OBSESSED by IamANA
He's gone. And he'll never be back. Who did it? Yes I did it! I cut down his hands then next stubbed his chest a lot of times. I took out his heart and smell it. I’ve smelled victory! Blood all over my body; Blood all in my hands. I've killed him? Yes I did it! So now I'm asking you, DO YOU WANT TO BE NEXT?
----
“Celina!” Nagtatatakbong sinalubong ni Noel ang dalaga.
“Ang tagal tagal mo naman Leon! Ang sabi mo bago mananghali, makapananghali na oh?” Nakasimangot na sabi ni Celina sa kanya pero hindi pa rin nito naitago sa kanyang mga mata ang pagkasabik na makita ang kababata.
“Paano’y pinagluto pa kita ng paborito mong adobong manok. Tara na!”
Isa lang ito sa mga masasayang ala-ala ni Noel at Celina . She used to call Noel as Leon. Para maiba naman daw. Matagal na nanatili si Celina sa Maynila kaya nanibago siya sa pag uwi sa Baryo Kalinaw. Ito ang lupang tinubuan nila—ni Noel. Pero si Noel, kailanman ay hindi binalak na umalis sa Baryong iyon. Mas mahalaga sa kanya ang pagsilbihan ang mga kabaryo nila kaysa sa lumuwas paMaynila kapalit ang mataas na halaga ng sweldo, maraming benepisyo at mas malaking pangalan sa industriya ng medisina. Isa siyang doctor na Masaya sa piling ng mga pasyente niya.
“Mukhang busy-busyhan ka at hindi mo na ako pinansin matapos mo akong sunduin sa terminal Doc Leon.” Binaba ni Celina ang dalawang tasa ng kape sa lamesa.
“Hindi naman sa ganoon, marami lang kasing naiwang trabaho sa ospital at isa pa, pinag aaralan ko yung sakit na dumapo sa mga bata.” Hindi na nakuhang lingunin pa ni Noel ang kababata at patuloy sa pagbabasa ng mga Medicine Book.
“Kung bakit ba naman kasi hindi ka pa lumuwas ng Maynila at duon maghanap ng trabaho, o kaya mag abroad ka! Di hamak na mas high tech doon at mas malaki kaysa jan sa nagmamamano mano ka pa.” Hikayat naman ng dalaga.
“Alam mo Cel, hindi ko naman kinuha itong kursong ito dahil gusto kong yumaman o ano pa, gusto kong makatulong sa mga mahihirap gaya ng pangarap ko noong bata pa tayo.” Hindi na tumugon ang dalaga at pinagpatuloy ang paginom ng kape.
He’s staring Celina. Ang tagal na niya noong huling nakita si Celina. Pagkatapos kasi nilang magkolehiyo sa Maynila ay pinagpatuloy nito ang pamumuhay doon samantalang siya, tinupad ang sinumpaang tungkulin at pangako sa tinubuang lupa. Till now, he has this HIDDEN DESIRE with his Childhood Friend but still in hiding stage because he doesn’t have any guts to open that topic.
Tandang tanda niya pa noong may nanliligaw kay Celina na sobrang kulit. Si Lenard. Halos hindi na nito pinapasukan ang mga klase kakasunod kay Celina, palagi itong nagpapadala ng kung anu-ano sa kababata hanggang sa si Celina na mismo ang kumastigo doon at sinabing nobyo na nito si Noel. Bakas sa binata ang pagkagulat at bakas naman ang galit ng manliligaw ni Celina sa kanilang dalawa. He even cursed a spell and saying that hindi sila magiging Masaya kahit kailan. But that was three years ago, and their relationship is still there—best buddies.
Nabalik siya sa kasalukuyan ng isang tapik sa balikat.
“Kung bakit ba naman kasi hindi mo pa siya ligawan, Noel naman, ano pa ba ang inaantay mo? Baka mainip yan sige ka.” Nakangiti siyang nagmano sa Ama.
“Sa tingin mo Dad, tanggihan pa kaya niya ako?” Biglang tanong nito sa Ama.
“Ano ka ba Anak? Sa tagal nyo ng magkakilala, malabong tanggihan ka pa niyan, at saka alam kong hindi siya hihindi sa’yo.” Makahulugang ngiti ang ginawad sa kanya ng kanyang Ama.
----
Tahimik silang naglalakad sa dalampasigan. Kasabay ng ihip ng hangin ang bilis ng tibok ng puso ni Noel. Hindi siya sigurado sa magiging kalabasan nito pero sigurado na siya sa pagtatapat sa dalaga.