She wanted to sleep more but her mind is telling her to wake up already. May nadarama siyang pitik ng kirot sa kanyang tiyan. Mahapdi.
"Did she come by?"
"I think so. Her fingers are moving gradually."
"Diyosa, do you hear me?"
Narinig niya iyon ang boses ni Makki at ng mga lalaking nag-uusap sa magkakaibang timbre. She forced her eyes to open and squinted on the high ceiling bathed in cold lightings from the panel bulbs. Nanaog ang paningin niya sa apat na matatangkad na bultong nakapaligid sa kanya. For a second there, she thought she is seeing angels, glowing, and with their wings flipped on their backs.
"Makki," mahina niyang sambit nang mahanap ang guwapong mukha ng asawa.
"Diyosa," he bent down and kissed her forehead.
"We will make it alright now, you can relax and rest more." Sheruh is holding her left hand, soothing her with a gentle touch of his thumb.
Nasa kama na siya at ang bahagi ng operating room sa kaliwang gawi nila ay naka-sealed off na ng glass walls at makakapal na berdeng kurtina. Habang ang kinaroroonan niya ay enclosed din ng mga dingding na salamin pero nakikita niya sa labas ang balcony garden. Ang makukulay na mga bulaklak at sunflowers ay tila nakasilip sa kanya.
"The babies?" tanong niya. Hindi niya makapa ang tiyan kahit gusto niya dahil hawak nina Makki at Sheruh ang kamay niya.
"They did great like you, lumaban din sila at kumapit ng husto para sa iyo," sagot ni Makki.
Uminit ang sulok ng mga mata niya at ngumiti. "Ang bomba?"
"Gone, I disposed it."
Tumango siya. Naglibot ang paningin niya. Jrex and Alexial are there too and they're looking at her with the same concern her husband had for her welfare. Inaabangan ba ng apat ang paggising niya? This is not because of her father. Not because of Persecom and Brilhart Enterprise either, nor the BRi International. They're here for her because of Makki. Ang magkakapatid na Andromida ang tunay na lakas ng kanyang asawa.
"I'd like to show you something," iniumang ni Makki sa kanya ang tablet. "I got this recorded from the machine earlier."
Heartbeat iyon na pumapatak sa tatlong linya.
"Those are..."
"Puso mo ang isa, ang dalawa ay puso ng mga anak natin."
Namilog ang mga mata niya. "Dalawa? Kambal?" bulalas niya.
"Yeah, we have twins." Ngumisi ang lalaki.
She smiled back. Her mind was conditioned to have four babies but she knew it was not that easy. Twin is perfect. Pakiramdam niya ay nagpaid-off lahat ng sakit at takot na pinagdaanan niya nitong nakalipas na mga araw dahil sa magandang balitang ito. Kinapa niya ang tiyan habang hindi bumibitaw ang titig sa mga nakangiting mata ng kanyang asawa.
Hindi siya iniiwan doon nina Makki at ng mga kapatid nito. Doon na pina-setup ang pagkain at binigyan na rin ng asawa niya ng karagdagang instructions ang mga kasambahay nila.
"Updates from Raynd, they've got Austin in custody," anunsiyo ni Alexial na nasa couch sa sulok kaharap ang laptop.
Napahawak siya sa kamay ni Makki na humahaplos din sa kanyang tiyan pababa sa sugat niya na tila ba pinapawi nito ang bugso ng kirot mula roon.
"How about his brother and sister? Are they safe?" tanong ni Sheruh na nasa table at may tinimplang solution sa glass jug. Palagay niya ay katulad iyon ng ipinainom sa kanya ni Makki, sodium bicarbonate.