EPISODE 24

3.1K 87 6
                                    


"What are you staring, Mommy?".

Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang tanong sa akin ni Keib. Nakatagilid pa ng bahagya ang mukha niya habang kunot noong nakatingin sa akin at sa labas ng bintana ng kuwarto niya. Napaayos ako ng upo ng muling sumagi sa isipan 'ko ang nangyari kanina. Hindi pa din mag-sink in sa isipan 'ko kung paano nakilala ni Geib ang anak 'ko.

The way they talk seems like they have known each other for a long time. Hindi kaya, kumikilos si Geib mula sa likuran 'ko. Did he hire a private investigator to find all the evidence he can use in his claim. At paano niya nagawang kunin ng ganon kabilis ang loob ng anak 'ko. Lalo na at hindi ganon kabilis magtiwala si Keib. Dahil ba mag-ama sila? Kaya mabilis silang na-attached sa isa't isa? I need to find out 'kung anong plinaplano niya.

"Keib, can I ask a few questions?", he pouted at me before nodding at me."How did you meet him?".

"Who, Mommy?", inosenteng tanong niya sa akin at inilagay pa ang dulo ng index finger niya sa dulo ng chin, siguro nag-iisip 'kung sino ang tinutukoy 'ko.  "There are a lot of guy I meet a while ago".

"The one you were talking to earlier, you call him Daddy Geib right?", pagco-confirm 'ko pa sa kanya." Paano mo siya nakilala, have you known eachother before?".

"No, I only met him earlier when I went to the comfort room to pee, then I washed my hands with him, after that he asked me to come with him", sabi niya sa akin at muli na namang nag-isip. "He gave me free ice cream a while ago and then we talked, he said we have the same features".

Pakiramdam 'ko ay nablangko ako ng marinig ang sinabi ng anak 'ko. Biglang tumigil ang pagproseso ng utak sa mga sinabi niya. He noticed that they had the same features. Alam 'kong hindi tanga siya tanga para isipin na coincidence lang lahat ng 'toh. Alam 'ko din na sa mga oras na 'toh, meroon ng konklusiyon na nabubuo sa isipan niya. Ngayon pa na natitigan niya at naka-usap ng matagal ang anak 'ko. At alam 'kong hindi siya titigil hangga't hindi niya napapatunay ang konklusiyon na nasa isipan niya. At alam ko na delikado ako sa 'kung ano man ang nalalaman niya.

"Did he ask anything about you and me? What else did you talk about", sunod sunod na tanong 'ko sa kanya, dahil natatakot ako na baka masyadong personal ang pinag-usapan nila, lalo na ang privacy naming mag-ina. "May sinabi ba siya sayo?".

"He didn't say anything aside from that", sabi niya bago ngumuso sa akin. Pakiramdam ko ay may 'kung anong nakabara sa lalamunan 'ko ngayon na . "Why are you asking Mommy? Is he chasing after you? But he seems so nice, he even gave me a stuffed toy".

Doon 'ko lang napansin ang yakap niyang dinasour na stuffed toy. Wala naman 'yun kanina, paano siya nagkaroon noon?

"Is he know your room? ", kunot noong tanong 'ko sa anak 'ko bago ibinababa ang tingin sa hawak niya. Simpleng dinosaur stuffed toy lang 'yun na kulay green at yellow green. Hindi 'ko tuloy alam 'kung sinasadya niya 'bang mapalapit sa anak 'ko o meroon siyang ibang motibo.

"He came here earlier when you left, Mommy", sabi niya sa akin humiga sa kama niya at niyakap ang stuffed toy niya.

You're confusing me Captain Gonzalez. If this is one of your movements to get closer to me, well do it well. Hinintay 'ko lang na makatulog ng tuluyan ang anak 'ko bago ako lumabas ng kuwarto niya. Dumeretso ako sa coffee shop sa tapat ng hospital para bumili ng kape dahil pakiramdam 'ko puyat  ako at kailan 'ko ng source of energy. Umorder lang ako ng usual coffee bago naupo sa couch malapit sa counter. Kinuha 'ko ang phone 'ko sa pocket ng suot 'kong short at nag-scroll sa soc med 'ko.

"Alone?", agad kumunot ang noo 'ko ng marinig ang pamilyar niyang boses, iniangat 'ko  ang mukha 'ko dahilan para magtama ang mga mata namin. "Puwede ba kitang sabayan?".

Escaping The PsychoWhere stories live. Discover now