Description: this is a work of fiction. names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are PURELY COINCIDENTAL.
This story is EDITED but typhographical and grammatical errors are still EXPECTED.
Flawed characters.
Comments, reads and votes are HIGHLY APPRECIATED.
with love,
luna.
***"Eloise Theanell is her name, right?" tanong ni Marielle habang magka-video call kami nila MJ and Allysa. Wala si Elijah dahil hindi naman 'yon nakikisali sa mga ganito simula nang umalis siya at mag-away kami.
Nakaharap ang camera sa anak ko na natutulog, si Allysa ay mukhang gustong kurutin ang pisngi ni Eloise.
"Yes." I answered. "As much as I wanted to connect her name sa Daddy niya, I can't. Hindi ko kaya."
"Wait, kapag cinonnect mo sa pangalan nung Daddy niya ang pangalan niya eh 'di Shira?" barumbadong tanong ni MJ.
"Alam mo, kung kasama lang kita ngayon ay inupakan na kita!" inis kong sagot at nag-off ng camera, gagawa pa 'ko ng gatas nito dahil iiyak 'to kapag nagutom.
Narinig ko ang pang-gi-gigil ni Allysa, "Sana all! Inunahan mo naman ako, Ez!"
"Allysa, bago pa matapos 'tong usapang 'to, please huwag mong ipapaalam sa asawa mo na may anak ako. Thank you." I said.
"Bakit? Bakit ayaw mong ipaalam ni Allysa sa asawa niya na may anak ka? Siya ba ang ama?" sabat nanaman ni MJ. Tahimik lang si Marielle dahil nagluluto siya pero alam kong natatawa na 'yon.
"Mag-leave ka na nga lang dito sa call na 'to! Ang epal mo, Myles Jaystran!" umirap ako at umupo sa tabi ni Eloise. Tinabi ko na rin sakaniya ang bote ng gatas niya.
"Ayaw kong ipaalam kasi kaibigan ni Shiro ang asawa ni Allysa, mahirap na 'no, baka idaldal niya." dagdag ko.
Napatingin saakin si Marielle at ngumiti. "Advance mo talaga mag isip."
"Mas mabuti na 'yon, 'no! Kaysa naman malaman niya, hindi ko yata kakayanin kapag nalaman niyang anak niya si Eloise." I sighed. "Anyway, mag-out na 'ko sa call, marami pa 'kong gagawin." paalam ko.
"Bye, mommy!" pang-aasar ni MJ bago ako nag-leave sa call namin.
Inayos ko ang cabinet ni Eloise at inisterilize ang mga bote ng gatas niya. Nag ayos rin ako ng kwarto. Hindi rin naman ako makakatulog kaya okay na 'to. Habang nag-a-ayos ay tumunog ang cellphone ko.
seasdump liked your photo.
Seas? Sino 'yon? Dump account pa. Stalker ata. Binitiwan ko 'yon at hindi na pinansin. Wala naman akong magagawa kung aalamin ko kung sino 'yang seas na 'yan.
"Ma'am? May nagpapabigay po sain'yo nito." inabot saakin ni manang ang malaking kahon na nakabalot ng gift wrapper. Lumabas na siya agad nang tanggapin ko 'yon.
Umupo ako sa kama at kinuha ang gunting para buksan 'yon. Malaking kahon ito, at nang buksan ko ay bumungad saakin ang mga maliliit na kahon din. Isa isa ko 'yon kinuha at binuksan.
Nang matanggal ko na ang balot nito ay necklace box naman ang nakita ko. Binuksan ko 'yon at nakita ko ang gintong kwintas, may pendant pa ito na naka-engrave ang pangalan ko.
Ang pangalawang kahon, ang pinakamalaking kahon, nandoon ang mga damit ng batang babae. Sino ba ang nagbigay nito? Alam ba niyang may anak ako?
Ang pangatlong kahon ay singsing naman. Infinity ring naman ito. Silver ring. Sinukat ko 'yon at tama ang size, mukhang kilala ko ang nagbigay nito at mukhang kilalang kilala rin niya ako dahil alam niya ang ring size ko.
"What's are those?" tanong ni Mama nang makapasok siya ng kwarto ko at nakita akong nagbubukas ng mga kahon. "Who gave you those?"
"Hindi ko alam, Ma. Binigay lang saakin ni manang, eh," sagot ko habang binubuksan ang huling bagay na nakabalot. Hindi ko masasabing kahon ito dahil parihaba ito.
Nang matanggal ko ang balot nito ay picture frame ito. Nakangiti ako sa camera habang may hawak ng bouquet. Natatandaan ko ang litratong 'to. Si Shiro ang kumuha ng litratong 'to saakin nung 6th monthsary namin.
Siya ba ang may bigay nito?
"Ang ganda mo r'yan," puri ni mama. Maliit akong ngumiti sakaniya at nilagay na ang picture frame sa kama.
Baka naman hindi siya. Naka-post din kasi ang litratong 'yon dati sa Instagram account ko. Baka may nag-save lang.
Nilagay ko 'yon sa bedside table at tinapon ang mga wrapper na nasira ko. Nilagay ko na rin sa vanity ko ang kwintas at singsing na natanggap ko. Hindi kasi ako nagsu-suot ng alahas kapag nasa bahay ako kaya itinago ko na lang.
Kinuha rin muna ni Mama si Eloise para makipag laro kaya may oras ako para bisitahin si Zaliah sa kompanya. Ilang buwan na lang ang natitira sa maternity leave ko at babalik na 'ko.
Binati ako ng guards nang makita akong pumasok ng kompanya, gano'n din ang ginawa ng ibang empleyado. Nagtataka ako dahil hindi naman sila gan'to rati.
Niyaya ko lang siyang kumain sa labas, inantay ko pa ng ilang minuto dahil hindi pa raw siya tapos sa trabaho niya. Nang papasok na sana kami ng elevator para makaalis na ay nakita ko si Shiro na ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Zaliah.
"Sir, long time no see, ah." I tried to act normal. "Busy na busy ba?"
"Not really, Architect. You? How are you?" he asked back.
I sighed heavily. Architect na ang tawag niya saakin ngayon. "I'm okay."
"How's your daughter?"
My eyes widened. "Paano mo nalamang babae ang anak ko?"
Hindi na niya naituloy pa ang pagsagot dahil bumukas na rin ang pinto ng elevator. Nagkasabay pa kaming tatlo papunta sa parking. Sobrang uncomfortable ko sakaniya ngayon.
"Ingat, Shiro." I smiled painfully before entering Zaliah's car.
Tahimik lang ako habang nasa daan kami papunta sa restaurant kung saan kami kakain. Lahat bumalik. Wala pang isang taon ang nakalilipas simula nang maghiwalay kami.
Lahat bumalik sa isang iglap. Yung panloloko niya saakin at yung sakit na pinaramdam niya saakin, lahat 'yon bumalik. Akala ko hindi na, eh, kaya nga kinausap ko siya kanina. Pero hindi pala. Mahirap palang tanggalin 'yon.
Iisang pagkakamali, nabago kami. Pero kahit isa lang 'yon ay sobrang laki no'n. Isang malaking pagkakamaling kahit kailan ay hindi ko inasahang magagawa niya.
Gusto ko mang ipakilala noon pa man sakaniya ang anak namin dahil gusto kong lumaki si Eloise na may ama, pero wala akong lakad ng loob na sabihin 'yon. Nabuo ang pagkakamali niya.
Ayaw ko rin namang maagawan ng tatay ang anak nila kaya huwag naman. Ayos lang naman siguro kung lalaking walang ama si Eloise. Mas gugustuhin kong lumaki siyang ako lang ang kinikilalang magulang, kaysa makilala niya si Shiro na niloko at sinaktan ako.
Napaka makasarili ko pala sa puntong pinagdadamot ko ang anak namin sakaniya.
The CEO's Weakness
YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romancethe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022