KABANATA 34

29 3 0
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang mapunta ako sa mansyon nina Jasmine,dun ko napagtanto na parehas pala ng ugali si Mimina at si Tito Jacob parehas silang joker,seryoso,palaban.At dun naman namana ni Jasmine ang kabutihang puso nya kay Tita Janice.Sobrang saya ng pamilyang yun lahat ng lungkot mo mawawala pagnakasama mo sila.

Nakwe-kwento rin pala ako ni Jasmine sa Mommy at Daddy nya kaya ramdam ko ang lungkot nila pagnakikita nila ako,ayoko namang laging malungkot sila para sakin kaya sumasabay ako sa mga trip nila.At hindi ko maipagkakaila na nagugustuhan ko rin ang mga ito.Pagmakakasama mo sila hindi mo maiisip na hindi ka belong sakanila.

Masaya ako para sa sarili ko,dahil hindi ako nagkamali ng kaibigan.Alam kong wala akong perpektong pamilya atleast yung pamilya ng kaibigan ko ay tinuring narin akong parang anak at kasapi nito.

"Alis na'ko Bham!" Sigaw ni Chester,dali-dali ko namang dinampot yung lunchbox dahil maiiwan nya ito.

May practice kase si Chester ng basketball kaya pinagbaunan ko nalang sya para hindi na sya gumastos.

"Ches yung lunchbox mo." Sabay abot ko ng bag,agad naman syang napabaling dito.

"Uhh--"

"Meron na sya Ate,Ako na yung nagbigay.." Singit ni Astrid samin,kaya agad kong binaba ang bag ng sabihin ni Astrid yun.

"Okay lang pwede ko naman kainin parehas." Aabutin na sana ni Chester yung hawak ko nang biglang tumayo si Jasmine para buksan ang bag ni Chester,Nagulat nalang ako ng ilabas nya ang ginawang pagkain ni Astrid at yung akin ang nilagay sa loob ng bag.

"Bakit mo nilabas?Ako yung nauna e!" Sigaw ni Astrid,Halata sa boses ang pagkainis.

"Una sa lahat wag mong agawan ng gawain si VIen,at pangalawa wag mokong sigawan." Seryosong saad ni Jasmine.

Agad naman akong pumagitna sakanila dahil ayokong mag away sila dahil lang sa lunchbox.

"Kasalan ko bang nahuli sya?E kung mas inagahan nya edi sana sya yung nauna." Gigil na saad ni Astrid,agad naman akong nasaktan sa paraan ng pagsabi nya.

"Astrid ganyan kana ba kadesperada?!" Galit na sambit ni Cassy,Andito sila ngayon para sabihin na pupunta kaming boracay bukas dahil uuwi na sina Tita Bea at yung anak nya.Para nga akong sasabog sa saya dahil makikita kona sa wakas si Tita Bea sobrang na-miss kona talaga sya,gusto ko rin magpasalamat sakanya ng harapan.

"Pwede bang tama na!" Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Chester,kaya lahat kami ay tumahimik,maliban lang kay Jasmine na nagawa pang umirap at sumipol na parang walang nangyari.

Kala ko dadalhin na nya ang lunchbox na gawa ko pero nagulat nalang ako nang tanggalin nya ang akin sa loob at pinalit ang kay Astrid,kita ko ang pagngisi ni Astrid at gulat sa dalawa nang gawin ni Chester yun,at kahit din ako ay nagulat.

"Kuya ano bang ginagawa mo!" Suway ni Cassy sa Kuya nya,pero parang walang naririnig si Chester.

"Si Astrid ang nauna kaya sakanya ang dadalhin ko."

Matapos nyang sabihin yun ay agad syang umalis,umalis sya ng hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

Naninikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan,hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko dahil sa bigat ng nararamdaman.Parang ang daming binagsak na mabibigat na bagay sa dibdib ko,at hirap akong buhatin yun.

"San ka pupunta?" Walang emosyon na saad ni Jasmine,Bigla namang tumaas ang kilay ni Astrid.

"Manonood ng practice." Sabay baling nya sakin,at agad na umalis.

"Punong-puno na talaga ako,From now on kakalimutan kong may kapatid ka Vien." Sabay alis din ni Jasmine.

Agad tumahik ang buong condo ng umalis sila,hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.Ngumiti muna ako mapait kay Cassy bago ito punasan.

"L-ligpitin..ko lang t-toh Cassy ha?" Pinilit kong wag mautal ngayon sa harap ni Cassy,dahil ayokong makita nya na mahina ako.

Habang pinupulot ko ang lunchbox ay agad itong inagaw sakin ni Cassy,napaawang nalang ang bibig ko ng kainin nya ito.

"Di hamak na mas masarap naman toh kesa dun sakanya!Ate Vien gawan mo din ako ng lunchbox ang sarap ng luto mo." Masayang saad ni Cassy habang patuloy na kainain ang gawa ko,Napangiti naman ako dahil sa pinapakitang kabutihan ni Cassy ngayon.

"Oy penge rin ako Cassy!" Sabay agaw ni Jas ng baunan.

"Sh*t ang sarap!Nasa heaven naba ako?" Agad naman akong natawa sa dalawa,parang kanina ang bigat-bigat ng pakiramdam ko pero ngayon andito sila para patuloy na pawiin ang kirot nito,andito sila para pasiyahin ako.

Nang makita kong umuulan sa labas ay agad akong pumunta sa  balcony upang pakiramdaman ang lamig ng panahon ngayon,habang nakapikit ang mga mata ko ay agad pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

Nagpagabi muna sina Jasmine dito para sana intayin sina Chester at Astrid bumalik,kaso walang lumitaw kaya sabi ko sakanila na uuwi din yun.Alam kong hindi parin sila kumbinsido sa sinabi ko at kahit ako ay ganun din.kaya wala na silang choice kung di ang umuwi.

Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon,kung pa'no piliin ni Chester yung kay Astrid,kung ga'no kabastos sakin si Astrid kanina na para bang wala ako sa tabi nya,na parang anino lang ako sa paningin nya pakiramdam ko kanina ang mababa-baba ko sakanila.parang pinapamuka lang nya sakin na kahit kailan hindi ko sya kayang abutin.

Agad akong yumuko at dun umiyak ng todo,ako ang laging gumagawa ng pagkain ni Chester kaya parang nanibago lang ako,intindihin ko nalang sila,lagi naman diba?laging ikaw yung umiintindi kahit alam mo naman yung mali ng isang tao.kaso wala tayong magagawa pag ayaw natin magalit ang mahal natin sa buhay.Intindihin lang ng intindihin kaso pag sobra na tama na yung intindi na binigay mo.

Nag bago si Chester,nagbago sya..Parang yung sinabi nya nung lasing sya,Unti-unti na nyang pinaparamdam sakin na iba ang pipiliin nya balang araw.

Dahil din sa ginagawa ni Astrid parang pinapalayo nya ang loob ko sakanya,parang sya yung gumagawa ng way para magkasira kaming magkapatid at hindi ko hahayaan yun.Ayokong maulit ang dati ayoko na.Pagod na akong umiyak,pagod na akong humingi ng tawad,pagod na ako..kaya sana tama na toh.

From: Chester
Sorry.

Dapat matuwa ako dahil alam kong hihingi sya ng tawad,pero hindi parin nawawala yung sakit na nararamdaman ko.

Anu kaba Vien!Atleast nag text pa sayo ng sorry!

To: Chester
Si Astrid pakihatid nalang,salamat.

Hindi kona inantay ang reply nya dahil alam kong iuuwi nya si Astrid,bibili muna ako ng cup noddles dahil masarap ito lalo na't malamig ang panahon ngayon.Pag bukas ko ng pinto ay napatigil ako dahil kita kong nakaawang ang pinto ng kaharap kong condo at mukang may tao na.

Hindi ko nalang ito pinansin at bumili na ng dapat bilhin,matapos kong bumili ay may mga kasunod akong mga tao na may bitbit ng mga upuan,ref,at kung ano pa.Dun ko napagtanto na sa katapat ko palang condo ko ito ilalagay.

"Ano pong meron?" Curious kong tanong sa babae.

"Dadating napo kase bukas yung anak ni Maam Beatrice,kaya po hinahanda napo namin yung tutulugan nya." Paliwanag nung staff din ata dito.

Bigla naman tuloy bumilis ang tibok ng puso ko,nang mapansin kong kakaiba ito ay agad na akong pumasok sa loob.Nang makitang may text pala galing kay Chester ay agad ko itong kinuha.

From: Chester
Sorry Vi,hindi kami makakauwi ni Astrid dito muna kami ngayon sa bahay.

Napangiti nalang ako ng mapait,ang galing lang nauna pa yung kapatid mo sa bahay ng boyfriend mo kase sayo na hindi pa nakikita o nakakatuntong.

Agad akong umiling dahil lang sa nagseselos ako kay Astrid,be happy Vien okay lang si Astrid.

Pero bakit ang sakit?












That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon