WARNING SPG‼️🚩🔥 Please po, skip nalang ninyo kung hindi kayo nagbabasa ng malaswang eksena.
Masyadong RED FLAG ang male lead dito... baka hindi ninyo magustuhan. (I love RED FLAG) hahaha.
Gusto ko yung nananakit... hahaha charoot!!!*****
[Pamela]
AGAD na binuhat siya ni Zoren palabas ng bar. Habang kinakapa nito ang susi sa bulsa ng pantalon ay ipinatong siya nito sa hood ng kotse nito habang hinahalikan. Ramdam niya ang pagkasabik nito sa kanya habang naghahalikan sila.
Pero bakit gano'n, wala siyang maramdaman na excitement katulad ng nararamdaman niya kapag si Alaric ang kahalikan niya?
Natigil sila sa paghahalikan ng biglang mawala si Zoren sa harapan niya.
"Putang ina!" Rinig niyang mura ng pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang bumaba ng hood ng sasakyan. Nanlaki ang mata niya ng makita na nakapatong si Alaric ay Zoren habang sinusuntok ito at pinagmumura.
Itinulak niya si Alaric at sumigaw. "Stop it!"
Tumigil ito sa pagsuntok kay Zoren at madilim ang mukha na tumingin sa kanya. Napa-atras siya at nagmamadali na tumayo para tumakbo, pero may kalalakihan na humarang sa harapan niya. Tuluyan ng nawala ang pagkalasing niya dahil sa takot. Ibang-iba ang dating ng tingin ni Alaric sa kanya ngayon.
Nakakamatay!
"May nakapagsabi na ba sayo na hindi ko gusto na ginagalaw ang pagmamay-ari ko?"
Napapitlag siya ng marinig ang boses nito. Nanunuot sa laman niya ang lamig no'n. Malakas na tumili siya ng yumakap sa leeg niya ang isang braso nito dahilan para masakal siya. Mabilis na tinakpan din nito ang bibig niya gamit ang isang kamay. Sumenyas ito sa isang tauhan para buksan ang mamahaling sasakyan na nakaparada na hindi niya napansin na dumating pala kanina.
Pinilit niyang pumalag ng ipasok siya ni Alaric ng sasakyan pero wala siyang magawa. Agad na pinatakbo ng tauhan nito ang sasakyan.
Habol ang paghinga niya ng bitiwan siya nito. Humawak siya sa leeg at hindi makapaniwala na tumingin kay Alaric na prenteng nakaupo at diretso ang tingin ngunit kita ang paggagalawan ng panga.
Sa galit?
Ang kapal ng mukha nito! Bakit ito magagalit? Para saan? Napasiksik siya sa gilid ng tumingin ito sa kanya at tumaas ang sulok ng labi na para bang may gagawin ito na hindi niya magugustuhan.
Halos na tumili siya ng hablutin siya nito sa braso para ilabas ng sasakyan ng huminto sila sa malaking bahay na hindi niya alam kung saan.
"Bitiwan mo 'ko!" Bawat pagpupumiglas niya ay siya namang ngiwi niya sa sakit ng braso niya. Nang umakyat na sila sa hagdan ay gano'n parin ang ginawa niya kaya naman tila naubusan na ito ng pasensya kaya binuhat siya nito na parang sako ng bigas. Dumaan sila sa mahabang pasilyo. Dinala siya nito sa pinakadulo ng kwarto na naroon.
Hindi niya alam kung nasaan lugar sila. Basta ang alam lang niya may balak ito na masama sa kanya. Malakas na ibinato siya ni Alaric sa kama, kaya lalo siyang nahilo.
Umupo ito sa isang kulay pula na single couch at tumingin sa kanya. "Maligo ka, Pam."
Umiling siya.
Binuksan nito ang bote ng alak at nagsalin sa baso na naroon, saka nilagok ang alak. Tumingin uli ito sa kanya ng walang emosyon ang mukha.
"Maliligo ka o paliliguan kita?"
Kahit natatakot siya ay mas nangibabaw ang galit niya. "Sino ka ba sa akala mo?"
Mahina itong tumawa na nagbigay ng kilabot sa katawan niya. May mali talaga sa kilos nito ngayon!