Epilogue 1

1 0 0
                                    

"Bro, you know the drill." Paalala ko kay Aiden matapos niyang ilapag sa mesa ang order ko.

I look to the girl who is sitting at her usual spot, freshly arrived. Directly across and opposite where I'm comfortably sitting while admiring her.

Na sa tingin ko ay mabuti na nakatalikod siya mula sa gawi ko, dahil hindi pa ako handang magpakita sa kaniya.

It's been almost a decade since I gaze upon her face, but I'm still completely into her. Her black wavy medium-length hair, diamond face shaped, thick and arched eyebrows, small and cute nose, thin lips, and alluring hooded eyes hold so many emotions.

It's been a long time, pero hindi ko pa rin ito nakakalimutan. Kung paano lumiit ang mga mata niya kasabay ng kaniyang pagtawa, kung gaano nakakahawa ang pag-ngiti niya, kung paano siya matuwa, magulat, masaktan, at umiyak.

Tandang tanda ko pa rin ito sa kabila ng sobrang daming nangyari sa nagdaan na sampung taon. Like it just happened yesterday, and I can't get it out of my head.

I want to take good care of her, sa pangalawang pagkakataon. I want to apologize for what I did. I want to confess and tell her what I feel.

But she's currently healing now, she's bringing back her broken pieces together. She's glowing just like she used to years ago. She's enjoying her solitude and progressing toward a better version of herself.

So I will not disturb her. Not now, lalo na't alam ko na hindi pa ako deserving para sa kaniya.

As she fixes herself, I'll change to be the best for her.

"Mukhang may karibal ka, pre."

Napalingon naman ako kay Aiden sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko masyadong nakuha ang sinabi nito. Karibal?

Aiden explained what he was referring to by pointing his mouth in another direction, sa likod ko.

Dahan dahan at patago akong lumingon sa tinuro ni Aiden. Which confirmed the question in my head, and made me nervous at the same time.

And there he is. The reason behind all her tears. Kahit hindi pa ako sigurado kung siya nga, malakas ang pakiramdam ko na tama ang hula ko. At lalo ko 'yong napatunayan dahil sa ginagawa niya ngayon.

Binalik ko ang aking tingin kay Fayre, na ngayon ay nakakunot ang noo dahil sa panibagong inumin na nilapag ng waiter sa mesa niya.

"Totoo ba 'to?" Rinig kong sambit niya.

"Opo, ma'am."

"Hindi ko 'to mauubos, kuya." Nag-aalalang sambit niya, palipat-lipat ang tingin sa tatlong inumin na nasa harap niya ngayon.

Isa para sa order niya, isa sa'kin, at isa naman sa...

Tahimik kong pinanuod mula sa aking kinauupuan ang pagtaas ng gilid ng kaniyang labi, at pagkislap ng kaniyang mga mata na nakatuon ngayon sa dalaga.

Ang sabi ng doctor ko ay kailangan palagi kong intindihin ang nararamdaman ko. Pero sa mga oras na 'to ay hindi ko alam kung ano ang mas nangingibabaw.

Selos?

Galit?

Inis?

Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon sa nararamdaman ko.

Takot.

Takot na baka... baka siya ang piliin niya.

Dahil alam ko naman. Alam ko na talo ako pagdating sa mga pinagsamahan nila. Lalo na't baka pinahahalagahan ni Fayre ang mga 'yon. Na baka mas matimbang pa yun kesa sa masasakit na alaala na mero'n sila.

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now