iii.

4 0 0
                                    

"Kung san san ka naman kasi nagpupupunta, hindi ba oras ng klase nyo?"


Alalang sabi sakin ni Mis Villalordes. Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at huminga ng malalim baka sakaling umayos at luminaw ang nasa isip ko.


"Oras po kasi ng club namin, miss. Medyo naini lang po ako kaya tumambay na muna ako dito sa field."


Sagot ko naman, kitang kita pa rin ang alala sa kanilang mga mukha lalo na kay bea.


Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Van na nakatingin lang dito samin, nakatayo lang sya na may parang hinihintay na mangyari, agad namang bumalik ang atensyon ko kela bea.


"Ano ba kasi nangyari?"


Alalang tanong sakin ni bea, lumingon naman ako sakanya. Pinunasan ko muna ang pawis ko bago ko sila sagutin, kitang kita mo na na nagaantay sila ng sagot


"Ah wala. Salamat po, mauuna na kami ni bea, ayos lang ako"


Pagmamadaling pagpapaalam ko sakanila habang hila hila ko ang kamay ni bea papaalis sa field. Naiwan sila Miss Villlalordes


"Gwen! wait nga, ano ba kasi talaga nangyari?"


Napatigil ako nang alisin nya ang kamay ko na nakahawak sa braso nya, napaupo kami sa isang bench at agad na inexplain sakanya ang lahat.


Napabuntong hininga nalang ako nang matapos ko ang kwento ko sakanya.


"Weird, right? Grabe, para talaga syang totoo. Kasi kaya kong ikontrol, kaya kong makipag usap"


Siguro sa sobrang paghanga ko sakanya na halos lahat ng gawin ko sa isang araw ay sya lang naiisip ko, nagiging horror na tuloy itong storya.


"Wait, may sinasabi sila na kapag naaalala mo ang panaginip mo, may 52% chance na magiging totoo yun, o kaya sign yun"


Tugon nya. Napalitan ng ngiti ang mga labi ni bea at ako naman ay seryoso pa rin. Mahirap paniwalaan, tsaka wala namang pruweba yang ganyan, hindi ba? Pfft, bad dream lang yun kasi masama ang araw ko, siguro sa stress o di kaya naman sa pagod.


"Really bea? naniniwala ka sa ganyan?"


Natawa ako habang sinasabi ko yon, agad din naman syang natawa pero nahahalata mong sarcastic.


Hindi na sya sumagot sakin at naghiwalay na ulit kami dahil may iba pa kaming klase, sa kabilang building ako kaya naman ay naglakad ako papunta don.


"Isn't she the girl who flirts your man?"


Rinig ko ang bulungan mula sa kaliwa ko nang dumaan ako sa mga lockers, hindi ako nagpatalo at nilingon ko yon. Nakita ko si Camille kasama ang dalawa nyang kasama na kamukha nya, parehas mga bruha


"Oh ako ba yang pinaguusapan nyo? Kasi naririnig ko kayo e"


Giving them a death stare, hindi sila nagpatinag at tumayo ng tuwid mula ka kinasasandalan nila. Hinarap nila ako at nakatayo kaming apat sa gitna ng hallway


"Yes, ikaw nga. Malandi ka, aware ka naman ata na akin lang si Van diba? Bakit dumidikit ka pa rin?"


Malandi agad? Nakipagusap lang? Jusko, may issue at sayad na to sa pag iisip, ang arte arte, pigilan nyo nga ako, baka masampal ko to.


"Nabanggit nya ata sakin na ex ka na, at ex ka lang. Wala ka nang karapatan sa kung sinong pwede nya kausapin at kung sino ang hinde"


Realtalk ko sakanya. Wala akong balak na gustuhin si Van lalo na't kakakilala lang namin kanina, gusto ko lang isampal sa mukha nitong babaeng maarte na bwakanangbitch na to na hindi na sya girlfriend.


She's CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon