23

2 1 0
                                    

Third Person POV

Bago pa man sumagot si Levi, biglang sumabat muli si Charlie.

" Paano mo ba naman malalaman ng panandalian sa kung kanino galing ang mga damit na naiiwan, halos iba-iba na ang pumapasok sa kuwarto mo. Sa dami ba naman na babaeng target mo at sa daming lugar na pwedeng paggamitan, sa kuwarto mo pa. Paano kung malaman ni Headmaster 'yan?" Charlie.

Gustong kutusan ni Ryan si Charlie dahil sa mga walang sawa na kontra nito sa kaniya sa tuwing may sasabihin ito.

Hindi nila namalayan na ginawa ni Levi ang sinabi ni Ryan.

" It smells women. " Saad ni Levi.

Napalingon sila kay Levi na kasalukuyang inaamoy niya ang balabal. Nang matapos itong amuyin, kinuha ni Charlie ang balabal at ginawa rin niya ito.

" Oo nga! Mukhang babae ang gumamit ng balabal mo, Levi." Charlie.

Inamoy rin ni Ryan at Sebastian ang balabal. Ganoon lang rin ang reaksyon nito maliban kay Sebastian na para bang pamilyar ang amoy nito sa kaniya.

Samantala si Asher ay hindi niya ito inamoy sapagkat sa una pa lang ay naamoy na niya ito.

" How do I know which woman last wore my cloak?" Levi.

Napatingin sila kay Ryan na kasalukuyang nag-iisip.

" Sa tingin ko, iba-iba naman ang amoy ng isang babae. Sa tingin ko, madali lang natin maamoy 'yan dahil isang beses pa lang ako nakakaamoy ng ganiyang pabango. Masarap sa ilong pero parang kakaiba siya." Charlie.

" Alam ko kung paano natin makikilala. " Ryan

" Paano? " Charlie.

Ngumisi muna si Ryan bago sabihin ang plano nito.

" Maglalagay tayo ng karatula na nakalagay ang 'Fall in line to those who wants a free smell from us and we will do the vice versa. ' Kapag naamoy na nila tayo, tayo naman ang aamoy sa kanila edi mas madali natin mahanap kasi sila na mismo ang pupunta para sa atin." Saad ni Ryan.

Napa face-palm si Charlie sa suggestion ni Ryan. Si Levi ay nanatili na walang reaksyon. Si Sebastian ay nakakunot ang noo nito dahil sa kaniyang narinig samantala si Asher ay nanatiling walang pakialam.

" Ginagago mo ba kami, Ryan?" Charlie.

" Suggestion ko lang naman at hindi ko sinabing gagawin natin. Mag-isip din kayo para naman hindi lang iisang utak ang gumagana dito." Ryan

"Tangina walang laman 'yang ulo mo. Oo nga maraming pupunta pero pota naman baka mawalan pa ako ng pang-amoy niyan dahil sa dami na ng naamoy ko." Charlie.

Napakamot na lamang si Ryan dahil wala na rin siya naisip na paraan.

" What's the use of ability? " Sabat ni Asher.

Doon na lamang nila narealize ang pagiging walang utak.

" Hindi ko agad naisip 'yan pero paano natin malalaman kung gagana ba' yan?" Charlie

"Gagana naman ata kaso depende pa rin kung sino ang nag suot." Ryan.

Sinamaan ni Charlie ng tingin si Ryan dahil may naisip na naman itong kalokohan.

"Ano na naman ba? Si Levi ang gagawa dahil isa siya sa pinakamataas na ranggo kaya wala pang mas nakakalamang sa kaniya." Saad ni Charlie.

Agad naman sumagot si Ryan.

"Hindi mo kasi naintindihan tangina mo. Sabihin na natin na si Levi ang isa sa pinakamataas na ranggo dito sa akademya dahil maaari din mangyari na hindi kaya ng abilidad niya na ma track ang amoy ng babae." Ryan.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon