Third Person POV
Isang binibini na may angking kagandahan. Tinitigan niya ito sa mata at napansin niyang kulay asul ito. Hindi rin niya napagilan na kumunot ang kaniyang noo dahil pamilyar ang itsura nito na para bang nakita niya na noon pa ang itsura ng binibini ngunit hindi niya alam kung kailan at saan.
"G-gusto ko na po u-umalis d-dito." Nanginginig na saad ng binibini .
Nakabalik sa wisyo si Jane dahil sa sinabi ng binibini.
"Bakit? Hindi ka ba sanay na walang kasama? Huwag ka matakot dahil kung may kapatid ka o kamag-anak na nag-aaral dito, makikita mo naman sila mamaya. Siguro dalawang oras pa bago ka makalabas dito ng tuluyan." Jane.
Mariin na umiling ang binibini at hinawakan niya ang kamay nito at napansin naman ni Jane na nanginginig ang kamay ng binibini.
Agad niyang hinaplos ang dalawa nitong kamay sabay ngiti nito upang mabawasan ang kaniyang kaba.
" Anong kinakatakot mo? Natatakot ka ba na hindi magiging maganda ang bungad sa 'yo ng ibang tao? Naintindihan ko na hindi ka pa sanay mag-isa sa loob ng silid lalo na't hindi ito pamilyar sa' yo." Jane.
Mariin na umiling muli ang binibini at sinabing "M-may p-pumipilit na b-buksan ang k-kuwarto ko k-kanina."
Napahinto si Jane sa paghaplos ng kamay ng binibini.
"Anong ibig mong sabihin?" Jane.
Yumuko lamang ang binibini.
"Sabihin mo sa akin para matulungan kita. Aalamin ko kung sino ang may gawa nun." Jane.
Tumingin ang binibini sa mata ni Jane. Huminga muna ito ng malalim upang mapigilan nito ang pag-iyak niya.
"K-kaninang madaling a-araw, may narinig akong naglalakad sa labas ng k-kuwarto ko. S-sinubukan kong gamitan ng abilidad upang m-malaman ang nasa likod nito. N-naramdaman ko na parang p-pinakikinggan niya a-ang nasa l-loob ng k-kuwarto ko. A-akala ko ay n-napadaan lang pero n-nagulat ako nang biglang g-gumagalaw ang d-dorknob na parang g-gusto niyang b-buksan ang p-pintuan. "
Ngumiti sa kaniya si Jane at sinabing
"Dalhan muna kita ng maiinom para naman mabawasan ang kaba mo at makakapagsalita ka ng maayos. " Jane.Ngunit bago pa siya makatayo, hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kanang kamay.
" H-huwag niyo po ako iwan. " Pagpipigil nito sa kaniya.
Wala nang nagawa si Jane kundi umupo ulit sa harap nito.
Huminga muna ng malalim ang binibini bago niya ituloy ang kuwento.
"Habang pinipilit niyang buksan ang pintuan, mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang makita kong hindi naka lock ang pintuan. Akala ko hindi siya marunong gumamit ng pintuan pero hindi talaga niya nabubuksan. Muntik na akong mapasigaw ng hinampas niya ang pintuan at pilit sinisira. "
Nagtaka naman si Jane sa naging kuwento nito sa kaniya.
" Lahat ng kuwarto dito ay hindi naka lock dahil kada oras, pumapasok kami upang matingnan ang nagiging kalagayan niyo dito. Kaya imposible ang sinasabi mo na hindi niya mabuksan ang pintuan." Jane.
"Ayon ang pinagtataka ko lalo na't tinutulak at hinahatak niya ang pintuan pero hindi pa rin ito mabuksan. Mas mabuti na ganun ang nangyari kaysa naman po na makapasok siya."
Tumawa si Jane dahil sang-ayon rin siya sa sinabi nito.
"Nang hindi niya mabuksan ang pintuan, umalis na ba siya? O baka naman pumunta sa kabilang kuwarto." Jane.

BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasíaIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...