IV ❤

61 17 4
                                    

Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na Best friend mo lang ako.

Wala ng hihigit pa doon.

Tatlong buwan na kayo ni Kate at dahil sa sikat si Kate sa school naging sikat ka na din. Kilala ka na ng halos ng lahat ng estudyante.

Minsan, umuuwi na lang ako mag-isa. Hinahatid mo pa kasi si Kate sa bahay nila na dati, sa akin mo ginagawa. Pero siyempre, iba pa din kapag Girlfriend mo.

Minsan nga nagpaalam ka sa akin na baka mauna ka na kasi monthsary niyo ni Kate at magcecelebrate kayo. Tuwang tuwa ka.

Nagpatulong ka pa sa akin sa paggawa ng tula tungkol sa kanya.

Habang ginagawa ko yun, yung luha ko bumabagsak.

Martyr nga kung maituturing kasi tinulungan pa kita pero Best friend kita eh.

"Thank you thank you talaga Lyssa." sabi mo sa akin habang yakap mo ako dahil binigay ko na sayo yung tulang ginawa ko para sa Girlfriend mo.

Iniwan kita noon nang sobrang saya. Ngiting ngiti ka habang inaabangan mo ang paglabas ni Kate. Kilala kita. Excited ka sa Date niyo.

Siya na lang lagi.

Mas nauuna siya sa akin.

Pangalawa na lang ako lagi.

Pero wala naman akong magagawa diba?

Best friend mo lang ako.

Galing ako noon sa Bookstore. Naglalakad ako papunta sa exit ng Mall nang may napansin akong isang lalaki ang naka-upo at naka-yuko sa isang gilid ng Mall.

Kilala kita. Nakatalikod ka man o nakaharap. Side view o kahit ano pa dahil Best friend kita.

Nilapitan kita at dali dali mo akong niyakap.

Mahigpit. Sobrang higpit.

Maya maya lang naramdaman kong umiiyak ka.

"Iniwan niya na ako Lyssa." kwento mo sa akin habang yakap yakap mo ako.

Alam ko na kung sino at kung ano ang tinutukoy niya.

Wala na kayo ni Kate. Iniwan ka na niya.

Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko? Masaya? Malungkot?

Masaya? Dahil sa hindi na sila? Pero hindi ako selfish na kaibigan. Iniisip ko pa rin kung ano ang nararamdaman mo.

Lungkot pa din ang nangingibabaw sa akin. Dahil sa nakikita kitang lumuluha at nasasaktan dahil sa babae.

Andito lang naman ako.

Pero bakit di mo ako napapansin?

Love or Friendship?

Mas maganda na lang kung maging magkaibigan tayo. Atlis yun may kasiguraduhan.

Sa love, ewan.

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon