Dara's POV
"Ssantoki, paabot nga ako nyan." Saka tinuro ni Bommie ang maleta nya.
Binuhat ko ito at inilapag sa kama nya. "Ano ba kasing susuotin mo?" Tanong ko.
"Hindi ko nga alam kung anong bagay sakin e." Saka nya sinimulang bulatlatin ang maleta nya.
Mabuti nga at nakakaya pa nito ni Bommie na kumalikot pa kahit isang kamay lang ang gamit nya.
"Kung wag na kaya akong magsuot nang kahit ano." Sabay tawa nya.
"Magandang ideya yan Bommie." Saka din ako tumawa.
Napaka 8D talaga nito ni Bommie!
"Wag na pala. Lilitaw masyado ang kasexy-han ko at baka mabaliw ang mga kalalakihan." Proud na sabi nya.
"Baka kamo mabaliw si Choi Seung Hyun at habulin ka." Pangaasar ko sa kanya.
Sinamaan nya lang ako nang tingin. Haha! "Dahil dyan sa sinabi mo, magsusuot na ako." Pagsusungit nya.
Hahaha! Pero natawa talaga ako sa sinabi nito ni Bommie na hindi na sya magsusuot nang kahit ano. Mababaliw talaga ang mga kalalakihan.
"So ano sa tingin mong bagay sakin dito Dara?" Saka nya pinakita sakin ang dalawang two-piece.
Yung isa ay tiger ang design while yung isa naman ay zebra.
Tiningnan ko nang maigi kung anong bagay sa kanya. Sa totoo lang bagay naman kasi kay Bommie kahit anong suotin nyan.
Palibasa nagpapaganda ngayon at may ibang mga bakasyunista. And thank god na puro foreigners at hindi Korean's. Sana lang di nila kami makilala.
Ito kasing villa na tinutuluyan namin ang pinaka malapit na villa sa dagat kaya ito ang kinuha. And pinaka maganda din ang view.
Hindi naman ganun kadami ang natanaw kong mga tao kanina sa dagat. Iilan ilan lang. Siguro mga nagbabakasyon din.
Maganda naman kasi talaga ang Jeju. Dinadayo talaga tong lugar na to dahil sa ganda nang dagat. And siguro madami ding dadating mamaya dahil nga sa beach party malapit sa Goblin Road mamaya.
"Eto na lang." Saka ko binigay sa kanya yung Zebra ang design. "Lilitaw ang puti mo dyan Bommie." Dagdag ko.
"Okay. Ikaw anong susuotin mo?" Tanong nya sakin.
"May dala din akong two-piece kaso magsho-short ako." Saka ako lumapit sa bag ko at nilabas ang susuotin ko.
"Bakit naman?" Tanong nya.
"Alam mo naman. Magagalit ang dragon." Nakangising sabi ko habang nilalabas ang susuotin ko.
Plain Pink lang sya na two-piece and nilabas ko din ang di-zipper kong maikling short na may design nang USA Flag.
"Ah... Oo nga pala." Ramdam ko ang lamig sa boses nya kaya napa tunghay ako bigla at nakita kong nakatungo lang sya.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko.
Umiling iling sya saka tumingin sakin. "Wala naman, iniisip ko lang kung papayagan ba ako ni Seung Hyun na magsuot nang ganto kung kami pa din." Sagot nya habang naka half smile at nakatingin sa susuotin nya.
"Ano ka ba Bommie. Kahit mag tibak ka pa dyan ayos lang. Kaya wag ka nang malungkot dyan. At wag ka na ding magisip nang kung ano-ano. Ienjoy na lang natin 'to, okay?" Nakangiti kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)
FanficHanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the world. Would they dare sacrifice while its still early or just let it be hidden. And when she rea...