Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ang lahat para sa paghahanda sa gagawing pagsalakay ngayong araw ng mga sundalo
Ang buong bayan ay napupuno na ng mga tao na pare-parehas na nalulungkot para sa pag alis ng kani kanilang mga minamahal. Dala dala pa din nila ang takot na iniwan ng huling pangyayari kung saan halos wala ng sundalo ang nakauwi ng buhay
Nakabibingi ang mga iyakan ng lahat ng maiiwan higit pa sa ingay ng mga sasakyan ang kasalukuyan maririnig sa buong kapaligiran
'Tahan na'
Paulit ulit na sinasabi ng mga sundalo sa kanilang mga pamilya na mahihigpit na yumayakap sa kanila
300 mahigit ang bilang ng mga sundalong aalis na pamumunuan nina Ferdinand at Ramon
Ang misyon: lusubin ang punong-tanggapan ng mga hapon at ubusin/pasukuin ang mga sundalo nito. Higit sa lahat, ay patayin ang pinaka pinuno pati na ang pinaka mataas na heneral na si Gen. Miyamoto
'Mag-iingat kayo, Ramon'
Mahigpit na magkayakap sina Ramon at Luningning
Wala ng luha pang maipatak si Luningning. Naubusan na siya nito. Higit sa lahat, dahil tinanggap na niya na maaaring ito na ang huling beses na mayayakap niya si Ramon. Napaka sakit, pero naihanda na siya ni Ramon. Napaintindi na din nito sa kanya ang malaking panganib na susuungin nilang mga sundalo. Na ito na ang pinaka delikadong misyon na gagawin ng kanilang grupo. Isang misyon na tutuldok sa giyera na mahigit apat na taon na nilang nilalabanan. Ang huling misyon na magdadala sa karamihan ng grupo nila Ferdinand sa kanilang hukay
'Mahal kita, Luningning'
'Mahal ko kayo ng anak natin'
'Pakiusap...'
Napaangat ng tingin si Luningning ng hinawakan siya sa baba ni Ramon para tumingin siya dito
'Gawin mong masaya ang buhay niyong dalawa'
Namuo na ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni Luningning
'Huwag mo hayaan na tuluyan ng tumigil ang pagtibok ng iyong puso'
'Pilitin mo... para sa'yo... at sa anak natin'
Pero umiling lang si Luningning sa kanya
'Hindi na Ramon'
'Sinabi ko naman sa'yo... at ipinapangako ko, na ikaw lang ang tanging lalaki na paka-iibigin ko'
'Ang una, at huling tao na paglalaanan ko ng aking puso'
'At kung tunay nga na ito na ang huling beses na mayayakap at mahahagkan kita'
'Asahan mo, na sa muli nating pagkikita, buong pagmamalaki ko na sasabihin sa'yo...'
'Na tumupad, at naging totoo ako sa aking pangako'
Magsasalita pa sana si Ramon ng hinatak na siya sa mukha ni Luningning at saka siya nito hinalikan... ng hinalikan... ng hinalikan...
.
.
.
'Wala pa ang ate mo at si Ferdinand ah'
Malungkot na tanong ni Miguel kay Alita na nangangatog ang mga paa sa kanina pa nila paghihintay kina Imelda at Ferdinand
'Kaya nga e'
Nagtataka na din si Alita. Kilala niya ang ate niya at si Ferdinand na parehas maaagang gumigising. Palaging nauuna ng isang oras sa lahat, at hindi nahuli kahit kailan
YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomanceSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...