03/28/2022
(On going)DISCLAIMER
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Thank you...
A/: first time ko lang susulat ng story na ganito ang genre kaya tumatanggap ako ng judgements.
Sana magustuhan niyo!
Steffany's POV:
Maganda ang naging gising ko ngayong umaga,
At dahil yon sa napanaginipan ko si Gio. WHAAAA! Maloloka nako!
"Sylvia!! Gising na jan!!"
Pinipilit kong gisingin ang Bestfriend ko na si Sylvia hanggang sa tumayo ito at mag asikaso na ng sarili.
We're both 4th year highschool students.
Last month napag pasyahan kong kumuha nalang ng apartment na malapit sa school dahil masyado akong napapagastos sa pamasahe at di kaya yun tustusan ng part time job ko.
Oh baka iniisip niyo mas napapagastos ako? Hindi no!
Para mas lalong makatipid niyaya ko ang Bestfriend kong yayamanin na si sylvia para makihati sakin ng room.
Syempre hati din kami sa gastusin.
See? Madiskarte ako.
Kahit laki sa yaman tung babaeng to mas gusto niyang na chachallenge sa buhay dahil sa ganoon siya sumasaya, kaya ito siya ngayon kasama ako sa pag fefeeling independent.
Hindi naman ganon ka independent kase nga magkasama kami?
Pero ako ang main character dito so dapat sakin kayo mag focus. Noted ba?
Wala na akong mga magulang at ang tita ko nalang ang pamilyang nalalapitan ko.
Kaya eto ako ngayon, nag sisipag at nakabukod.
"Bes! Tara na!" Rinig kong sigaw ni Sylvia na nasa labas na sakay ng kaniyang kotse na minamaneho ng driver niya.
See? May kaartehan parin siyang taglay.
Ke'lapit lapit lang ng school may pa kotse kotse pa!
Lumabas nako ng apartment at ni lock ang pinto.
Pinag buksan ako ng pinto ng kotse nitong driver ni Sylvia at agad naman akong pumasok.
"Konting lakad lang naman may pa kotse kotse ka pa." Sabi ko na may kasamang pag tataray.
Tinarayan niya lang ako at nagtawanan na kaming dalawa.
Ganto talaga kami kaya wag na kayong mag taka.
Nag simula nang umandar ang kotse at natahimik na kaming dalawa.
.....
"Oh tara na bes! Nag aantay na yung isa mo pang bestie sa labas!" Sabi nito at tinuro ang lalakeng nag hihintay sa pag baba namin.
Si gio...
Bestfriend ko na siya simula nung elementary.
Hindi obvious na crush ko siya dahil mag Bestfriend kami at normal lang na sobrang close namin, pero...
Umaasa akong maramdaman niya na may gusto ako sa kaniya.
Agad akong bumaba ng sasakyan at sinalubong siya.
"Yo gio! Morning." Masiglang bati ko.
Binati din siya ni Sylvia.
Ngunit isang simpleng ngiti lang ang isinukli niya.
At teka? Bat di siya naka uniform?
"Guys... pwede ko ba kayong makausap?" Sabi nito gamit ang malungkot na tono.
Agad namang napakunot ang noo ko at sumunod sa kaniya na lumalakad palapit sa kotse niya.
Ganon din ang ginawa ni Sylvia hanggang sa nasa tapat na kami ng kotse niya.
"Im sorry..." sabi nito
"Huh? Bakit? Anong meron?" Naguguluhang sabi ni Sylvia na nasa likod ko.
Ako naman ay nanatiling tahimik at tila binabalot ng kaba.
"My dad wants me to study abroad..." malungkot na sabi nito.
Nag simula ng gumulo ang isipan ko.
Aalis siya???
Agad akong natauhan ng mapag tanto ang mga sinabi niya.
Hindi ako makapag salita at ganon din si Sylvia.
Huminga ako ng malalim at hinugot ang lahat ng lakas ng loob na meron ako.
"Pero pan---" agad naputol ang sasabihin ko ng sumingit ang driver niya.
"Sir, kaylangan na po nating umalis naiinip na ang dad mo sa airport."
Lalo akong nalungkot, bakit kaylangan niya pang umalis??? BAKIT??!
Pano yung mga pangako niya?? Na sabay kaming ga-graduate? Na hindi siya aalis para iwan ako? Na aabutin ang mga pangarap naming mag kasama? Akala ko ba...
"I'm really sorry..." sabi nito at nakayukong pumasok ng kotse.
Bago siya mag sara ng pinto ay nakahugot ako ng lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko.
Hindi na ako makapag isip ng kung anong dapat sabihin kaya napangunahan na ako ng damdamin ko.
"Gio! I like you..." doon ay nakuha ko ang atensyon niya at lumingon sa akin. Sinuklian niya lamang ako ng malungkot na ekspresiyon.
Nag sara na ang pinto ng kotse at umandar na ang kotse.
Nanlalambot ang mga tuhod ko....
Napaluhod nako sa gilid ng kalsada kaya pilit akong itinatayo ni Sylvia.
"Pero nangako siya..." Di ko na mapigilan ang luha ko habang sinasabi ko iyon kay via at binigyan niya lang ako ng mahigpit na yakap.
Nangako ka....
To be continued...
YOU ARE READING
Unrequited Love?
Romancea highschool unrequited love story. Matapos ang ilang taon gagraduate na din sawakas si Steffany sa highschool. Pero sa huling taon niya sa paaralang ito babalik ang lalaking kasama niya noon bumuo ng mga alaala at nag iwan ng mga pangakong, Napako.