8

407 25 2
                                    

Ivy's POV

Sumabog sa banda ng makina ang barko. Nagkagulo sila dahil sa naging impact nito. Nakita ko naman si captain na nahulog sa dagat.

Agad namang humabol yung nakaupo kaninang lalaki at pinasundan ng baril si captain.

Muli pang nagkaroon ng pagsabog sa barko na naging dahilan upang lisanin na nila ang barko at sumakay sa mga emergency boat nila.

Tiyak na paparating na ang mga marine soldiers kaya nagsialisan na ang mga ito.

"Lapitan mo yon." itinuro ko ang lumutang na katawan na medyo malayo na sa nasusunog na barko.

Itinali ko sa upuan ng helicopter ang isang dulo ng rope at ini-lock ko naman sa aking baywang ang isa pang dulo. Tumalon ako sa dagat at kaagad na nilapitan si Captain na halos wala ng hininga. Patuloy ang pagkalat naman ng sa dagat ng dugo mula dito kaya mabilis ko na iting itinali sa sarili ko at sininyasan si Anthon na umangat na.

I climb up the rope hanggang sa makapasok na kami sa loob ng helicopter.

Langya naman, hindi ko alam kung bumigat ba ngayon si captain o sadyang wala lang talaga akong excercise?

Mabuti nalang at nakalayo na kami ng dumating na nga doon ang marine.

Tinanggal ko ang pinangtali ko dito sa baywang at balikat.

"Captain! Wake up captain!" pakiusap ko dito habang medyo sinasalpal ang namumutla nitong mukha.

"You're hurting him!" saway naman sa akin Anthon. Nagsisigawan kami upang magkarinigan "E-check mo ang sugat niya, may emergency kit diyan!"

"Ikaw nalang dito palit tayo!" ang alam ko lang naman kasi ay pumatay without evidence leaving behind.

"Marunong ka nito?" duda pa ito pero nakipagpalit din naman pero ang tanging ginawa ko nalang ay ang maglanding sa dalampasigan. Naubusan na ng laman ang helicopter eh.

"Wife, kailangan natin siyang madala sa hospital." napalingon naman ako sa kanila at mukhang tapos na niyang lapatan si captain ng paunang lunas.

"Hindi pwede." pagtanggi ko naman.

"Pero may tama siya ng bala at malalim din ang sugat niya, sa tingin ko ay kailangan niyang mauperahan as soon."

"I'll do it." sabi ko naman saka lumabas na ng helicopter.

"Mrs. Borgon?" may around 20s siguro na lalaking lumapit sa akin. "Mrs. Borgon kayo nga iyon, di ko kayo nakilala at ang iksi ng buhok niyo po." ako kausap nito. Matangkad ito, payat at may eyeglasses. Siya yung tipong unang tingin palang ay pagdududahan mo ng IT geek.

"Engineer!" tawag naman dito ni Anthon.

"Oy boss andito din pala kayo." lalapit sana ito kay Anthon na nasa loob parin ng helicopter nakaupo sa gilid pero agad ko naman itong hinarangan at baka makita ang duguan kong kasama at gumawa pa ito ng eksina.

"Naubusan ng laman ang helicopter kaya naglanding nalang kami dito." paliwanag dito ni Anthon, sino ba ang batang ito? "Lasing ang kasama namin, may room cottage pa bang available?"

"Nako! Mabuti nalang at hindi pa nasisira yung ilang cottage. Tara po samahan ko kayo."

Kinarga ni Anthon si Lion sa likod at sumunod lang kami sa engineer na ito. I think he is not an IT geek but a civil engineer, sa unahan kasi ay may malawak na gusaling ginagawa at napapatingin pa sa amin ang ibang construction worker doon. Pero atleast eh medyo mapalit parin ang judgement ko.

Pumasok kami sa maliit na bahay na light material ang ipinanggawa. Inihiga ni Anthon si Captain sa higaan.

"Captain you're awake." sabi ko naman ng makitang gising na ito at naupo ako sa tabi ng higaan.

Mysterious WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon