Kabanata 1

1.4K 38 0
                                    

Narrator POV

Sa pinakamalalim na parte ng karagatang Azurana doon mo makikita ang isang napakalaking kaharian ng mga sirena. Ito ay pinamumunuan ni Haring Arman na siya namang ama ng prinsesang si Azulan.

Lumaki si Azulan na walang kinikilalang ina sapagkat pagka panganak sa kanya ay bigla nalang itong naglaho at wala ni isa sa palasyo ang makapagsabi kung saan ito matatagpuan. Ngunit lumaki mang salat sa pagmamahal ng ina ay busog na busog naman ito sa pagmamahal ng ama at ng kanyang dalawang lalaking kapatid.

"Mahal na prinsesang Azulan kanina pa po kayo tinatawag ng inyong ama kailangan na po kayo sa pagtitipon" pakiusap ng isa sa mga taga silbi

Agad napasimangot ang prinsesa sa tinuran ng kaniyang tagasilbi

"Eh Marvida wala naman akong gagawin sa pagtitipon na iyon kundi ang paulit-ulit na ngumiti at magpanggap na tila nais kong makasama ang mga prinsipeng pinapakilala ng aking ama" saad ng prinsesa habang hindi parin maipinta ang mukha

Bata palang ay hindi na niya nais makisalamuha sa mahaharlikang iyon sapagkat wala namang nalalaman kung hindi ang magpagandahan ng mga perlas, kasuotan at buntot, gayundin ay may mga ginoong lumalapit sa kanya para lamang sa ambisyong maging hari at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat.

"Intindihin mo naman kami mahal na prinsesa kung hindi ikaw dadalo ay kami ang mapagbubuntunan ng iyong ama sapagkat alam mo naman iyon hindi ba?hindi ka kayang saktan" saad ng tagasilbi bilang patuloy na pagkumbinsi sa kanya

"Hmmmm sige gagawin ko ang iyong nais sa isang kondisyon" nakangiting sambit ng prinsesa

"Ano po iyon mahal na prinsesa?" Masayang tugon ng tagasilbi

" Mamaya na pagkatapos ng pagtitipon basta iyong ipangako na tutuparin mo ano man ang naisin ko, pangako?" Tanong ng prinsesa habang patuloy parin sa pag ngiti at tila nay hindi magandang naiisip

"Pangako po mahal na Azulan basta inyo pong bilisan upang hindi ako mapagalitan ng husto ng iyong ama" sambit nito at lumapit sa lalagyanan ng kasuotan ng prinsesa upang ito ay ikuha ng maisusuot.

Pagbaba nila sa bulwagan ay agad bumungad ang mga sirena at sireno na may mga natatanging kaanyuan, makikisig at magaganda. Agad napatingin sa prinsesa ang lahat ng tinawag ito ng Hari

"Azula anak halika at maipakilala kita sa ating mga panauhin" nakangiting sambit ng hari

"Napakaganda ng iyong anak Haring Arman maging ang kanyang buntot sirena ay natatangi" nakangiting saad ng isa sa mga panauhin na ikinapalakpak ng tenga ni Azulan

'Ang ganda ko talaga' saad ng dalawaga sa kanyang isipan at napahagikhik

"Tunay ngang kay ganda ng prinsesa aking ina hangad kong balang araw ay siya ang aking magiging katuwang sa pamamahala ng ating nasasakupan" saad ng Prinsipe Albano habang nakatingin sa prinsesa Azulan na puno ng paghanga

'Isang prinsipe na naman ang nabihag ng aking ganda ngunit nauunawaan ko sila pagkat kahit ako ay gandang ganda sa aking sarili' muling saad ng prinsesa sa kanyang isipan. Pasensyahan nalang at hindi niya talaga tipo ang lalaking nasa harapan niya ngayon , hindi niya nais matali sa prinsipeng mukhang mas lalaki pa siya, sa pagkilos nito'y mahahalata mong hindi ito sanay sa kahit anong uri ng pakikipaglaban baka kapag sinugod sila ng kalaban ay ipain pa siya ng prinsipeng ito.

"Anak nadinig mo ba ang tinuran ng batang prinsipe?mukhang may pagtingin siya sa iyo" natutuwang sambit ng hari

'bulag ako ama bulag wala akong pagtingin riyan' naiinis na sambit ng prinsesa Azula sa kanyang isipan ngunit wala din siyang nagawa kundi ngumiti na lamang.

"Salamat sa iyong paghanga mahal na prinsipe ikinagagalak kong makilala ka" saad ni Azula sabay yuko

Habang patagal ng patagal ay unti unti ng nababagot si Azula, wala naman siyang ginagawa kundi ngumiti sa bawat laman ng bulwagang iyon, hindi din naman siya mahilig makipag usap lalo na't wala naman siyang kaibigan sa karagatan. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay may pumasok na ideya sa kanya, agad niyang nilapitan ang tagasilbi na si Marvida at dinala sa likod ng palasyo.

"Bakit niyo ako dinala dito mahal na prinsesa? ano ang inyong kailangan?" Mabilis na tanong ni Marvida

"Naalala mo ba ang pangakong iyong sinambit kanina?" Saad ni prinsesa Azulan

"Opo mahal na prinsesa Hindi ko iyon nalilimutan" magalang na tugon ni Marvida

"Kung ganon ay ito na ang aking kahilingan, nais kong samahan mo ako sa kwebang kinalalagyan ng batong Azaruñan nais ko ang batong iyon" nakangiting sambit ni Azulan na para bang kay dali lamang ng hinihingi nito

"Naku mahal na prinsesa yan ang kailanman ay hindi mo gagawin, ang batong iyon ay may angkin ngang ganda ngunit mapanganib, ang sino mang mag nais ay napaparusahan" saad ni Marvida na mababakas sa boses ang takot

"Kay duwag mo talaga Marvida kung ayaw mo akong samahan ay ituro mo na lamang sa akin ang kinalalagyan ng bato at ako na mismo ang kukuha" matapang na saad ni Azulan habang ang tagasilbi ay patuloy na nag-aalala sa gagawin ng prinsesa sapagkat kilala niya ito lahat ng maisip ay talagang gagawin, sugod ng sugod kahit Hindi alam ang dadatnan

"Makinig kayo sa akin mahal na prinsesa tara na't humanap nalang ng ibang bato na maganda at makinang ngunit wag ang bato sa kweba" pakikiusap ni Marvida na umaasang makikinig ang makulit na prinsesa.

"Ayaw mo talagang ipabatid sa akin ang lokasyon ng bato?kung ganoon ay sasabihin ko sa aking ama na ipadala ka sa mga Azurabano at doon ka na lamang pagsilbihin, hayyyy puno pa naman ng mga bastos doon at balita ko'y limitado lahat ng mayroon sila at balita ko din isang pagkakamali mo lamang ay maaaring buhay ang kapalit" pananakot ni Azulan kay Marvida

"Wag po prinsesa pakiusap ayaw ko po sa lugar na iyon" ani Marvida

"Kung ganoon ay sabihin mo na sa akin ang lokasyon" naghahamong saad nito

"Ang bato po ay nasa gitna ng kweba ngunit kailangan nito ng patak ng dugo matapos ay bato na ang magdedesisyon kung lilitaw ito o hindi" nagkanda utal utal na sambit ng tagasilbi

"Salamat Marvida huwag kang mag alala wala akong pagsasabihang ikaw ang nagturo sa akin ng lokasyon ng bato" ani Azulan sabay langoy palayo

(Sa kweba)

Nakarating na sa gitna ang prinsesa at doon niya nakita ang isang hukay na napapalibutan ng liwanag

"Marahil ay ito na iyon" sambit ni Azulan, humanap siya ng matulis na bagay para sa dugo na kailangan

Pagkakita ng matulis na bagay ay agad niya itong inihiwa sa kanyang kamay at ipinapatak ang dugo sa hukay na nagliliwanag. Maya maya ay biglang yumanig ng napakalakas ang kweba kasabay ng paglabas ng batong pula na bumaon sa kanyang dibdib. Pagkatapos nito ay bigla umikot ang kanyang paligid at nawalan siya ng malay.

************************************
Follow me po mga kapatid🤗

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon