Twinary POV
KASALUKUYAN akong naghihiwa ng karne ng biglang lumapit sa akin si Sarquael. Pansin kong nahihirapan siyang ikasya ang sarili dito sa maliit naming kusina.
"Ano'ng kailangan mo?" Tanong ko habang naghihiwa.
Nagkibit-balikat siya, "Wala lang, gusto lang kita panooring naghihiwa."
Napangiwi ako, "Pati ba naman dito Sarquael? Hindi ka pa ba nagsasawang tignan ang mukha ko buong maghapon?"
"Hinding-hindi ako magsasawa."
"Neknek mo, mabuti pang hugasan mo na lang iyang karneng nahiwa ko." Utos ko sa kanya, pero hindi pa rin siya gumalaw. "Naririnig mo ba ako?" Siniko ko siya.
"I'm sorry, may ini-isip lang." Sabi niya at nagsimula ng hugasan ang karne.
Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko sa mangkok ang adobong baboy na paborito ni Mama. Tinulungan ako ni Sarquael mag-ayos ng mesa.
"Anak, dapat ako na d'yan. Ikaw pa nagluto, Ikaw pa nag ayos ng hapagkainan. Sana tinawag mo ako para tulungan kita, 'tsaka itong boss mo. Nakakahiya naman sa kanya." Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Mama sa kusina.
"Okay lang po Ginang Trystal, nakakahiya din naman po kong uupo lang ako." Nakangiting sabi ni Sarquael.
"Umupo na po kayo Ma, malapit na kaming matapos dito." Aya ko kay Mama.
Nang matapos kami ni Sarquael ay sabay kaming umupo sa upuan 'tsaka sinimulan ng kumain.
"Sir Sarquael, maayos ba itong mag trabaho ang anak ko?"
Para akong nabilaukan ng marinig ang sinabi ni Mama, "Mama naman." puna ko sa kanya at kumuha nang isang piraso ng karne.
"Opo naman Ginang Trystal, hindi lang maayos. masipag pa sa trabaho." Komento naman ni Sarquael.
"Oo, alam mo. Iyang anak ko, mapagmahal iyan 'tsaka ma-alaga."
Tumango-tango si Sarquael habang ngumo-nguya. "Oo, gusto ko siyang ipagmamalaki sa ibang tao eh. Kaso itong anak niyo po sobrang sungit."
Sumimangot ako kaya sabay silang tumawa.
"Kanina ka pa tahimik ah!"
Bumaling ang mata ko sa kanya, "Wala lang."
Pagkatapos naming kumain ay naisipan naming magpahangin muna sa maliit naming teresa.
"Ito oh, inumin mo para lumamig iyang utak mo. Kanina ka pa tahimik eh, baka galit ka." Pinaikutan ko siya ng mata at tinanggap ang canned beer na inabot niya.
"Saan mo 'to nakuha?" Ang tinutukoy ko ay ang canned beer, wala namang nagbebenta ng beer dito sa'min.
"Dinala ko iyan." Sagot naman niya sabay tunga ng alak.
"Twinary anak, doon na ako sa bahay ni Aling Suli matutulog ah." Sabi ni Mama mula sa ibaba habang lumabas ng bahay.
"Sige po Mama, huwag niyo po kalimutan ang gamot 'tsaka po huwag kayo mahiya humingi ng tulong kina Aling Suli at Aling Uring kapag masama ang pakiramdam mo." Pa-alala ko kay Mama.
Ngumiti naman si Mama, "IIto talagang Anak ko, ma-aalahanin. O'siya maiwan ko na kayong dalawa d'yan ah."
"Ihahatid namin kayo Ginang Trystal." Nilingon ako ni Sarquael.
YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]
Storie d'amoreA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop th...