Prologue🏹💘
Scenery Dawn Luna
"Nari! Ano nanaman ba tung nababalitaan kong may balak kang sumali sa beauty contest?"
Napahinto ako sa pagsusuklang ng aking buhok dahil sa biglang pag sulpot ni nanay at ang bulyaw niya sa akin. Napalunok ako ng bato at kinakabahan na tumayo upang harapin ni nanay.
"N-nay gusto ko lang naman pong sumali Kasi diba po sumasali din sila a-ate---"
"Hindi pwede!" pagpuputol ni nanay sa sasabihin ko. "Gusto mo bang pagtawanan ka nila nari? Tingnan mo nga muna 'yang sarili!"
"Pero nay, sila ate naman ay taon-taon sumasali, bakit po ako hindi pwede?"
"Dahil naiiba ka! Ang ate mo hindi sobrang payat! Umaalon ang mga buhok nila habang sayo ay lumalanta. Anak, ang gusto ko lang iparating sayo ang realidad. Kung alam mo lang kung ano-ano ang tinatawag sayo ng kapitbahay natin."
Katulad ng dati ay napapaiyak ako sa mga matutulis na salita ni nanay. Ang sabi niya sa akin hindi niya naman ako sinasaktan kundi gingising niya lang ako sa realidad. At katulad ng dati kapag umiiyak na ako ay umaalis na siya, Iniiwan ako mag-isa sa kwarta habang umiiyak.
Nung nasa grade 2 ako, kapag pumapasok ako sa school sinasalobong ako ng mga kaklasse ng mga salitang kagaya ng "Kalansay" dahil sa payat, sobrang puti, iba ang kulay ng aking mata hindi katulad sa kanila at mataas pa ako keysa sa mga kaklasse ko. Kaya sinasabi nila na abnormal daw ako dahil ibang-iba ako sa kanila.
Kaya simula nun hindi na ako pinayagan ni mama mag aral ulit pero dahil mabait sila ate, tinuturoan nila ako sa mga lessons nila para makapag catch up din ako sa mga kaedad ko. 16 years old na ako at qualified na sumali sa pageant na magaganap sa fiesta namin ngayong merkules pero dahil nalaman ni mama ay hindi na ako sasali. Pinahir ko ang luhang pumatak, parati nalang akong ikinukulong ni mama kaya minsa nalang ako nasisinagan ng araw at ewan ko ba kay mama kung bakit ayaw niya akong palabasin o pahintulotan na gumala sa labas ng matagal.
Itinigil ko ang pagsusuklay ng aking buhok, mahaba na talaga ang buhok ko, bata palang ayaw na ni mama na ipagupit ito dahil sa papangit daw ako lalo.
Napabuga ako ng marahas na hininga at napahiga sa kama. Si mama lang ang bumubuhay sa amin na magkakapatid, Hindi ko kilala ang tatay ko dahil sabi ni mama umalis at hindi na nagparamdam dahil ayaw na kaming makasama lalo na daw ako. Habang ang tatay naman nila ate ay nasa ibang bansa, nagtratrabaho para maipagaral sila ate.
"Nari! Pumunta ka sa likod at kumuha ng itlog!" sigaw ni mama galing sa kusina na siyang sinunod ko.
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa poultry para kumuha ng itlog, may tatlo duon kaya saktong-sakto, binigay ko kay nanay at bumalik naman ako sa mga hayop upang pakainin ang mga baboy at para linisin narin ang dumi upang hindi bumaho.