Time Slot #3

3 0 0
                                    

"Late ka na"

Napagitla ako. Kakakuha ko lang ng ID ko sa guard ng may biglang magsalita sa likuran ko. Pagtingin ko, yung lalaki lang pala nung nakaraang araw. Ano kayang kailangan nito ngayon?

"Hindi pa kaya" sagot ko pero sa totoo lang, late na nga ako sa first subject ko. Hindi kasi ako sinundo ni Ken sa bahay, siguro nagtatampo pa sakin yun? Ay naku, pero pano kaya niya nalaman na late na nga ako?

"Liar"

"What?! Ano na naman bang kailangan mo?"

"Tara sabay na tayo" sabi niya sakin. Pagkatapos akong sabihan ng sinungaling, sasabay pa sakin?

"Ayoko nga. Tska di kita kilala"

"Anong hindi kilala? Eh, nagkita na tayo nung Monday" sagot pa niya sakin.

"Nagkita lang pero di kita kilala"

"Im Zach Lopez. Ok na ba yun?" nakangiti niya pang sabi sakin.

"Ah. Okay"

"Diba PerDev susunod mong klase?"

Teka nga lang, Stalker ba to?!

"Hindi" sagot ko.

"Sinungaling"

"Letse ka pala eh!! Sunod ka ng sunod tapos pag nagtatanong ka at sasagot ako puro Sinungaling sinasabi mo!! NAKA HIGH KA BA??!!!" pasigaw kong sabi. Langya! Hiningal ako dun ah -.-

"M-Miss-----

"ANO?!" pag tingin ko sa likuran ko....

Dun ko na lang na realize na nasa my hallway na pala kami ng Tourism Dept. at halos lahat ng mga tao na nandun eh, samin lang nakatingin -.-

"Lubayan mo ko ha!" pasigaw kong sabi sabay walkout.

First Time kong Magsisigaw sa Hallway >< Nakakahiya!!

---------

**After PerDev Class

This day is totally a Disaster >< Hanggang sa magsimula at pagtapos ng klase nagkanda letse letse na! panu ba naman kasi kaklase ko pala yung lalaking sumira ng araw ko!! Nananahimik naman kasi ako sa tabi tapos bigla-bigla na lang siyang susulpot and worst siya pa ang naging partner ko sa lahat ng projects na gagawin ko this Sem! Bakit ba kasi nauso yang Countings na yan kapag maghahanap ng Partner -.-

"A penny for your thoughts?"

"Ikaw pala Ken, nagtatampo ka pa?" tanong ko.

"Ahh. Di na. Nag aalala lang naman kasi ako sayo eh"

Tumabi ako sa kanya tska ko siya niyakap patalikod. Kahit naman di niya sabihin, ramdam ko na nagtatampo parin siya.

"Sorry na Bespren, di ko na talaga uulitin. Promise lagi ko ng dadalhin phone ko. Hindi ko na nga sina-silent eh" sabi ko sa kanya sabay ipinakita ung phone ko.

Napangiti siya. "Oo na. Basta wag ka laging MIA lagi" sabay gulo ng buhok ko.

Napangiti na rin ako. Halos sabay na kaming lumaki ni Ken, isa rin siya sa dahilan kung bakit buhay parin ako ngayon....

Its been eleven years since nagkakilala kami ni Ken.... Eleven years since sinubukan kong tapusin na ang buhay ko. At a young age, tinanggap ko na mamamatay na ko kaya inunahan ko na ang syensya sa pagbibigay ng ending sa buhay ko.
Age of 8, Tinangka kung patayin ang sarili ko, kaya lang di ko pa ata time kasi bigla na lang sumulpot si Ken sa kung saan. Simula nun, lagi na siyang nakadikit sakin, lagi na siyang nasa ospital may dala dala na kung anu-ano, dun ko lang din nalaman na anak siya ni Ninong Luis. Ewan ko ba, nung una na gagalit ako sa kanya kasi parang nadagdagan na yung mga nagbabantay sakin pero sa katagalan nagkasundo na kami or should i say, na gustuhan ko na siya. Yeah. You heard it right. Matagal ko ng gusto ang Bestfriend ko. Ironic isn't it? Pero ganun talaga, tanggap ko na nawala dapat akong gustuhin na kahit sino kaya nga nung naging sila ni Trisha, pinilit kong maging masaya. And the time goes by, mawawala rin to..

"Faith? Nakikinig ka ba sakin?" niyugyug na ko ni Ken. Napatingin ako sa kanya. Those brown eyes.....

"I love you."

And Then I Said those three words before I Fainted.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time ChancesWhere stories live. Discover now