"Limuel! Ang aga-aga mo naman sa galaan," bati ko sa matangkad na batang nakatayo na naman sa harap ng aming bukid at may hawak na bola. Piniga ko ang kapirasong damit na aking hawak at sinampay iyon.
"Ikaw nga ate, ang aga mo maglaba."
Tumawa ako. "Ano na naman pinunta mo rito, ha?"
"Si kuya Yandiel. Magba-basketball daw po kami."
Natigilan ako sa ginagawa at napatitig sa bata. "May trabaho siya, pate. Nandoon sa dulo ng bukid doon sa bundok. Tinitingnan yung mga sibuyas."
Napanguso siya at tumanaw doon sa bundok, sa dulo ng aming sibuyasan. "Ate... Ano nang tawag do'n?" Naningkit ang mata ng bata na parang nag-iisip.
Ngumiti ako. "Hmm?"
"Kayo ba ni kuya Yandiel eh ano... ano na yung bago maging mag-asawa?"
"Anyameten..." bulong ko. "Sige na. Punta ka na doon kay kuya Yandiel mo. Nasa dulo nga siya ng bukid."
"Sige, ate."
Napangiwi ako at sinundan si Limuel na paalis, hawak pa rin ang nilalarong bola at tinatawid ang mahabang na pilapil. Mas madaling tumawid na sa pilapil dahil sibuyas naman ang tanim dito, hindi kapag palay na makikipag-sapalaran ka talaga bago makarating sa kabilang dako.
"Ate, nagpunta na po dito si Lim?"
Natigilan ako at nilingon si Gideon na kakagising lang at kinukusot pa ang mata. Gideon and Shem is a year older than Lim. Grade 9 na silang dalawa at grade 8 pa lang itong si Limuel. They become close to Yandiel since he's here almost every week. Tinutulungan pa nila sa trabaho.
"Nandoon kay kuya Yandiel, ayun oh! Maghilamos ka muna bago magpunta doon."
"Opo, ate Bora."
Inayos ko na ang mga gamit panlaba nang natapos akong magsampay bago lumapit kila kuya Christian at Ester na nagkukwentuhan 'di kalayuan, sa lilim doon sa puno ng manga. I'll help Ester get out of my brother. Madaldal kasi si kuya, hindi ka na niya titigilan kapag nadaldal na siya, kahit kakakilala mo pa lang.
Tumabi ako kay Ester na nakasalampak sa damuhan. Sumandal ako sa puno at pumikit. It's last week that he told me about stopping his courtship. Biyernes kaming umuwi ni Ester at hindi na sabado. Nothing changed, really.
People still think that he's courting me. Wala namang gaanong nagbago, siguro. Maliban sa pagiging magkatabi namin sa lamesa tuwing tanghalian. Si Ester lang ang nakakaalam at medyo naguguluhan pa siya nang kaunti dahil minsan ay magkasama pa rin kami ni Yandiel nang kaming dalawa lang.
Hindi ko rin gets.
"Sabi nila, malaki daw kita lagi kapag sibuyas ang tanim," pagdaldal ni Ester habang nililibot namin ang sibuyasan, hapon na kasi at palubog na ang araw. Magandang maglibot dito sa bukid, kung hindi madaling araw hanggang umaga ay hapon.
"Dipende pa rin. Talo o panalo lang talaga. Huwag lang umulan," sagot ni Yandiel na nakatayo sa aking tabi, nakaupo kami ni Ester sa pilapil.
"Bale... It's either walang kita o malaking kita?" tanong pa ni Ester at tiningala si Yandiel, nanatili ang tingin ko sa bundok.
"Mmm."
"Ah, ganun pala. Malaking sugal rin, ano?"
"Oo."
Ngumuso ako. What's with his limited answers? Does he usually answer other girls like that? Sabagay, ganoon din naman siya palang kumausap sa akin noong kakakilala pa lang namin sa isa't isa.
Tumayo na ako at nag-pagpag ng pants, ganoon rin si Ester. Nagtagpo ang aming mga mata ni Yandiel at ngumuso siya.
"May gagawin ka pa?" maikling tanong ko.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Espiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...