I Had A Dream (One Shot)

39 0 0
                                    

*Gasps*

*Pant Pant*

I grab my tumbler near my bedside. And start to drink my water.

Panaginip..

Nanaginip nanaman ako. Gabi gabi akong nananaginip. It was a weird dream.

Sa loob ng panaginip ko, there was a blurred image of a man standing near the light post. Papatay patay ang ilaw. I was walking at the street back then. Walang ibang tao. Kaming dalawa lang.

Rinig na rinig ang huni ng mga pang gabing insekto. Wala kang halos marinig na ingay kundi ng mga insekto lamang nq humuhuni sa t'wing sasapit ang gabi.

Lumingon sakin ang lalakeng nakayo sa poste. Hindi parin malinaw ang imahe niya sakin. Ewan..

Dapat ay kinikilabutan na ako ngayon. Sa panaginip kasing ito ay maiisip mo na parang nasa loob kana rin ng horror movie sa scenariong nangyayari ngayon.

Pero..

Wala..

Kalmado lang ako habang pilit na inaaninag siya.

Kumilos ang lalaki, gumalaw ang mga binti niya na tila ba nais niyang pumunta sa kung saan mang direksyong naroon ako. Nakatitig parin siya sa akin, ganoon din ako sa kanya. Ang mga mata niya.. Yun lang ang malinaw sa paningin ko.

Para bang nang hihipnotismo ito at ano mang oras ay mapapasunod ka niya sa ano mang gusto niyang naisin. Nanatili lang akong nakatayo. Hindi gumagalaw. Parang na istatwa ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong magsalita.

Sino ka?

Subalit namutawi lamang sa aking isip ang tanong kong iyon sa isang estrangherong nasa harap ko ngayon.

Gumalaw ang sulok ng kanyang mga labi. Para bang may nais itong sabihin.

"Tanya"

Tanging lumabas sa kanyang bibig.

Kilala niya ako? Sino siya?

Sino ka? Bakit kilala mo ako?

I attempted to utter a word pero tulad ng dati sa isipan ko lamang nasabi ang mga katagang iyon.

Nagsimula na siyang humakbang.

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Tatlong hakbang at tumigil siya. Tatlo pang hakbang at tuluyan ng magkalapit kami.

"Sino ka?"

Sa wakas ay may lumabas na rin mula sa aking bibig.

Ngumiti siya at..

"Makikilala mo rin ako"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay..

Kadiliman..

Binalot na ako ng kadiliman at tuluyan na akong nagising.

--

"Tanya! Halika kana rito dali at kakain na!"

Bumaba na ako at umupo sa silya kung saan ang hapagkainan upang saluhan sa pagkain ang aking lola. Kaming dalawa nalang ang natitirang pamilya. Namatay ang kapatid at ang aking ina noong limang taong gulang pa lamang ako. Due to car accident. Noong mga oras na yun, hinihiling ko na sana.. Kinuha na rin ako ng Diyos. Pakiramdam ko walang wala nang natira sa akin. Himala ngang nabuhay pa ako dahil sabi ng mga doctor ay limang araw na akong walang malay tumigil na rin daw sa pagtibok ang puso ko. Pero himala raw na muli itong tumibok matapos ang sampung segundo.

I HAD A DREAM (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon