Chapter 26

5 1 0
                                    

Adam's POV

Pansin kong tahimik lamang si Anna sa byahe kaya ilang ulit ko siyang kinukulit ng mga tanong tungkol sa commitment niya sa orphanage at patungkol sa resort.

Nalaman kong nagkasakit pala siya ilang taon na rin ang nakalipas at isa sa nakatulong sa pagbilis ng kanyang paggaling ay ang pagbisita sa orphanage at ang pakikipaghalubilo sa mga bata roon.

Hindi niya nabanggit kung anong sakit iyon pero bigla kong naalala ang aking Anna. Was it just a coincidence? I am now actually planning of how and when to ask her about my Anna. Perfect timing is everything, I believe.

Tipid lamang ang mga sagot niya but at least ay sinasagot niya ang mga tanong ko. For now, I'm grateful with that.

After a 30 minute drive, we have arrived in our destination. Medyo malayo ang orphanage and there were bumpy roads coming here as well. Mukhang uulan rin maya-maya. The clouds looked already heavy.

Sa harap ng orphanage lang ako nag-park ng sasakyan. Walang kung anu-anong bumaba si Anna kasabay ko, not waiting for me to open the door for her. Itinuro niya ang isang fully furnished na malaking bahay na may malawak na playground at may signage na Sta. Cecilia's Orphanage.

"It looks well taken cared of." Komento ko.

"It is. Personal ko kaseng pinapa-maintain ang orphanage na ito." She said while still looking at the orphanage. I saw her face beamed with gladness. I wish I could hug her now with that cuteness on her face.

"Mababait ang mga madre dito. Tsaka yung mga bata? Ang kukulit at ang ku-cute talaga nila, sarap ampunin lahat." She faced me with a big smile. I can tell she loves this place so much.

She then dropped her smile and pursed her luscious lips into a thin line when she noticed how I looked at her with adoration. She's even cuter holding back those smiles.

Dahan-dahan kong inangat ang aking kanang kamay upang sana ay haplusin ang kanyang maamong mukha nang may marinig akong bumungad sa aming dalawa.

"Nandito na kana pala, Anna." Bati ng isang madre na mukhang nasa early fifties na.

"Hello po." Gulat na tugon ni Anna at humarap sa mga ito. I think I saw her blush a bit, kung hindi ako pinaglalaruan ng mga mata ko.

"O, may kasama ka pala." Sabi ng isang madreng nasa late forties na.

Nakangiti nila kaming nilapitan. I heard gasps from them nang magkalapit na kaming apat.

"Napakagwapo mo hijo, artista ka ba?" Tila di makapaniwalang wika ng medyo bata-bata sa dalawa.

Napatawa ako ng mahina. "Hindi po. I'm Adam Lim." Wika ko saka inabot ang aking kamay sa mas batang madre upang makipag-handshake at tinanggap naman nito ang aking kamay.

"Pasensya na hijo, Ako pala si Sister Joan."

"It's okay. Nice to meet you." Tugon ko saka nakipag-handshake sa isa pang madre.

"Ako naman si Sister Cynthia, hijo. Pasensya ka na sa reaksyon namin." Sabi nito at binitawan na ang kamay ko. "Ang guwapo naman ng boyfriend mo, hija." Sabi niya kay Anna.

"Ay hindi po!" Agad na sagot ni Anna sa kanila, saka tumingin sa akin na parang nahihiya. Not now at least, baby. I smiled at her.

"O siya, pasok na tayo sa loob." Kapagkuway yaya ni sister Cynthia.

PAGKAPASOK namin sa loob, agad na bumungad sa amin ang mga batang naglalaro at nagbabasa from different age groups. Tinawag ni sister Joan ang atensyon ng mga ito at masunuring tumayo.

"Bumati kayo kina ate Anna at kuya Adam n'yo." ani sister Cynthia.

"Magandang umaga ate Anna. Magandang umaga kuya Adam." Sabay-sabay na bati ng mga bata.

My Innocent PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon