12

172 8 0
                                    

khimberleehumilde

****

Xena's POV

LUMABAS kami ni Sandro ng villa namin. Bukas ng hapon ang flight namin papuntang Boracay.

"Love, let's go. Mag snorkeling tayo sa Kayangan Lake at  Twin Lagoon." pagmamadali ko kay Sandro. Nakasuot lang siya ng swimming trunks and a white polo.

Dayum, Hot!

"Okay let's go." malawak ang ngiting lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi then we walk towards our villa door. Sumakay kami sa bangka papunta sa Kayangan Lake. Nagsuot kami ng life jacket, siyempre for protection.

Nagpicture kami ni Sandro. Marami. Ewan ba parang mawawala kami sa piling ng isa't-isa kung makapag take kami ng photos.

"Ang ganda mo, Darling." Sandro kissed my nose. Bahagya ko naman siyang pinalo sa braso. Nagkukulitan lang kami hanggang sa makarating sa Kayangan Lake.

"Mam, Sir. Pwede na po kayo dito tumalon at maglangoy." sabi sa amin ng tour guide na kasama namin. "Okay po. Salamat Manong." sagot ko. Nakita ko si Sandro na naghuhubad ng polo at walang ano-ano'y tumalon.

"Woah! Ang lamig. Xena, let's go!" tawag nito sa akin. Natawa ako sa kaniya at hinubad ang dress na suot ko at tumalon na rin.

"Omyghad! Ang lamig nga. Hahaha" at another kulitan nanaman with him. Umilalim pa kami sa tubig para makita pa kung ano ang meron sa ilalim ng lagoon na iyon.

We explore. We had so much fun.

Makalipas ang ilang minuto sa Kayangan Lake ay nagtungo naman kami sa Twin Lagoon.

MATAPOS nga namin mamili ng pasalubong galing Coron ay dumeretso na kami sa Boracay. Walang bago, swimming, picture, at kain lang ginawa namin. Ngayon ay namimili na kaming muli ng pasalubong. Hindi ko kinalimutan ang ipapasalubong ko kay Simon. Alam kong nakauwi na siya ng Pinas bago pa kami pumuntang Coron, kaya naman binilihan ko na rin siya ng pasalubong.

May nakita akong keychain na babae at lalaki. Yung lalaki nakaakbay dun sa babae at yung babae nakangiting nakatingin naman sa lalaki. "Magkano po ito?" tanong ko kaagad doon sa tindera. "120 pesos nalang po, Mam." sagot nito. Sinabi ko naman kaagad na kukuhanin ko na. Nang matapos ko magbayad ay lumapit na ako kay Sandro. "Are you done? Let's eat I'm hungry." tumango ako at magkahawak kamay kaming naglakad sa buhangin ng Boracay papunta sa isang sikat na kainan.

Inalalayan ako ni Sandro upang makaupo pagkatapos ay nag order na kami. "I want four cheese pizza, rib-eye steak, also the sisig, and pineapple juice. Thank you." sabi ko sa waiter. Mukha namang natawa si Sandro sa order ko. "Can you finish all of them, Darling?" He asked. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Duh? I deserve those delicious foods." sagot ko naman kaagad. "Okay okay. Hahaha. Give me steak, seafood sisig, pineapple juice and a bottle of red wine for take out. Thank you." matapos umorder ni Sandro ay inulit naman ng waiter in case na may hindi siya nakuha. Deserve naman ni Sandro kumain ng marami dahil kahit nasa bakasyon kami, nagtatrabaho pa rin siya. One time nagising ako ng madaling araw at nakita ko siyang may ginagawa sa laptop habang kausap si Gov. Matt sa phone. Mukha siyang pagod na pagod.

"Are you enjoying our trip? Uuwi na tayo sa Ilocos bukas. At sa gabi naman ay may party tayo remember?" biglang tanong nito. Diko na namalayan na dumating na pala ang order namin. "Of course. Ikaw? Nag enjoy ka ba? Magpahinga ka muna bukas pag dating natin para may energy ka sa party. You look so tired." nag aalalang tanong ko dito. Parang bibigay ang katawan niya. Dapat kasi hindi na ako pumayag last time na gumawa kami ng milagro sa kwarto namin eh. Mukha siyang lalong pagod. "I'm okay. Nawawala ang pagod ko kapag nakikita kitang masaya. Go continue." sagot nito kaya naman ipinagpatuloy namin ang pagkain.

TORN AFFECTION: Sandro Marcos (ONGOING)Where stories live. Discover now