FKLWI 2

122 17 2
                                    


****


"That's final hija" si Daddy na inayos ang salamin at bumalik sa pinipirmahang dokumento.


"Dad naman!" protesta kong napatingin sa nasa likuran ni Daddy. Tumingin siya ng bahagya sa akin. Napairap ako. Nanatili namang blangko ang ekspresyon niya.


"It's either sumunod ka sa akin or you are not going" si Daddy na ibinaba pa ng bahagya ang reading glasses niyang tumingin sa akin pagkuwa'y bumuntong hiningang napasandal sa kanyang swivel chair.


"Dad please..." sumamo ko. Aattend ako ng party ni Janine sa isang bar sa BGC. Yun nga lang ay ipinapasama ni Daddy ang bodyguard ko.


"No hija, i'm sorry" si Daddy na pumirma at saka  isinara ang folder. 


Napa halukipkip akong napasimangot.  Ayaw kong makantyawan ng mga kabigan ko at siguradong hindi ako mag eenjoy ng husto kapag alam kong may nakabantay sa akin.


"Well," si Daddy na napapikit akong napabuntong hininga.


"Dad..." 


"Magpapahinga na ako" si Daddy muli na napadilat akong napakunot ng noo.


"Dad!" angat ko ng tingin.


"Kirk" si Daddy.


"Yes Sir," sagot ng lalaking nasa likuran niya.


"Ikaw na ang bahala sa unica hija ko. You know what to do" si Daddy na tumayo na nga.


"Yes Sir" si Kirk muli. Niligpit niya ang folders na nasa mesa ni Daddy.


"Good night anak, give it up. Kung gusto mong pumunta sa party na iyon, you have to bring Kirk with you. That's final" si Daddy na yumuko ng konti na humalik sa noo ko.


Lumabas si Daddy na sinundan ko na lamang ng tingin. Gusto kong maiyak, pero alam kong wala naman na akong magagawa doon. 


Napailing akong  dumako ng tingin sa lalaking nasa gilid ko.


"Uh, we will go at 10" maikling sabi kong napatayo na din at akmang patalikod


"Okay, senorita" sagot niyang napahinto ako.


"Stop calling me senorita, nakaka irita na" sagot kong napaismid siya ng bahagya at saka yumukong kinuha na ang mga folder ni Daddy. Nakakainis na, minsang narinig iyon nina Janine na panay tukso sa akin na tinatawag na rin akong senorita.


"...and wear something casual," ani kong nilingon siya. Ayaw kong pumunta siya ng bar na mukhang nakabarong pa.


Nauna na akong lumabas para maghanda. 


_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finally Know What Love IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon