22

3 1 0
                                    


Third Person POV

Nang makarating sa ikatlong palapag si Jane agad niyang hinanap ang kuwarto na maaaring mapagkamalan na isang meeting room. Madali niya itong nakita dahil may iilan na estudyante ang nasa labas ng isang pintuan. Base rin sa kanilang kasuotan, nabibilang ito sa Magian Chosens.

Hindi nag dalawang-isip si Jane na kumatok sa pintuan. Hindi niya pinansin ang mga estudyante na nakatingin sa kaniyang gawi. Ilang segundo bago bumukas ang pintuan, nakita niya si Headmaster na nagbukas ng pintuan. Agad itong nagbigay galang bago sabihin ang kaniyang pakay.

"May isa pong estudyante na kasalukuyang nasa infirmary na kabilang din sa Magian Chosens." Direktang saad ni Jane.

Binuksan pa nito ng pagkalaki ang pintuan hanggang sa nakita niya ang nasa loob ng silid. Hindi siya makapaniwala na halos lahat ng Magian Chosens ay nasa loob ng silid.

" Anong nangyari? " Headmaster

Sinulyapan muna ni Jane ang nasa gilid nito na kung saan naroroon ang mga bagong estudyante na halatang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

"Same case kay Master Bendict, Headmaster." Jane.

Napayuko na lamang si Jane dahil sa naging reaksyon ng headmaster.

"Ano?! Sigurado ka ba talaga iha? Baka naman kailangan ng pahinga o di kaya'y ilang oras lang nawala ang mga Essence nila. Alam mong hindi biro ang mga sinabi mo." Headmaster.

Gustong magsalita ni Jane ngunit nanatili na lamang ito nakayuko.

"Ang ingay mo, headmaster. Rinig na rinig ko mula sa dulo ng hallway hanggang dito ang iyong boses."

Agad silang napatingin sa kabilang gilid na kung saan naroroon ang dalawang babae at nakasuot din ito ng uniporme katulad sa Magian Chosens.

Samantala ang mga nakarinig naman ay napanganga dahil sa mga salita na binitawan ng babae sa headmaster. Nakuha naman ang lahat ng atensyon ng tao sa loob ng meeting room dahil sa sigawan nila.

"Wala akong panahon para makipag-usap sayo, Hailey. Hindi ba't sinabi ko sayo na kailangan niyo pumunta ng maaga? Pumasok kayo sa loob!" Headmaster.

Yumuko ang kasama niya at hinatak si Hailey papasok ng silid. Samantala si Headmaster ay napahilot na lamang sa kaniyang ulo.

"Magsisimula pa lang kami, may problema na agad ang dumating. Sa loob ng ilang taon na pamamalagi ng mga Magian Chosens, ngayon lamang sila nagsama sa iisang kuwarto. Hindi pa nila nakikilala ang isat-isa, wala pa akong nabibigay na misyon sa kanila, may panibago na naman na problema. " Headmaster.

Napakamot na lamang ng ulo si Jane dahil kahit siya ay hindi alam ang gagawin. Samantala ang mga estudyante sa labas at loob ay nanatiling nakatingin sa kanila.

" Ano pong gagawin natin, headmaster? Ang sabi po sa akin ni Maestra Lilyn kailangan niyo raw po pumunta sa infirmary. Parehas lamang po katulad kay Maestro Bendict ngunit may pagkakaiba po sila. Kung kay Maestro Bendict, mas madaling solusyunan pero sa estudyante, sa tingin ko po ay ibang usapan na 'yon. " Jane.

Nagtaka naman si Headmaster dahil akala niya ay kaparehas lamang ngunit hindi niya inaasahan na mas malala pa pala sa sinapit ng estudyante.

" Diretsuhin mo nga ako iha. " Headmaster.

Tumango naman agad si Jane.

" Nakausap ko pa ang binibini bandang alas-sais ng umaga at nalaman ko po na nawalan po siya ng Essence. Kumbaga po wala ng natira sa kaniya kung kaya't natatakot siya na manatili dito dahil baka po hindi niya kaya maipagtanggol ang kaniyang sarili." Jane.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon