Chapter 15: Changes

164 7 2
                                    

Happy 500+ reads!!!!!!  Thank you for reading!!!

------------------------------------------------------------------------**********************************

                          

             

             
*Cold's POV*

Nakalipas ang 3 linggo. Tanggap ko na ang lahat. Nakalipat narin naman ako ng school kaso sa school na punasukan ko 2nd year College na ako. Sa Dion University. Si kuya Chaze para daw bantayan ako nagenroll ba naman ulit ng college. Hindi naman kasi halata sa mukha niya na 22 na siya eh. Binago niya yung age niya ng 18 para daw mabantayan ako ng mas maigi dapat magkaklase kami sa lahat ng subjects. Ang sarap sa pakiramdam na may protective brother ka.

Yung surname ko napalitan na ng Dela Fuente pero ang ginamit ko sa school ay Guevar para hindi malaman ang identity ko. Wala naman kasi talagang nakakaalam ng mukha ko bilang World Richest Business Woman kung hindi ko sasabihin na ako yun. Wala rin namang kumakalat na picture ko. So for short ang mga pinag-gamitan ko lang ng Daishama nuon ang nakakaalam na ako nga yun. Maraming nagtaka bakit napalitan lahat ng Dela Fuente ang dating mga ari-arian na sa Daishama nakapangalan. Pero dahil nga hindi ko pinapakita ang identity ko si lolo na ang nagexplain. Si kuya Chaze Dela Fuente ginamit niya. Si kuya Charles naman naging prof sa papasukan kong school.

Yung mga pag-aari na nakapangalan sa Daishama nailipat na sa mga Dela Fuente. Yung mga kumupkop naman sakin na pamilya the Yamachi family sila parin naman yung namamahala pero ako parin ang pinakaboss sadyang sila lang ang pinapamahala ko.

Sa ngayon lumupat na ako ng mansyon. Dito ko nakatira sa mansyon na tinitirahan nila lolo Erman, kuya Charles at kuya Chaze. Yung mga kagang ko? Naiintindihan naman daw nila. Nasabi ko rin sa kanila na hihiwalay muna ako at pagpahingahin muna nila ang Gang. At sinabi ko narin kay Zhie na ipa-alam sa buong gangster world na wala ng Hell Angels na nabuwag na. Of course maraming nagulat. Maraming nagtanong kung bakit. Pero sinabi lang namin na "dahil nakahanap na kami ng mas pagkakaabalahan kesa sa mga gang fights." Ganun lang. Maiintindihan na nila yun. Yung gang naman na umaatake samin pinaayos ko nalang sa Bloody Ninjas. Ok narin yun. Gusto ko munang magpahinga.

So sa madaling salita. Mga normal na studyante kami pero may ibang skills. Ganun lang. Nakapagpaalam na rin ako sa mga kagang ko kila Clyde at kila Reid.

Back to reality. Nandito ko ngayon sa kwarto ko sa bagong bahay. Nag-aayos ng dadalhin sa school. "Babygirl! Ready ka na ba?!" Sigaw ni kuya Chaze sa labas ng pinto ng kwarto ko. Kung itatanong niyo kung paano niya nabago ang birth certificate niya at yung files niya pati age niya yun ay dahil isa siyang Dela Fuente isang tawag lang kumpleto na ang kailangan. Ganun pala kamakapangyarihan ang Dela Fuente aba malay ko ba.

"Yes kuya! Wait! Saglit nalang!" Tumingin ako sa salamin. Maayos naman na itsura ko naka lipgloss lang ako at eyeliner. Wala namang uniform dun so pwede mong isuot kahit na anong gusto mo. Ang suot ko lang ay black na fitted jeans, grey na hanging blouse na kita pusod kaya naginner ako ng violet fitted sando then converse na black and violet. Then yung curly/wavy hair ko nakalugay lang. Game.

"Oh. Tara na? Nauna na si kuya Ezach kailangan daw kasi maaga ang prof. Haha!" Loko talaga to. (Ezach-Zach. Referring to Charles.)

"What, sabay tayo?" Tanong ko tinignan niya lang ako ng syempre-naman-look. "K." At sumakay nalang ako sa sasakyan niya. Gara ng sasakyan. Ferrari.

Nakarating kami sa school pagbaba na pagbaba namin, bulungan nanaman. What? Ano meron? Napansin ko naman na lahat sila nakatingin kay kuya Chaze. "Kuy--"

The Demon Inside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon