26

8 1 0
                                    


Third Person POV


Binalot ng katahimikan ang nasa loob ng meeting room. Walang may lakas loob na magsalita dahil sa sinabi ng Headmaster. Nanatiling nakayuko ang Headmaster dahil sa mga pangyayari na matagal na niyang kinalimutan.

Kalaunan ay nagtanong ang isa sa Magian Chosens.

" Ano po ba ang itsura ng kabilang mundo? Maganda rin po ba katulad sa atin?"

Ilang segundo bago sagutin ng Headmaster.

" Kung ano ang kinaganda ng kanilang mundo, punong-puno naman ito ng trahedya." Headmaster.

Humingi na lamang ng paumanhin ang nagtanong tungkol sa nakita ng Headmaster.

" Huwag na natin pag-usapan 'yan. Depende sa inyo kung magsisimula na kayo ngayon pero ito lang ang maipapayo ko. Kapag nakapasok na kayo sa kabilang mundo, bubungad sa inyo agad ang kagubatan na delikadong puntahan. Wala tayong magagawa dahil para sa kapakanan ito ng kapwa niyo estudyante. Nawa'y gabayan kayo ng mga Dyosa. " Headmaster.

Pagtapos nitong magsalita, paalis na sana siya nang makarinig ito ng katok mula sa pintuan. Agad itong binuksan ng Headmaster at bumungad sa kaniya ang apat na estudyante na kasalukuyang hinihingal. Agad itong pinapasok ng Headmaster.

Ilang minuto bago sila makahinga ng maayos hanggang sa nagsalita na ang isa nilang kasama.

"Headmaster, nagkakagulo po sa cafeteria. Kasalukuyan po na hindi makalabas lahat ng estudyante."

Agad naman nakuha ang atensyon ng lahat.

"Anong nangyayari?" Headmaster.

Huminga muna ito ng malalim bago sabihin ang lahat.

" Wala po kami sa pangyayari ngunit may nakita po kami na babaeng sugatan at duguan. Kitang-kita po namin kung gaano siya katakot habang sinasalaysay niya ang pangyayari. Ang sabi po niya, may nakapasok na kalaban. Kitang-kita niya raw po kung paano nag-iba ang kaniyang mga katawan. Isang normal na magian hanggang sa naging nakakatakot at panget na babae. H-hindi ko po alam ang tawag sa nilalang na 'yon. "

Napaisip naman ang Magian Chosens kung anong klaseng nilalang ang babaeng panget at nakakatakot na itsura. Ngunit halos karamihan sa kanila ay wala pang nakakasagupa na nilalang na may kaparehas sa katangian ng tao.

" Bukod sa panget at nakakatakot, ano pa ba ang nakita niya? I-kuwento mo lahat ng sinabi niya." Headmaster.

Nagkatinginan ang apat na estudyante hanggang sa may naglakas loob na isalaysay ang lahat.

" Base po sa kuwento niya, sabay-sabay po namatay ang mga ilaw, kusang nag sarado ang mga bintana at pintuan. Ang akala nila nadala lang ng hangin ngunit may mas malala pa pala. Bigla po nagsibalian ang katawan ng babae hanggang sa naging payat, mahaba at magulo ang buhok, kulay pula ang kaniyang kasuotan at malaki po ang bibig niya. Literal na nakakatakot po talaga ang itsura niya. "

Hiningal ang nagsalaysay kung kaya't tinuloy na lamang ng kasama niya.

" Sinubukan po nila na makalabas ngunit hindi po sila nagtagumpay. Ang sabi po niya ay masakit sa tainga ang boses ng nilalang lalo na po kapag sumisigaw ito na para bang rinig hanggang dulo ngunit wala po kami narinig sa kadahilanan na nilagyan pala ng harang ang buong cafeteria. Sinubukan po nila lumaban ngunit nahihirapan po sila na lumapit dahil halos mabingi po sila sa tono ng boses ng nilalang na naging dahilan sa pagdugo ng kanilang tainga. May isa pong estudyante na nakalapit sa nilalang at hindi po siya nagdalawang-isip na patamain ito sa puso. Nang matagumpay niya po 'yon hindi pa rin po natatalo ang nilalang hanggang sa sumakto po ang pagtayo ng babae sa pintuan kung kaya't siya po ang natamaan ng Abilidad galing sa nilalang. Napatalsik siya ng wala sa oras na diretso palabas at bigla na naman po nagsara ang pintuan. "

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon