Chapter 1
Scenery Dawn Luna
"'Yan na lahat, at sana sa biyernes tapos na itong pinapalaba ko ha? Paki sabi nalang sa nanay mo." paalala ni madam Janet habang pinapaypayan ang sarili at nakatutok sa mga dumadating na mga bigas.
"Opo."
Umalis na ako at sinimulan ang pagbubuhat sa dalawang mga dala kong plastik na may mga damit sa loob pati na siguro mga kumot. Habang naglalakad ako pauwi ay huminto muna upang makapagpahinga, malayo-layo pa 'yung bahay namin dito kaya mukhang matatagalan akong umuwi.
Nakamasid ako sa tanawin hanggang huminto ito sa pwesto ko kanina. Kung saan malapit akong masagasaan. Bigla-bigla nalang sumulpot sa isipan ko ang mukha ng lalaking suplado na malapit akong masagasaan sa mamahalin at kakaibang kotse niya. Ibang-iba ito sa mga pick up, at mga auto na dumadaan kaya tumatak talaga sa isip ko ang mukha niya at ang kanyang sasakyan.
Lumipat ang mga mata ko sa isang poster ng isang lalaking tatakbo sa posisyon na gobernador. Leon Xtyhe Vicenti. Mukhang nasa mga 50's ang tatakbo bilang mayor ng buong lugar at parang pamilyar 'yung kulay abo niyang mga mata at ang hugis ng kanyang mukha, pero impossible naman siguro dahil maamo ang mukha ng matandang 'yan at parang palangiti pa hindi katulod nung masungit. Oo, kakaiba ang kagwapohan pero masama ang ugali.
Napabuga ako ng malalim na hininga at nagdesisyon nang umalis, at nang makabalik sa bahay ay sinalubong ako ni nanay na may kung anong sinusuri sa buong katawan ko.
"Wala ka bang kinausap?"
"Meroon po, Si madam janet..."
"Maliban kay madam, May kumausap ba sa'yong lalaki?"
Nagdalawang isip ako na sabihin kay nanay ang totoo dahil baka hindi niya na ako palalabasin ng bahay ulit kaya wala akong choice kundi ang mag sinungaling.
"Wala na p-po."
"Mabuti. Dalaga ka na at ayaw na ayaw kong makikita kita na may kausap na lalaki! Dito ka lang sa bahay." tumango ako na siya rin pinagsang-ayonan ni nanay.
Napa-upo ako sa isa sa aming upoan na gawa sa bambo. Nagbabasa ng libro at nag hintay na tawagin ako ni nanay dahil ayaw niyang nangingialam ako sa gawaing bahay kung hindi niya ako inuutosan.
Napakagat ako sa pangibabang labi ng mabasa ang sinabi ng karakter na binabasa kong libro. Ibang libro naman kasi ang nobelang binasa ko ngayon. Mabilis ang pagtibok ng aking puso at namumula naman ang aking mukha dahil feel na feel ko 'yung galit at kilig ng female lead sa suplado at masungit na male lead. At bigla-bigla ay naiimagine ko ang sarili ko na ako 'yung female lead tapos ang male lead ay yung masungit!
Hala! Bakit ko siya iniisip! Nababaliw na ata ako sa kakabasa ng libro na bigay ni ate ave, hindi naman chemistry 'to eh, Kundi kaadikan!
Luxx Vicenti
Nag mano ako sa aking Lolo na si Legardo Xythe Vicenti. My grandpa showed me a smirk and messed my hair. "Welcome back, luxx. Number?"
Ngumisi ako kay lolo at napakamot sa ulo. He's referring about my private life--- night life to be exact. "Lolo naman, di'ko na mabilang."
"Tingnan mo 'tong batang 'to! Nagpaparami ka ba ng lahi?"
"Lo... I use protection."
"Aba't bakit? Paano mo ako mabibigyan ng apo sa tuhod nyan?"
"Am I not enough lo?"
"No."
"Ouch." tumawa ako ng mahina at umacting na nasasaktan kamo sa puso.
"Ang gusto kong apo ay bata, Hindi taga gawa ng bata."
Napa-iling ako at mahinang humalakhak sa sinabi ni lolo. Binuksan ko ang can of beer at saka ininom. Sa totoo lang ayaw ko naman talagang bumalik dito because I'm used to the city life, pero dahil pinauwi ako ni dad para tumulong sa pagtakbo niya bilang gobernador.
Tatlong buwan lang ako mananatili dito at hindi rin marami ang inimpake kong mga gamit. I use my racing car to drive my way here because I think I'll be practicing my racing skill dahil mukang walang katao-tao sa mga kalye kaya ganon nalang ang gulat ko sa babaeng 'yun. She's literally reasoning! Alam niyang naglalakad siya sa tapat ng kalye kaya sana tumitingin siya sa nilalakad niya.
Now that I'm thinking of her, I couldn't help but to be mesmerized by someone as pretty like a real life doll. Payat siya, kasing payat ng mga modelang dinedate ko, and her skin? It was so white! para bang ngayon lang nasinagan ng araw kaya nag p-pink ang shoulders niya and her eyes? It was color gold. Kasing kulay ng ginto ang kanyang mata at never sa tanan buhay ko na makakakita ng isang babaeng katulad niyang may ginintoang kulay na mata. She's almost like a fairy.
Sayang, I didn't get to know her name. She was very interesting to talked with honestly matapang, palaban, at mukhang mapapalaban talaga ako sa sarili kapag nagkita pa kami ulit. 'I might influence an angel to do something bad with me.'