta sa bayan para mamili. Inayos ko yung loob ng tent ko na sobrang gulo atsaka nilinis na rin ang mga basura ko sa labas. Sobrang ganda ng dagat ako yung nagdudumi eh.
Habang nagtatagal ang araw ng pagsstay ko dito naiisip ko rin na nagalit ba si dale na umalis ako. Pinaalam niya ba sa parents ko?? Nagaalala ba sila?? mga tanong na di ko alam yung sagot, dahil kahit nasa harapan nila ako parang wala lang ako sakanila. Naisip ko rin sila manang kung nakauwi ba sila ng maayos, nahuli ba sila ni dale o kung may ginawa ba si dale sakanila. Kamusta na kaya si shantel?? Nasa maayos ba?? Miss na miss ko na rin yun....siya lang ang makakaintindi saakin.
Pero di ako maghihilom kung sila ang laman ng mga utak ko. Si shantel, siya lang ang babaeng di ko kakalimutan kahit ilang taon pa ako magtagal dito pero sila....kailangan na kailangan. Hindi ka maghihilom kung ang mismong nagbigay sayo ng sama ng loob at sakit ay hindi mo pa nakakalimutan.
Pagkatapos kong linisin ang lahat dun na ako umalis dahil nga bibili ako ng mga pagkain ko, hirap ng mamatay ng dahil sa gutom. Pagkarating ko dun pinark ko lang yung sasakyan ko sa gilid at siniguradong lock dahil mahirap na baka bumalik ako dun ng naglalakad. Una kong pinuntahan yung tindahan na binilhan ko ng mga pagkain ko. Kumuha ako ng basket at dun nilagay ang mga kinukuha ko.
Delata na naman, kumuha ako nun ng marami dahil di naman ako marunong magluto kung sakaling di ganon ang mga bibilhin ko. Sinunod ko ang mga biscuit, kumuha lang ako ng tatlo at bumili na rin ako ng lighter dahil nga bibili ako ng isda ata ayaw kong ma feel yung sinang unang panahon na bato yung gamit dahil aabutin ako ng decades mapaapoy lang yun kaya mas mabuti ng may lighter. Binayaran ko lang yun at lumabas na kaagad dahil kailangan kong bumili ng Isda.
"Ganda!! bili ka na!!"
"Eto ganda oh preska na isda! Masarap to!!"
Kapagbebenta kailangan munang mambola at sumigaw para lang may bibili.
"Magkano po??"
"170 lang sayo ganda"
"Isang kilo Po"
Nang inabot na niya saakin yung isda inabot ko na rin kaagad yung bayad. Di ko alam kung anong isda ba ang binili ko dahil di ko naman tinanong sa nag titinda.
Pagkarating ko sa sasakyan inayos ko lang ang mga pinamili ko at aalis na. Pagkapasok ko sa sasakyan dun din kaagad bumuhos ang malakas na ulan. Di ako nag isip na maaari akong maaksidente dahil nag drive ako kaagad .
Di ko na makita ang dinadaanan ng dahil sa sobrang lakas ng ulan. Di ko rin maihinto dahil baka sa gitna mismo ako ng kalsada. Kaya pinagpatuloy ko ang drive hanggang sa may nakita akong truck na papalapit saakin!!
"The fuck!!!" Di ko alam kung saan ako liliko hanggang sa.......
YOU ARE READING
Twenty One Twenty Five
Подростковая литератураI was twenty one when my parents forced me to marry a twenty Five year old man. Maganda ang buhay ng walang asawa dahil wala kang ibang gagawin kundi ang tuparin ang mga pangarap mo. Gala kahit saan at kahit anong oras nang makakauwi pero lahat na...