CHAPTER 8💜 Confused

811 9 0
                                    

( Noelle )

After that intimate kiss sa pagitan namin ng binata hindi na ako lumabas ng cr. Kahit na ilang beses pa ako nitong kinatok para lumabas.

Narinig ko pa kung paano nito sigaw sigawan ang taong nagdeliver ng kung ano sa binata.

"What the heck do you want?" asik nito sa delivery boy after nito buksan ang pinto.

"Sir pasensya na po. Delivery lang po."

"Dapat mas inagahan mo. May IMPORTANTE akong ginagawa."

Rinig na rinig kong pinagdiinan pa nito ang 'importante'. Kawawang delivery boy. Humingi ito ng pasensya sa binata.

Bakit bigla ang init ng ulo nito? Samantalang napaka-amo nito sa akin kanina.

Nag-init ang tigkabilang pisngi ko sa narinig. Ang importante ba na sinasabi nito ay ang ginagawa namin kanina.

Mahinang napamura ako dahil naaapektuhan na naman ako dahil lang sa alaala na iyon sa pagitan namin ni Daver kanina. Ilang beses kong ipinilig ang ulo.

Muntik na. Muntik ko ng ibigay dito ang kabibe ko.

Tumitig ako sa sariling reflection sa salamin. Kitang kita na namamaga ang labi ko. Ang kanang kamay ko ay unti-unting umangat at hinawakan ang labi ko. Naalala ko kung paano ako halikan at panggigilan ng binata kanina lamang. Napailing ako at marahas na napabuga ng hangin.

"Punyeta talaga!" mahinang tili ko.

Sobrang kahihiyan ang ginawa ko. Wala akong mukhang maihaharap sa binata. Iniisip na siguro ni Daver ngayon na ang bilis kong makuha, na isa akong marupok na babae. Na pa-hard to get pa ako no'ng una bibigay rin pala ako sa isang halik at sa ilang haplos lang nito.

"Bakit nga ba ako bumigay?" titig na titig kong tanong sa sariling reflection sa salamin. "Haist!" napo-prostrate na sinabunutan kong muli ang sariling buhok at ginulo-gulo iyon.

"Are you planning to sleep there or what? You've been there for almost an hour."

Napakislot ako ng biglang magsalita ang binata sa labas ng pinto ng cr kasabay ng mahinang katok.

Hindi ako sumagot. Ayokong lumabas, nakakahiya.

"Dito na nga lang kaya ako matulog?" parang tanga na turan ko.

Ilang oras pa ang ginugol ko sa cr hanggang sa hindi na ako kinukulit ng binata.

"Nakatulog na siguro siya."

Huminga muna ako ng malalim saka unti unting binubuksan ang pinto. Sumilip muna ako sa nakaawang na pinto. 'Wala na siya.' Saka ko lang binuksan ng mas malaki ang pinto.

Muntik na akong mapasigaw ng makita ang binata na nakadapa sa kama na ang suot lamang ay brief nito. 'Walang hiya talaga ang lalakeng ito. Napakahubadero talaga.'

Marahan akong humakbang papalabas ng kwarto ng binata ngunit napatingin ako sa suot ko. Napailing ako. "Hindi pwedeng ito lang ang suot ko."

Bumalik akong muli sa kwarto nito at patingkayad na lumapit sa closet nito. Naghalungkat ako roon ng jeans or slacks basta may maisuot ako sa pang-ibaba. Delikado kapag long sleeve lamang ang suot ko. Although mahaba iyon at para na ngang dress ko pero hindi pa rin pwede. Mas mabuti na ang nag-iingat.

Matapos makapagbihis ng slacks ng binata na halos sumayad na sa haba, itinupi ko iyon at humiga na sa sopa. May kumot akong dala at isang unan. Nagtalukbong at nagsimula ng matulog. Kung ano man ang binabalak gawin ng binata mamaya habang ako'y tulog paniguradong mabilis akong magigising.

-----+++-----

Kinabukasan

Marahan na nag-unat unat muna ako sa ilalim ng kumot. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko. Napuyat ako kagabi dahil sa inaalala ko ang binata, baka bigla akong puntahan sa sopa at ituloy ang ano mang naudlot na ginagawa namin at baka hindi ko na magawang pigilan pa ang susunod na mangyayare.

(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon