PT. 18

104 36 1
                                    

"Ayos lang naman ako, Hanz..." Sabi ni Elaine habang yakap-yakap pa rin siya ni Hanz, kay bilis ng pag hinga nito. Bagay na ikinaalala niya rin. She brought her hands to caressed his back, "I'm fine..." Saying those words that could melt his worries away. 

"Alam kong okay ka, pero why didn't you inform us, na magliwaliw ka sa labas? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" Saad nito na ikinalambot ng puso niya. Telling her to not be mad at him for touching her. Putting her guards down for a bit.

"Hayy naku, hijo. Nakita lang siya ni Toto sa dalampasigan kanina, kaya siya napadpad dito samin." Imporma ni Manang Jody na nanay ni Toto. 

Hindi pa rin siya binibitawan ni Hanz, para bang ayaw siyang bitawan at mananatili lang silang ganun hangga't kailan nito gusto. Kaya't naaamoy niya ang amoy nito ng maayos. "Hindi ka pa naligo?" Tanong niya nang mapagtanto ang bagong gising nito na amoy. 

"Hmmm..." he just hummed, at inihiwalay siya sa yakap. Inilipat ang mga kamay sa balikat at hinawakan siya dun. 

She look at his eyes deeply, "Pero tanghali na..." Nakakagulat lang dahil hindi naman ito lumalabas na mabaho at wala pang ligo. Masyado itong strict sa sariling katawan. Lalo na sa amoy.

"I know, at mas mahalaga ka kaysa sa pag ligo ko. May maraming oras naman ako para doon." Her heart dwells at his answer. Kinikilig. Na kahit siya ay hindi alam kung papaano iyon e handle. Rather than, swallowing her own saliva. 

"Pasensya na..." She apologized and bow down her head after. Feeling embarrassed.

Kung parang kailan lang, galit siya dito. Tapos siya ngayon, nahihiya. Minsan talaga, hindi mo predict ang mangyayari sa susunod.

"Ate, jowa mo?" Doon siya napapitlag nang sumabat si Toto sa kanilang dalawa. Nakahawak pa nun si Hanz sa balikat niya. Para naman kase talaga silang mag jowa sa posisyon nila ngayon. Kanina nagyayakapan, ngayon naman nagtitigan na parang sila lang ang tao roon, kung magpalitan ng salita ay napaka sweet. Kaya hindi rin nila masisisi ang bata kung ganoon ang impression nito sa kanilang dalawa. 

Napamaang si Elaine at gustong umapila nang...

"Ikaw talaga, Toto. Hindi naman na kailangan pang itanong 'yun. Sa ganda ng Ate Elaine mo, walang lalake ang hindi mahuhumaling diyan." Sumabat kase si Manang Jody kaya hindi na niya naituloy at tanging bagsak lang ng balikat ang nagawa niya. Mukha nga itong siguradon-sigurado sa sinasabi.

Was letting them mistook their relationship, right?

Si Hanz naman ay nangingiti lang. Walang plano na gibain ang pagkakamali ng mag ina. After all, masarap sa pakiramdam ang naging tugon ng ina ni Toto sa kanya. Kahit sandali ay nararamdaman niya ang feeling kung papaano ma claim si Elaine sa isip at mata ng ibang tao.  Napapaisip siya, making Elaine his girlfriend is great. Yun naman talaga ang request ng puso niya, na hanggang ngayon ay hindi niya magagawan ng paraan. But somehow, making him feel dipsappointed. Dahil sa hindi sila pwede... Kahit na may kakaiba siyang nararamdaman kay Elaine. 

Masaya ang tanghalian nila, magaan kasama ang mag ina. Ang dami nga nilang napag uusapan. Mostly, tungkol sa naging pamumuhay ng mga ito sa isla. They also found out that living in an island could give you a satisfying peace, malayog-malayo sa polluted at kadagatan ng tao sa syudad. She's also interested, she wants to try living in an island soon. Hopefully kapag nakatapos na siya ng pag aaral. Bibili siya ng lupa sa isang isla para mapag stay-han niya kapag free time niya o bakasyon. 

"Nga pala, hijo. Ilang taon na ba kayong magkasintahan nitong si Elaine?" Maayos na kumakain ng saging nun si Elaine nang biglang nabulonan sa naging tanong ni Manang Jody. Naging maagap naman si Hanz at binigyan siya kaagad ng tubig. Sa lahat ng tanong bakit 'yun pa?

SINFUL AFFINITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon