Kabanata 4-10

1K 6 2
                                    

Kabanata 4 - Erehe at Pilibustero

Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon. Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang artilyero. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog. Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o kaibigan.

Kabanata 5- Isang Tala sa Gabing Madilim

Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at tugtog ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara. Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.

Kabanata 6- Si Kapitan Tyago

Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan. Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito. Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing din ng Kapitan na siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio. Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng lahat ng mga may kapangyarihan, lalong lalo na ang mga pari. Kung kaya't hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit. Nabibili niya ang kabanalan at mga santo na kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso bagamat ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle. Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.

Noli MetangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon