25

4 1 0
                                    

Third Person POV

" Talaga bang hindi ako nagkakamali na marinig mula sa 'yo ang katagang Essence? Anong dahilan, Remis?" Theodore.

Agad naman sinabi ni Headmaster ang totoong dahilan na pawang katotohanan lamang.

" Naalala mo ba ang tungkol sa nangyari kay Maestro Bendict? Nawalan siya ng Essence kaya ang mga enerhiya niya ang nagbibigay daan para makagamit siya ng abilidad." Headmaster.

Tumango si Theodore.

"Anong mayroon sa kaniya? May panibago na naman bang problema na nangyari sa kaniya?"

Umiling si Headmaster. "May panibago pero hindi siya. Dalawang estudyante na nakapasok sa pagsusulit ang nawalan ng Essence." Headmaster.

Hindi na nagulat si Theodore sa nalaman nito dahil noon pa man ay naniniwala siya na maaaring magkatotoo ang bagay na malabong mangyari.

" Sa anong dahilan? Baka naman masyado nilang nagamit ang kanilang abilidad. Alam natin na kapag inabuso ang ating Essence ay maaaring matagalan pa bago bumalik." Theodore.

" Bago pa man sila mawalan ng Essence, halos isang araw namin sila pinatulog upang tuluyan na manumbalik ang kanilang lakas. Pero sa naging dahilan ng pagkawala ng Essence nila ay ang bagay na hindi ko maiwasang maghinala. " Headmaster.

"Anong dahilan?" Theodore.

"Parehas na nagising ang dalawa ng madaling araw. Nakaramdam sila ng malakas na aura at kusang lumuhod ang kanilang tuhod na parang kinokontrol ito. Hanggang sa kusang lumabas ang kanilang Essence na bigla na lang nawala na parang bula." Headmaster

Napaisip naman si Theodore sa sinabi ng Headmaster.

" Mukhang nakakapanghinala nga ang iyong sinabi. Hindi kaya may nakapasok na masamang magian o di kaya'y masamang nilalang na may hawak na malakas na kapangyarihan? " Theodore.

Si Headmaster naman ang napaisip sa sinabi ni Theodore. Aminado siya na naghihinala na siya simula ng matapos ang pagsusulit.

" Nag-umpisa kay Maestro Bendict ang pagkawala ng Essence hanggang sa nawalan na rin ang dalawang estudyante. Hindi kaya nadamay lang sila dahil sa nangyari kay Maestro Bendict?" Headmaster.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Theodore.

" Nahimatay si Maestro Bendict ngunit patuloy pa rin gumagana ang illusion niya hanggang sa nagkataon na wala ng Essence na lumabas sa kaniyang katawan, doon na lamang nawala ang illusion. Kusa naman nag teleport sa infirmary ang lahat na nakapasa sa pagsusulit. "Headmaster.

Agad naman tumugon si Theodore.

" Sa aking palagay, wala ito kinalaman sa pagkawala ng Essence ni Maestro Bendict. Kung ibabase mo sa sinabi ng dalawang estudyante, nagising sila sa gitna ng madaling araw at doon na nag-umpisa ang pagkawala ng kanilang Essence." Theodore.

Hindi nakaimik ang Headmaster dahil gulong-gulo na siya sa kakaisip ng dahilan ng problema.

" Gagawin ko ang makakaya ko para makabalik ang Essence nila. Pahiram muna ako ng libro tungkol sa bagay na 'yon upang magawan ko ng solusyon ang problema na ito." Headmaster.

Napakamot lamang si Theodore.

"Anong problema?" Headmaster.

Hindi nag dalawang-isip si Theodore na sabihin ang problema.

" Ang totoo niyan, nawala na parang bula ang libro na History of Essence. Naglinis ako ng mga libro hanggang sa napansin ko na parang may kulang. Doon ko na lamang nakita ang isang bakanteng espasyo ng libro." Theodore.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon