Naglalakad ng wala sa sarili si Mary Miranda, kasintahan ni Guiller Sinco. Hindi niya mawari kung anong gagawin. Hindi niya matanggap ang nakita ng dalawa niyang mata.
"G-guiller... B-babe.." iyak lamang siya ng iyak sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hanggang sa may marinig siyang kaluskos.
Pilit niyang pinakalma ang sarili. Pinunasan ang kanyang ilong at lakas-loob na nagsalita. "S-sino yan?"
Walang nagsalita. Ngunit lalo siyang nangatal sa takot ng may tumakip sa kanyang bibig at hinila sa mas madilim na parte ng paaralan.
Pilit siyang kumakawala sa hawak niya. Nagpupumiglas siya at pilit na tumitili ngunit wala itong silbi ng madala na siya sa isang liblib na parte ng paaralan
Siguradong mahimbing na ang tulog ng iba pang mag-aaral sa isang building kung ito nagsasama-sama. Habang siya naman ay hindi mapasidhan ang takot na nadarama sapagkat nasa parte siya ng paaralan na walang tao. Maliban sa kanya at sa mamamatay taong nasa likod lang niya.
Wala siyang nagawa ng bigla siyang itali sa kamay at paa. May tali na rin ang kanyang bibig. Hindi niya mawari kung ano ang gagawin. Napaiyak na lamang siya ng may makita siyang hawak ng mamamatay tao
Martilyo sa kanang kamay; kutsilyo sa kabila. Lalo siyang napaiyak.
Nakatakip ang mamamatay ng itim na tela sa bibig at may bughaw na bonnet din itong suot.
Naiyak siya sa sakit nang maramdamang may humihiwa sa bandang binti niya.
"Pareho kayo ng boyfriend mo," Nangatog ang tuhod niya sa boses niya at kasabay ng paghiwa ng kutsilyo sa binti niya.
"Pareho kayong salot." Madiin ang pagkakasabi ng mamamatay tao kasabay ang pagdiin at pagbaon niya ng kutsilyo kay Mary.
"Alam mo bang nagyabang sa akin yang boyfriend mo bago ko siya pinatay?" Bulong nito sa kayang tenga. Nangilabot naman siya.
Hindi. Ang boses na 'to.
"Sabi niya sa akin nung buhay pa siya, ang swerte daw niya kasi may maganda siyang syota." Tinanggal nito ang pagkakabaon ng kutsilyo sa binti niya. Iyak pa rin siya nang iyak sa sakit.
"Wala na sana akong pake eh. Kung hindi ko lang naalala yung ginawa niya sa pinakamamahal ko."
Binaba niya ang kutsilyo at marahang hinampas ang martilyo sa kanya.
"Mahal ka ba talaga ng syota mo o ginagamit ka lang niya? 'Di bale, wala na akong paki sa inyo," Tinampal niya ang pisngi ni Mary at agad naman siyang nanlaban.
"'Wag kang mag-alala, tutal na kay satanas na ang boyfriend mo, ba't 'di ka sumunod diba?" Isang mahina ngunit mala-demonyong tawa ang pinakawalan ng mamamatay tao.
Tinanggal nito ang busal sa kanyang bibig ngunit bago pa siya makasigaw ay sinaksak siya nito sa dibdib.
"Antanga mo rin naman para maniwala kay Sinco. Ginamit ka lang nun. Pinaglaruan. Kagaya ng iba niyang mga syota." Tumawa ito ng pagak.
"Ibang klase ang batang yun. Matinik!" At humalakhak.
Hindi pa naman nawawalan ng malay si Mary kaya't naririnig niya pa ang sinasabi nito.
Bago pa man mawala si Mary, isang kalokohan ang ginawa ng mamamatay tao.
"Tutal, aalis ka na, bakit di pa ako magpakilala diba?" Tinanggal niya ang itim na tela sa bibig at ngumisi.
"I-ikaw? Ba-bakit?" Sumuka siya ng dugo.
"Surprise." At sinaksak niyang muli si Mary sa dibdib.
Tumatak sa isip niya ang itsura nito bago siya mawala sa mundo.
Paulit-ulit na parang plakang nasa utak niya ang imahe nito at ng mga ngising binibigay nito.
Humugot ang mamamatay ng kahon ng posporo. Kailangang mawala ang mantsang ito.
Pinalibutan niya ito ng mga sanga para maging simula ng apoy. Sinindihan niya ang pospora at niliyaban ang isang piraso ng papel at hinagis sa babae.
"Magkita sana kayo ng hinayupak mong syota." Hinagis niya na lahat ng posporo at tumalikod na. Ngising-ngisi sa kanyang ginawa.
BINABASA MO ANG
The Truth about our Class
Mystery / ThrillerKahit sino pwedeng pumatay Kahit sino pwedeng pumatay para mabuhay Kahit sino pwedeng mamatay Walang pinipiling tao. Gagawin kahit ano.