PROLOGUE

3 0 0
                                    

We only have one God...

But we have different beliefs.

We have only one goal...

But we have different ways on how to achieve it.

~

Sanggol pa lang ay isa na akong handog ng ama't ina sa Diyos, habang nag-eedad ay inihahanda na ako sa tungkulin na nakalaan sa akin para sa kan'yang tahanan. Hindi ko maaaring suwayin ang ano mang utos nila, sapagkat ang pag suway nito'y nangangahulugan ding pagsuway ko sa kautusan ng panginoon.

Subalit, sadyang sinubok ako ng tadhana. Ang masiglang paglilingkod ko sa Diyos ay sinubok ng isang lalaki na labas sa pinaniniwalaan namin. Isang lalaki na hindi ko maaaring mahalin dahil sa magkaibang relihiyon. Isang lalaking... bumihag sa puso ko na naging dahilan ng pagkabigo ko.

~

Isang kasalanan ang mapa-ibig sa kaniya, kaya itatama ko ito para sa ikalulugod ng ama at para sa aking kaligtasan.

Alam ko na sa oras na inilusob na ang aking katawan sa tubig, ay nararapat na ring putulin ang aming ugnayan.

At sa oras na umahon ako rito ay ganap na akong kaanib ng Iglesia Ni Cristo.

Ang pinaka malaking kasalanan ay akin nang kakalimutan, ngunit hindi ang ala-alang minsan na rin akong napa-ibig sa isang sanlibutan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Belief In Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon