WARNING SPG‼️🚩🔥 Please po, skip nalang ninyo kung hindi kayo nagbabasa ng malaswang eksena.
Masyadong RED FLAG ang male lead dito... baka hindi ninyo magustuhan. (I love RED FLAG) hahaha.
Gusto ko yung nananakit... hahaha charoot!!!*****
NAGISING siya na masakit ang ulo at katawan. Niyakap niya ang sarili nang maalala ang paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ni Alaric — ang lalaki na minahal niya pero nagawa siya na gamitin at paikutin sa palad nito.
Tumulo ang luha niya nang bumalik lahat ng sakit sa dibdib niya nang maalala ang ginawa sa kanya ng mga taong mahal niya. Pati ang mga magulang niya ay nagawa siyang linlangin at gamitin nang dahil lamang sa pera.
Umiiyak na binalot niya ng kumot ang hubad na katawan. Pati ang katawan niya ay tuluyan nang nakuha ni Alaric. Tapos ano? Ikukulong siya para gamitin pa na pasakitan si Alden? Hindi pa ba sapat na sinira nito ang buhay niya? Hindi ba ito titigil hangga't hindi nasisira nang tuluyan si Alden?
Paano naman siya? Wala ba itong pakialam kahit na mawasak siya nang dahil sa paghihiganti nito sa mga tao na kinasusuklaman nito? Bakit ba kailangan siyang idamay nito? Siya na wala namang ginagawang masama?
Ipinikit niya ang mga mata nang marinig ang pagbukas ng pinto ng bathroom. Hindi niya gusto na makita ito. Nasusuklam siya rito. Hindi lang siya ginamit nito para saktan si Alden, umarte rin ito na may nararamdaman sa kanya para mas umepekto ang plano nito na saktan si Alden.
Ang hayop! Nagawa siya na mahulog sa bitag nito! Pinahid niya ang luha na umaagos na naman pala nang hindi niya namamalayan. Ang sakit!
Inilayo niya ang sarili nang yumakap sa kanya si Alaric. Nakahiga na ito ngayon sa tabi niya. Inalis din niya ang braso nito na yumakap sa baiwang niya.
"Ano na naman ito, Pam?"
Nagtangis ang ngipin niya. Ang kapal ng mukha! Nagtatanong pa! Humarap siya rito at itinulak ito. "Ano ba?! Hindi ka ba makaramdam? Nakuha mo na ang gusto mo kaya pwede bang layuan mo na ako!?" lumuluha na singhal niya.
Nagulat siya nang ilapit pa nito ang katawan niya sa katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman na katulad niya ay wala rin itong saplot. Ramdam niya ang nakasaludo na nito na pagkalalaki sa puson niya.
"Kinuha ko lang ang sakin, Pam. Ano ang masama ro'n?" walang bakas ng pagsisisi sa mukha na sabi nito.
Napamaang siya. "Kinuha mo ang sayo? Bakit, Alaric, Kailan ako naging sayo— Ano ba?!" Dumagan ito sa maliit niyang katawan. Sa laki nito ay nagmistula siyang bata sa ilalim nito.
"Sa akin ka, Pam. Kahit anong sabihin mo, sa akin ka lang." Tumingin ang berde nitong mga mata sa dibdib niya na nakalantad kaya agad na pinagkrus niya ang kamay ro'n.
"H-Hindi mo ako laruan, Alaric," umiiyak na sambit niya. "H-Hindi ako laruan..."
Saglit na natigilan ito pero agad rin na ngumisi sa kanya. "Hindi ka naman talaga laruan, Pam. Ang laruan kasi, pinagsasawaan at itinatapon." Ibinaba nito ang mukha at saglit na inilapat ang labi nito sa labi niya. Bahagya rin nitong idiniin ang matigas na pagkalalaki nito sa puson niya. "Samantalang ang tulad mo, ikinukulong at itinatago. Hinding-hindi ako magsasawa sayo..."
Ikukulong? Nababaliw na ba ito?
"Where's your ring?" kunot-noo na tanong nito na hawak na ang kamay niya ngayon. Inalis niya ang wedding ring nila nang umalis niya sa bahay ng mga magulang niya. Wala namang silbi na suutin pa ito dahil alam na niya na hindi naman talaga siya mahal ni Alaric.