Nagtipon na kaming lahat dito sa dining area para mag-almusal. Ngayong araw din ang alis namin.
"Dalawa na ang nahahanap natin. Malaking bagay na rin," sambit ni Gunner.
"Oo nga. Miss ko na ang university at ang greenhouse dome natin," ani Xavier habang nagpapalaman ng jam sa tinapay niya.
"Miss ko na ang mga girls ko ro'n at 'yong kama ko sa dorm," sabad naman ni Ryker sabay buntonghininga.
"Miss ko na rin 'yong kusina ko ro'n," giit naman ni Gunner.
"Miss ko na 'yong koleksyon ko ng kape. Mauubos na 'yong baon kong kape sa paglalakbay nating 'to at ayaw ko nang bumili," sambit naman ni Klein.
"Eh, paano? Sobrang adik mo sa kape. Tatlong beses ka yatang nagkakape sa isang araw," ani Gunner.
Nilahad ni Klein ang palad niya pantay sa balikat niya.
"Limang beses, Gunner," saad niya.
"Oh, kita mo na?" tugon ni Gunner sabay iling.
"Paano nga pala tayo pupunta sa Ground Epta? Hindi ba lupain daw 'yon sa himpapawid?" tanong ko naman.
"Sasakay ulit tayo ng Chloris Train. Nabiyahe kahit saan ang tren na 'yon, 'di ba? May railway na papunta ro'n," sagot ni Klein.
Napataas ang mga kilay ko, "Talaga?"
"Ilang oras naman ang biyahe?" tanong ko.
"Hmm. Mga tatlong oras mahigit siguro," sagot ni Klein.
"Tatlong oras mahigit? Dapat pala magbaon ako ng pagkain kung gano'n," sabad naman ni Xavier.
"Oo, magbaon ka ulit ng kay raming pagkain, ha? Tapos panisin mo ulit sa bag mo, ha?" sarkastikong tugon ni Ryker dito.
"Oo, alam ko! Hindi na ako magbabaon ng madaling mapanis."
"Kita mo 'to. Akala ko naman sasabihin mong uuntian mo na ang pagbabaon," dismayadong tugon naman ni Ryker sabay iling.
Napatingin naman ako sa singsing na suot ko. 'Yong pinabigay ni Mr. Smith. Proteksyon ko raw mula sa mga Olympian Unholy. Naisip ko tuloy, ilan kaya sila? Kasama kaya sila sa mapupuksa kapag nakumpleto na namin ang misyon namin?
Napakunot naman ang noo ko nang may napansin ako sa bandang tabi ko. Nang tumingin ako, si Jerome pala 'yon. Inaabutan ako ng table napkin.
Kinunotan ko siya ng noo. Pero nakatingin lang siya sa'kin habang inaabot niya sa'kin ang table napkin.
"Sa mukha mo. May bahid ng jam," sambit niya bigla.
Nang mapagtanto ko 'yon ay agad kong kinuha 'yong table napkin na inaabot niya sa'kin at pinunas sa mukha ko, lalo na sa paligid ng bibig ko.
"S-Salamat," sambit ko na tila nahihiya. Medyo nakakahiya na siya pa nakapansin no'n.
---
Lumabas na kami ng apartment dala ang mga gamit namin. Pagkatapos ay nakasakay na rin kami ng karwahe. Sinabi namin sa kutsero na dalhin kami sa Ground Ekaton Railway Station.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
خيال (فانتازيا)[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...